"Hindi ba at inireto ka ng mga magulang mo kay Blade? They're planning for your wedding this year, because on May, you'll turn eighteen." Napatanga ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya dahil… hindi ko alam kung ano 'yon at paano niya nalaman?! Samantalang ako ay walang kaalam alam sa nangyayari! Masyado na ba akong naging abala nitong buong linggo at hindi ko alam ang balitang 'yan? Bakit ako walang kaalam alam sa ganiyang balita. "I don't know what you're talking about. Because as far as I know, I am freaking single. And I am not f-cking married like what you're saying." Mataray kong sambit at humalukipkip sa harapan niya. Hindi ko alam kung bakit biglang umaliwalas ang kaniyang mukha dahil sa sinabi ko. Pero mabilis lang 'yon na nawala at naging madilim na naman

