Maghapon ulit ako sa planta nang araw na 'yon. Sa tuwing kailangan na ni Zaimon na magtrabaho ay nagpapaalam siya sa akin kaya pumapayag nalang rin ako dahil hindi ko naman siya pinapasahod. Nang mag-alas singko ng hapon ay nagpasundo na ako kay Kuya Lester. Nasa labas ng van si Zaimon habang pinagmamasdan akong pumasok sa loob. Hindi ko na siya nilingon, lalo na nang paandarin na ni Kuya Lester ang van pauwi sa mansyon. Pag-uwi ko sa mansyon ay naabutan ko si Mommy at Daddy na masinsinang nag-uusap. Mahina at tila gustong walang makarinig. Nang marinig ang yapak ko na palapit sa kanila ay natigil sila sa pag-uusap at napabaling sa akin. "Mom, dad." Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi nila. This is the first time that they went home early. What's with them? I mean, I didn't wan

