"Dane," mabilis akong lumingon sa tumawag sa akin at gano'n na lang ang pag-iinit ng puso ko. "Zaimon…" mabilis akong lumapit sa kaniya para yakapin siya nang mahigpit. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at hinayaan ang sariling umiyak roon. Ibinuhos ko ang sakit na nararamdaman ko sa kaniya habang mahigpit siyang yakap. Niyakap niya rin ang dalawang braso sa aking baywang at mahigpit ring tinugon ang yakap ko sa kaniya. "I can't…" umiiyak kong sambit habang iniisip ang mga sinabi sa akin nina Daddy at Mommy. "Anong problema? Hmm?" Malumanay niyang tanong sa akin habang hinahagod ang buhok at likod ko nang marahan. Umiling ako habang humihikbi sa dibdib niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. "I… don't want to… to do that…" hindi ko kaya. Mahal ko si Zaimon, hin

