"Gusto kitang itanan, Dane." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. He wants me to… what?! "You… you're kidding, right?" Nawawalan ng hiningang sambit ko habang nakatingin sa mga mata niyang malalim ang iniisip. Madilim at misteryoso. "I'm not." Mas lalo akong halos mahigitan ng hininga dahil sa pagsagot niya. Napatakip ako sa bibig ko habang hindi makapaniwalang nakatingin pa rin sa seryosong ekspresyon niya. No. He can't be so serious about that. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Takot, kaba, excitement, saya, halo-halong nararamdaman ang pumupuno sa puso ko. Takot at kaba dahil paniguradong magagalit ang mga magulang ko dahil sa gagawin naming pagtatanan. Alam kong hahalughugin nila ang buong Pilipinas makita lang ako at mapapanagot si Zaimon sa pagtakas sa akin. Alam kong

