"You know what, ang pangit mong ka-bonding!" Sigaw ko kay Zaimon at hinagisan siya ng tubig sa mukha. "Why did you do that?! Muntik na akong malunod!" Sigaw ko pa pero tinatawanan lang ako ng damuho. "H'wag kang mag-alala, hindi ko hahayaang malunod ka. Marunong ako lumangoy. Saka, hindi naman sobrang lalim dito, hindi ka malulunod." Natatawang aniya habang inaalis ang tubig sa mukha. "Kahit pa! Paano kung pulikatin ako tapos hindi ako makalangoy!" Kinakabahan pa rin ako. Pa'no ba naman kasi, tinumba niya bigla ang sinasakyan kong swan floater. Tapos biglang tatawa nang malakas na parang nang-iinis. Ang hilig niya talaga akong inisin. "H'wag kang advance mag-isip." Aniya at pinatakan ng mainit at marahang halik ang aking labi. "Hindi ko hahayaang malunod ka. Hindi ko hahayaang may mangy

