Zap’s POV “Boo, ano ‘to?” I was surprised. My eyes, which had looked into his tear-filled ones, were filled with unspoken questions. Hindi ko mapigilang mangamba, matakot, masaktan nang ilagay niya sa palad ko ang engagement ring na binigay ko sa kanya. Nasa may pool kami ng mansion nila. Pinauwi na muna siya ng mga magulang niya para mabantayan siya ni Mommy Chezka at araw-araw, walang mintis ang pagbisita ko sa kanya. “Hindi mo na ako mahal?” Napapikit siya at napailing kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mga mata niya. “Sobrang mahal kita, Zap. God knows how much I love you,” she sobbed. “Pero sa tuwing nakikita kita, sa tuwing kasama kita, kinakain ako ng konsensya ko. Hindi ko magawang maging masaya dahil laging sumasagi sa isip ko na sa bawat ngiti ko, sa bawat halakhak ko ka

