Note: NOT part of ZAPRA, a sneak peek of the playlist second-gen series' next story. It's up to you if you read it. Chapter 1 Casiane Axelle Olivares POV Nabigla ako at halos mapamura sa lakas ng musikang bumabayo mula sa ibaba. “You gotta be kidding me!” Anas ko. Agad na umakyat ang dugo ko sa ulo. Hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral kapag may naririnig akong ingay tapos long quiz pa namin bukas. “Christ! Kuya!” Inis na tumayo ako. Nakakamaong na pa stomp ako ng paa. Napapikit ako sa galit. Sinamantala na naman ng loko na kami lang dalawa at walang sisita sa kalokohan niya. Wala ang mga magulang namin umuwing probinsya dahil namatay ang tiyahin namin, dalawang araw itong mawawala. Hindi kami sinama ni Kuya dahil nag-aaral kami. Si Ate Cassy naman may fashion show sa Bali,

