Kiara’s POV
“Loko,” bahagya siyang natawa ng mahina kong hinampas ang hita niya.
“‘Di ka pa nga lasing. Nanghahampas ka pa,” saad nito.
“Bakit? Ano ba ginagawa ko dapat?”
“Nananabunot na may kasamang daing,” bulong niya sa tenga ‘ko, d*mn! Ba’t ang hot ng pagkakasabi niya.
“Shut up!” Natawa kami pareho, parang mga timang lang. Inalis ko ang sarili sa pagkakasandal sa dibdib niya at ninais na lumayo sa kanya ngunit kay bilis niyang hinuli muli ang baywang ko at pinatili. Natatawang sinandal niya ‘ko ulit sa kanya.
Nilalaro niya ang kamay ko habang nakatitig kaming dalawa sa buwan ngunit alam namin pareho na wala sa tinititigan namin ang atensyon naming dalawa.
“Boo…” tawag niya sa ‘kin.
“Yes?”
“Ayaw mo ba talaga?”
“Natatakot ako.”
“Iba naman tayo, iba sila,” saad niya na ang tinutukoy ay sina Lee at Kiro.
“Zap, If we take risks and fail, I wouldn't just lose a partner— I'd lose my best friend, the one who's been with me from the very start. I've gotten so used to having you around, and just the thought of us parting ways hurts. It would feel like losing half of my life, and starting all over again. And honestly I don’t think if I could. Natatakot ako Z kaya ayokong isugal.”
“But what if it works? What if we're the proof that best friends can fall in love and not fall apart? What if this is just the beginning of something even more beautiful?”
“And what if it's not?”
“Then at least we tried. I'd rather risk everything than spend my life wondering what could've been with you.”
Malalim akong napabuntong hininga. Ilang segundong namayani ang katahimikan sa ‘ming dalawa. Napayuko ako at napatitig sa magkahugpong naming mga kamay.
“Ang hirap mo namang tanggihan, Z…” Ilang saglit ay mahinang saad ko.
“Then, don’t.”
“Z naman…”
“Okay, okay, I’m sorry.” Saad niya saka diniin ang labi sa sintido ko.
Maya-maya’y nag-aya na ‘kong matulog. Inalalayan niya ‘kong tumayo. Sumunod naman agad siya sa ‘kin. Pumasok kami sa loob ng tent at pumwesto ng higa. Siniksik ko ang sarili kay Zap, ginawa kong unan ang kanyang braso, at niyakap siya. I really love being wrapped in his arms— it's where I feel safest. I don't know, but I also love the warmth of his body against mine.
Pinikit ko ang mga mata, narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Nasanay na ‘ko ganito siya lagi sa tuwing niyayakap ko siya ng ganito.
“Good night, Boo,” I whispered.
“Good night, Boo,” tugon niya. And when he pulled me closer into his embrace, I drifted off to sleep so easily.
Nagising akong tila may mga matang nakatitig sa ‘kin. Nagmulat ako ng mga mata, nag-angat ng tingin and I was right, titig titig na siya sa ‘kin. Ngumiti ako.
“Good morning,” bati ko sa kanya.
“Good morning,” napapikit ako ng halikan niya ‘ko sa noo.
“Kanina ka pa gising?” I asked.
“Hindi naman, mga one hour,” tugon niya.
“Ba’t ‘di mo ‘ko ginising,” saad ko.
“It’s fine. I enjoyed watching you sleep,” saad nito.
“Nakanganga ako?”
“Hindi, ganda mo pa rin kahit tulog,” saad nito.
“Thank you naman,”
“How was your sleep?” Tanong niya.
“Alam mo na, sarap lagi ng tulog ko pagkatabi ka,” saad ko.
“You really have to make me your husband.”
“And why is that?”
“Unless you still want to sleep next to me along with my wife.” Natigilan ako at napatitig sa kanya, saglit na hindi ako nakasagot tila may konting kirot sa puso ko sa idea na mag-aasawa siya ng iba and I will be out of the picture for sure.
“It’s fine, siguro naman by the time na mag-asawa ka na, may asawa na rin siguro ako,” saad ko. Siya naman ang natigilan. Pero ang totoo, hindi ko nakikita ang sarili ko kasama at kayakap ang ibang lalaki, siya lang, si Zap lang…
Nag-alis siya ng tingin sa ‘kin.
“Yeah, for sure,” sangayon niya.
“Zap, Kiara, let’s have breakfast now.” Nakuha ang atensyon namin sa patawag ni Tita Gabby.
Lumabas kami ng tent. Nakahanda na ang mga pagkain sa ibabaw ng foldable table. Nakaupo na rin sa foldable chairs sina Tita Gabby at Tito Nathan. Lumapit kami ni Zap. I kissed Tita Gabby’s cheek sunod ay kay Tito Nathan at binati sila ng good morning. Sumunod rin si Zap.
Umupo kami sa magkatabing dalawang bakanteng upuan.
Agad na nilagyan ni Zap ang plato ko ng kanin, egg at bacon habang ako nama’y gumagawa ng coffee niya at sa akin. Gusto ni Zap ng black coffee at konting-konting sugar lang.
Maya-maya’y nagsimula na kaming kumain.
“Kumusta tulog niya po, Tita, Tito?”
“Naku ang sarap, iba pa rin ang natural na lamig ng kalikasan. Ito talaga ang palaging hinahanap ko kapag nag-ka-camping rin kami ng mga Tito at Tita mo.
“Ikaw, Tito?”
“Okay lang, medyo namanhid braso ko—”
“Same, dad,” segunda ni Zap. Kay sama ng tingin na pinukol ni Tita Gab sa asawa ako naman kay Zap.
“I’m just kidding, babe.” Agad na bawi ni Tito Nathan.
“Biro lang din, tatay ko ‘to, mana-mana lang,” saad naman ni Zap.
“Ayos-ayosin niyo desisyon niyo sa buhay, naku,” saad ni Tita Gab. Tumawa lang ‘yung dalawa.
Afte ng breakfast ay maya-maya nga’y nag-aya nang umuwi. I really enjoyed the company of Zap’s parents. Hindi ko kailanman naramdaman ‘yung ilang, I always feel I’m part of the family, that I am also their daughter.
I was in my office, listening to alternative rock songs, focused on replying to emails on my iPad when the door suddenly opened.
“Hey, boo!”
Kay bilis kong nag-angat ng tingin kay Zap. Sinarado nito ang pinto pabalik bago humakbang palapit sa ‘kin.
“Hi, Boo!” Huminto siya sa harapan ng desk ko, bahagyang umuko at mabilis na hinalikan ang noo ko.
“Busy?” saad niya at mabilis na sinulyapan ang iPAd ko.
“Hindi naman, sumasagot lang ako sa mga emails.”
“Finish that up—I’ll just wait.”
“Okay, saglit na lang ‘to,” saad ko.
Umupo siya sa isa sa mga visitor’s chair sa harapan ko.
“Turned it up, boo,” saad niya ng sumalang ang kantang When I’m with you ng Faber Drive, it was our favorite. He always loves to sing it for me. Sinunod ko naman agad ang sinabi niya at nilakasan ang volume ng speaker ko pati ako napapasabay na rin.
At nang mag-chorus ay sumabay na siya.
“♬🎜 Cause I’m coming back to show you that I’m keeping the promise that I made. ♬🎜”
Napatingin ako sa kanya ng maramdaman ko ang mga titig niya and I was right, he was staring at me while singing his heart out while his left hand on his chest and while pointing at me.
“When I’m with you, I’ll make every second count ‘cause I miss you, whenever you’re not around. When I kiss you, I still get butterflies years from now. I'll make every second count when I’m with you. ♬🎜”
Nakatitig lamang ako sa kanya, nakangiti, kinikilig, punong-puno ang puso habang dinadama ang bawat linya ng kinakanta niya. He wasn’t just singing— he was expressing and was pouring out his feelings for me.
“Yeah, we’ve had our ups and downs but we’ve always worked them out. Babe am I ever glad we got this far now. Still I’m lying here tonight wishing I was by your side cause when I’m not there enough, nothings feels right. So I’m back to show you that I’ll love you the rest of my life. ♬🎜”
“Titig na titig ka, nahuhulog ka na sa ‘kin,” d*mn! Ni ‘di ko namalayan tapos na pala ‘yung kanta. “Hulaan ko, sugal na sugal ka na,” tawang-tawa siya ng inirapan ko siya. Muli kong binalik ang atensyon ko sa ginagawa ngunit ang hirap na muling mag-focus habang ‘yung puso ko kumakalabog ng malakas.
Tama siya, hulog na hulog na ‘ko at sugal na sugal na…