Chapter 6

1793 Words
Kiara’s POV Binyag ng pamangkin ko, bunsong anak nina Kuya Kier at Ate Kirsten. Sa garden lang ng bahay nina Kuya sinelebrate. Nagsidatingan ang lahat ng tropa nina Daddy at Mommy pati buong pamilya ng mga ito kaya malamang nandito rin buong tropa. Masayang nagkwe-kwentuhan kami nina Amber ng maramdaman ko ang pag-akbay sa ‘kin ng kung sino. Paglingon ko it was Zap. “Sino kasama mo?” “Mga boss ‘ko.” Sagot nito. Napakunot noo ko. “Boss?” “Sina mommy, ako kasi driver nila ngayon,” bahagya akong natawa sa sinabi nito. “Nasaan sila?” Sinundan ko ang tingin kung saan siya nakanguso. “Puntahan ko saglit,” saad ko kay Zap ngunit sinamahan niya ‘ko papunta kina Tita Gab at Tito Nathan na ngayo’y abala sa pakikipagbeso sa iba naming Ninong at Ninang na nauna ng dumating sa kanila. Tapos na naman ako nakipagbeso sa mga naunang dumating kaya dumiretso na ‘ko sa kaninalng dalawa. “Tito,” una kong bineso si Tito Nathan, daddy ni Zap. Bumitaw si Zap sa pag-akbay sa ‘kin. “Hi, Kiara, how are you?” “Okay lang po, Tito. Ikaw kumusta? Mataas raw po sugar niyo?” “Oo, Tita mo kasi masyadong sweet,” oo, naman! May humor din si Tito Nathan pagdating sa asawa niya. Katulad lang din ni Zap sa ‘kin ‘di nga lang ako ‘yung asawa. Sabay na nag-reak ang tropa nila. Napuno tulog ng kantiyawan. “Shut up, kids.” Bara ni Tito sa tropa. “Kaya pala dugo mataas sa ‘kin,” singit ni Tito Miggy. “Gusto mong mas tumaas pa?” Natawa ako sa sagot ni Tita Addison. Kantiyawan ulit ng buong tropa napapailing na lamang ako. Walang pinagbago kahit may mga may edad na. “Hello po, Tita Gab,” bati ko sa mommy ni Zap. “Hi, Kiara!” Kay ganda ng ngiti ni Tita Gab, ramdam ko ‘yung tuwa niya ng makita ako. “Kumusta ka na, ilang linggo ka ng hindi nakabisita sa bahay. Nami-miss ko kakwetuhan ka habang nag-pe-painting tayong dalawa.” Oo, painting ang bonding namin ni Tita Gab lalo’t mahilig din siya mag-drawing. Architect nga pala si Tita Gab. “Super busy po talaga sa studio. Ang raming nagpa-pa-line up for commission. Tumatanggi na nga ako kaso gusto pa rin mag-pa-line up kahit gaano pa katagal,” saad ko. “Really, that’s good! Ang galing mo rin kasing bata ka.” Ngumiti ako. Hindi ‘ko naramdamang bola ‘yun dahil ramdam ko ‘yun sincerity sa pagkakasabi niya. “Thank you!” “So kailan mo, ‘ko bibisitahin?” “Next week po, promise!” “Asahan ko ‘yan.” “Opo!” “May tanong ako,” natigil ako at naging curious. “Ano po?” Lumapit siya sa ‘kin at bumulong. “Kayo na ba ng anak ko?” Nakagat ko ang ibabang labi. Noon pa man sobrang supportive na niya sa ‘min ni Zap. Dama kong gustong-gusto niya ‘ko para sa anak niya, ako rin naman, ‘yun nga lang wala pa akong lakas ng loob para sumugal. Napanguso ako ng tignan niya ‘ko. “It’s okay,” agad niyang nakuha ang reaksyon ko. “It takes time naman. Mas maganda nga ‘yan ‘di kayo nagmamadali. Enjoy niyo lang kung anong meron kayo, ha?” Magaan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok kong tumatabing sa mukha ko. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko at hinaplus ng kanyang hinlalaki. “It’s fine. Just want you to know na supportado ko kayo kahit na anong mangyari. But I’m praying na ikaw makatutuluyan ni Zap, I really like you a lot, anak. Deserve ni Zap ng isang mabait, magalang at maalagang partner, at nakikita ko iyan sayo. I’m always the biggest fan of ZapRa.” Ngumiti lamang ako at hindi nagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin, ayaw ko rin magsalita ng tapos lalo’t alam ko sa sarili kong may nararamdaman rin ako para sa anak niya. Sa sumunod nga na linggo ay tinupad ko ang pangako ni Tita Gab. Bumili ako ng mga gagamitin naming painting materials para sa bonding naming dalawa. Nadatnan ko siyang nagluluto ng lunch pagdating namin ni Zap sa bahay ng mga magulang niya. Agad akong kumuha ng apron at sinuot upang tulungan si Tita Gab sa niluluto niya. “Hello, Tita,” bati ko sa kanya. Napalingon siya sa ‘kin. “Hello, Kiara, sorry, hindi pa ‘ko tapos sa niluto ko,” bakas ang pagkabahala sa kanyang mukha. “It’s fine, Tita! Ito naman! Ako na dyan,” saad ko ay pumalit sa kanya sa paghihiwa ng mga sangkap. “Thank you,” pagkasabi’y tinungo nito ang isang kalderong umusok. Binilisan ko naman ang pag-hiwa. Sanay ako dahil ito rin ang bonding namin ni Mommy sa bahay. Nakita kong inabot ni Zap ang isang mansanas na nakalagay sa center ng kitchen counter kung saan ako ng hihiwa ng mga sangkap. Umupos siya sa kaharap ko na stool. Patuloy lamang ako sa paghihiwa ngunit naramdaman ko ang maririing mga titig ni Zap sa ‘kin kaya napilitan na ‘kong mag-angat ng tingin sa kanya. “What?” Sita ko. “It's just so beautiful to watch you both. Dalawang babaeng sobrang mahal ko. I can't help but imagine you as my wife.” “Babe!” Nagulat ako ng biglang sumigaw si Tita Gab parang kidlat nmang dumating agad si Tito Nathan. “Babe, why?” Bakas ang pag-aalala sa mukhani Tito Nathan. “Kiss me, please!” Kunot ang noo ni Tito Nathan na nilapitan si Tita Gab, kahit nalilito ay sinunod pa rin niya ang sinabi ng asawa. “Why?” “Wala lang, kinilig lang ako sa dalawa,” cute na saad ni Tita Gab. Ako naman natawa habang si Zap napailing. “You almost gave me a heart attack, babe, akala ko napaso ka na. I was having a virtual meeting with the stockholders.” “Sorry.” Hinapit ni Tito Nathan sa baywang ang asawa at muling hinalikan sa labi. “Pst,” napalingon ako kay Zap. Ngumuso ito, nanghihingi ng halik.” “You want this?” saad ko at bahagyang tinaas ang hawak na kutsilyo. Natatawang umiling ito. Tumulong na rin ako sa iba pang lulutuin ni Tita Gab, since alam ko na naman ‘yung recipe niya. ‘Yung mga niluto niya kasi mga favorites ko rin na mga niluluto niya sa tuwing bumibisita ako. Tumutulo na ang pawis ko dahil na rin sa init sa kitchen kahit pa naka-aircon naman ang buong bahay nila. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Zap na pinupunasan ang mommy niya dahil sa pawis. Bumalik na kasi agad sa meeting niya si Tito Nathan sa loob ng kanyang opisina. Oo, sobrang swerte ng babaeng magiging asawa niya dahil tiyak aalagaan at mamahalin niya gaya kung paano niya alagaan ang mommy niya, also me. Malungkot na nag-alis ako ng tingin. Napaisip kung kailan ko pipigilan ang nararamdaman ko para kay Zap, kung kaya ko pa bang pigilan… Dahil araw-araw na nakakasama ko siya mas lumalalim ang pagkakahulog ko sa kaibigan ko. Maya-maya’y naramdaman ko si Zap sa likuran ko. Hinayaan ko siya ng ayusin nito ang buhok ko. Kay gaan ng kamay niya, dama ko ‘yung pag-iingat at pag-aalaga niya. Tinipon niya lahat ng buhok ko lalo na ‘yung nakatakas sa mukha ko at inayos ang pagkakatali upang ‘di na maging sagabal sa paningin ko. Sinunod niyang pinunasan ang pawis ko sa noo, sunod ang likod ko. Naramdaman kong ang tungki ng ilong niya sa batok. Ganito siya lagi, inaamoy niya ‘ko. “You're all sweaty, yet you still smell good,” bulong niya. “Sarap mong papakin, uli- aw!” Mahinang impit nito ngsiniko ang taligiran niya. Matapos magluto ay tinulungan ko si Tita Gab sa paghanda sa mga pagkain sa mesa. “Thank you so much, Kiara. Ikaw itong bisita–” “Tita naman, parang ‘di pamilya,” natawa ito. “She’s fine, mommy, nag-pa-praktis lang ‘yan bilang asawa ko.” Sinamaan ko siya ng tingin, kinindatan niya lang ako, sh*t ang gwapo ng kumag! Maya-maya’y nagsimula na kaming kumain. “Gusto niyo mag-camping today?” Aya ni Tito Nathan habang abala kami sa pagkain. Agad niyang nakuha ang atensyon ko at napalingon sa kanya. “I like it, babe! Sige, magcamping tayong apat. Double date.” “Sige po,” excited kong tugon. Kay dali nga naming narating ‘yung lugar na napili naming pag-campingan. Habang abala sina Tito Nathan at Zap sa pagpapatayo sa dalawang tent ay kami naman ni Tita Gab sa paglatag sa picnic mat sa damuhan at paghanda ng mga baon namin. Matapos ay sinet-up na namin ni Tita Gabby ang stand ng dalawa naming dalawang drawing board at ang model namin ay ang magandang view sa harapan namin. Habang nag-iinuman sina Tito Nathan at Zap kami naman ni Tita Gabby ay abala sa pagpi-painting habang nagkwe-kwentuhan. Kamustahan lang naman at mga ganap namin sa mga nakaraang mga araw. Nang matapos kaming magpintang dalawa ay nag-exchange kami ng drawing bilang gift namin sa isa’t-isa. May bagong isasabit na naman ako sa showroom ko, saad ko. Nilalagay ko sa showroom ang mga drawing ni Tita Gab. I valued them so much and those painting are not for sale. Nang gumabi ay gumawa ng bonfire sina Zap at Tito Nathan. Lumapit kami sa dalawa, sabay na naupo sa gitna ng mga hita sabay sandal ang likod sa kani-kanilang mga dibdib. Hindi na umiinom si Tita Gabby kaya ako na lang ang nakipagsabayan sa dalawa. Masaya kaming nagkwekwentuhan hangang sa nag-aya ng matulog si Tita Gabby. Nagpaalam ang dalawang mauna ng matulog sa tent. Naiwan kami ni Zap sa labas. “Aren’t you sleepy yet?” He asked. “Hindi pa naman, ikaw?” “Same.” Naramdaman ko ang pagyakap ng mga braso niya sa tiyan ko. Hinayaan ko siya. Hindi ko alam kung ako lang ba but everytime he did it, tila may pinupukaw siya sa katawan ko that I couldn’t resist. Gustong-gusto ng katawan ko ang mga yakap niya lalo’t ang paglapat ng init ng katawan niya sa katawan ko. Muli’y naramdaman ko ang tongki ng ilong niya sa bandand leeg ko. Napapikit ako as he traced the tip of his nose along my neck. Ang mainit na buga ng hininga niya’y mas lalong nakaragdag sa init na nararamdan ko. Muli’y nagsiliparan ang mga nilalan sa tiyan ko. “Z…” “Are you drunk?” “Hindi, why?” “I’m waiting for you to kiss me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD