Zap’s POV “OBGYNE Clinic? W-what are we doing here?” Parang gusto ko ng maniwala na may tinatago siya talaga base sa ekspresyon ng kanyang mukha. Bakit ‘di ko ‘to napansin noong una pa? She looked surprise, at kung iisipin mabuti, ba’t siya magugulat kung dalhin ko siya sa isang OBGYNE gayong buntis naman siya? “Oh, I forgot to tell you, mom asked me a favor — to pick up her medicine. She's her doctor. Come, samahan mo ‘ko,” I casually said. “H-ha? P-pwedeng ikaw na lang? I-I’ll just wait, here,” nauutal niyang saad. Mas naging kahinahinala tuloy siya sa paningin ‘ko. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o ikagagalit ko pag nalamang ‘di siya totoong buntis dahil kung sakaling hindi nga wala nang hadlang pa para sa ‘min ni Kiara. “She’s a very good friend of our family, ipakilala kita

