Zap’s POV “Sigurado po ba kayo, Tita?” Hindi pa rin ako makapaniwala after Tita Jinkee confirmed that Laurent wasn't really pregnant. She looked me in the eyes and gave me a calm, reassuring smile and nodded. “Positive. There's no pregnancy, not even a trace.” Puno ng kumpyansang saad niya. “W-what?” Magkasalubong ang kilay kong saad. Napaawang ang bibig ko habang pinoproseso ng utak ko ang totoo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman, iba’t ibang emosyon ang ngayon ay bumabalot sa puso ko, parang gusto kong sumigaw. Pero sa totoo lang hindi ko magawang magalit ng buo ay Laurent dahil malaki ang parte sa puso ko ngayon ang masaya na para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Unang sumagi sa isipan ko ay si Kiara, at last, we’re finally free! But I won't let Laurent— or even t

