VINCE POV
Kaagad akong sumunod sa room ni Althea. Nag timpi ng galit habang pinapakinggan ang mga bilin ng doctor.
" Okay Doc. Pasensya na sa abala."
" Okay lang. Kasama to sa trabaho." nakangiting sabi ng doktor. Bago nag paalam na samin.
Nung nakalabas na sila kami na lang ni Yex ang naiwan. Nakatitig lang sya sa mukha ni Thea na para bang umiiwas saken. Maya maya lang ay nagising na din si Thea at kaagad na nagulat nung nakita ako. Nakatingin siya sa kamay ko na nakaikom dahil sa sobrang inis.
" Hows your feeling? " kaagad na tanong ni Yex na puno ng pag aalala.
" Im okay." nakangiting sagot naman ni Thea. "Si Vienna nga pala, alam niya ba ang nangyari saken?"
" Hindi pa, pero Thea kelangan mo ng mag ingat. Masuwerte ka kanina dahil malapit lang ako sayo---" natigil ang sasabihin ni Yex dahil sa ibinagsak ko un hawak ko sa lamesa.
" Pwede bang ipaliwanag niyo saken ang nangyayari, siguro naman ay may karapatan pa din ako dahil kaibigan mo pa rin ako na nag aalala sayo." mapait kong pakiusap sa kanila.
Pero wala ako nadinig sa kanila. Hinintay ko may mag salita pero wala man lang ako nadinig kundi buntong hininga ni Yex habang parang nag uusap ang mga mata nila sa tingin. Natigil lang pag titigan ng dalwa dahil sa may tumawag sa akin.
Sinagot ko muna to dahil kelangan din ako ni Sheena ngayon. Dinala ko eto sa hospital nung nakaraang araw dahil sa sobrang depressed niya sa naging away nila ng fiance niya.
" Im sorry for your lost. Okay pupuntahan kita agad diyan. Wag ka ng umiyak." pag alo ko kay Sheena dahil sa pagka wala ng baby niya. Kelangan niya ako dun dahil ako lang ang tanging nakakaalam ng totoong nangyari sa kanila ng fiance niya.
Nang babalik n ako sa kuwarto ni Thea ay narinig ko naman ang pag tatalo ng dalwa ni Yex sa mahinang boses.
" Sinabi ko na sayo diba, mas makakabuti kung sabihin mo sa kanya ang totoo. Com'n Thea. Bakit ginagawa mo to sa mga bata at sa sarili mo."--Yex
" No. Ayaw kong magulo un relasyon nila. Saka masaya na ako na nagiging maayos na siya ngayon. Hindi ko na sya--"--Thea
" No this time kami na ng Kuya mo ang masusunod. Hindi na kami papayag sa mga desisyon mo baluktot! Its final!"--Yex
" Wag naman ganito Yex. Kaya ko naman e." pagmamakaawa ni Thea kay Yex.
Umiling lang siya at ipinikit ang mata habang hinihilot ang sintido. Saka pa lang ako pumasok at nagkunwari na walang nadinig. Gusto ko malaman kung anung tinatago nila pero kelangan na kelangan ako ni Sheena ngayon.
" Babalik muna ako sa Manila. Hindi pa tayo tapos. Pupuntahan ko lang si She---" hindi ko din natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang akong sinuntok ni Yex.
Sa lakas ng puwersa niya ay napaupo ako. Napatigil ako at nagtataka kung bakit.
Babawi na sana ako pero dumating na si Dey at Yana.
" Vince mag usap tayo. Bago ka pumunta sa babaeng pinag mulan ng lahat ng ikinasira niyong dalawa" sabi ni Yex.
"Yex naman, wag mo naman gawin saken to!" umiiyak na pag mamakaawa ni Thea kaya napakunot ang noo ko. Tinatawag niya pa si Yex nung lumabas kami ng kuwarto.
Nag iwan kami ng ilang mga pasa sa mukha hanggang sa mapagod kaming dalawa at huminto. Sa ginawa namin iyon damang dama namin pareho na nailabas na namin un sama ng loob na nun pa kinikimkim. Dati ay hindi bumabawe si Yex saken pero ngayon alam kong may pinag huhugutan siya kaya hinayaan ko lang siya.
"Mahal mo pa ba siya?"--Yex. Hindi ako sumagot. Tinungga ko lang un beer na hawak ko habang nakatingin sa kawalan ng dagat.
" Alam ko na naging malapit ulit kayong dalawa nitong mga nagdaang araw. Alam ko din na hindi kayo ni Sheena totoong magkarelasyon. Alam ko din na mahal na mahal ka ni Althea. Kaya alam ko din kung bakit ka nagkaka ganyan at kung bakit nagkakaganun si Thea. Masyado kayong kinakain ng selos pero pareho kayong walang karapatan" sinamahan niya ng sarkastikong tawa bago nag diretso ng salita.
" Pre alam niyo ang kulang sa inyong dalawa ung tiwala at pagpapaka totoo. Dapat nung una pa lang hinabol muna siya, Dapat nung una pa lang pinaramdam mo un pag mamahal mo sa kanya. Dapat nung una pa lang sinabi mo na sa kanya na seryoso ka na mahal mo siya. Dapat nung una pa lang nilagyan mo na siya ng bakod."- Yex
" Nakita ko un sakit na dinulot niyo sa mga sarili niyo mahirap para saken dahil pareho ko kayong kaibigan e. Yun nga lang lamang si Thea dahil inakala ko nun na tama un mga hinala niya pero nung nalaman ko naman un side mo kinakausap ko siya na bumalik na sayo at ayusin na lang yung nangyari gulo."-Yex
"Anong ibig mong sabihin? Pwede bang sabihin mo na ng mas mabilis un patutunguhan nito?" balik kong tanong sa kanya.
"Nakita mo naman kung paano nagmakaawa si Thea sa akin diba. Alam mo ba kung para san yun?-Yex
" Para siya ang piliin mo dahil nabuntis mo ulit siya? " sarkastiko kong sagot.
" Totoo nakakabulag ang selos. Pero dude kung talaga mahal mo si Thea dapat inalam mo un totoo. Hindi kayo g dalwa nagpabulag sa mga maling akala. Matuto sana kayong magtiwala sa puso niyo!" seryoso niyang payo saken.
" Si Thea natatandaan mo b nung gabi na magwala ka, ung babaeng inakala na padala ng barkada sa unit mo. Hindi siya pinadala sayo. Simula ng nalaman namin babalik na si Thea dito tinigilan na namin un plano."-Yex
" Hindi ba naging pamilyar sayo ang paghalik niya? Yung yakap niya? "-Yex
Napakunot ang noo ko sa tinanong niya. Oo sobrang pamilyar ung amoy ung hawak pero inakala kong dahil lang un sa kalasingan ko.
"Paanong--? Ibig mo sabihin-- Si" Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil kung ganun hindi lang dahil sa lasing ako kaya ko nakikita ang mukha ni Theang gabing yun.
" Pre wala akong sinabi sayo dahil un ang pakiusap ng babaeng mahal mo. Binigyan ko lang ng liwanag ang kaisipan mo baka sakali na magising ka. Sana naman gumawa ka ng paraan para maayos mo. Wag niyong idaan sa iwasan at mga maling akala. Hindi pa huli ang lahat. Tandaan mo din un lagi sinabi ni ALLIE VIENNA MASAYA NA TAWAGIN KANG DADDY." May diin salita ni Yex bago ako iniwan sa tabing dagat na nakatulala.
Guminhawa ang pakiramdam ko, kung ganoon may posibilidad na ako talaga ang ama ni Vienna. At may posibilidad na ako un ama ng pinag bubuntis niya. Tumayo ako sa dagat at tumalon habang sumisigaw nung natauhan ako.
"DADDY NA TALAGA AKO!"
"DADDY NA AKO"
"THANK YOU LORD"