ALTHEA POV
Nagising ako na may nakayakap sa aking tiyan. Masarap sa pakiramdam at napaka pamilyar ng init na binibigay. Nanatili akong nakapikit at nagpanggap na tulog.
" Good morning baby." sabi nito habang hinahaplos ang aking tiyan.
Maya maya lang ay bumangon na din ito. Alam kong si Vince to. Napaisip tuloy ako kung sinabi na ba ni Yex.
Pero tinatanong pa ba yun bakit ang ganda ng bati niya diba. Magmumulat na sana ako ng mata ng marinig ko na bumalik siya sa kuwarto ko at may kausap. Lumapit to saken at inayos ang kumot ko. Naupo siya sa may tabi ko habang kinuha niya naman ung kamay ko at hinawakan habang kausap un nasa kabilang linya ng phone niya. Dinig na dinig ko ang usapan nila na nag pasira ng maganda ko na sanang umaga.
"I need you now" sabi ng malanding si Sheena.
"Yeah I know naman Sheen. Pero maintindihan mo din sana un sitwasyon ko." malungkot na sabi ni Vince.
" Hmmmn. Of course naman Vince. Sinanay mo ako na nandito ka lagi sa tabi ko or ikaw ang andito lagi pag may problema ako kaya namimiss kita. Bakit kasi ngayon pa nangyari to?"--si Sheena na naiiyak.
" Ssshhh. Okay lang isipin mo na lang na hindi talaga para saten si baby, hmmmn. At least hindi na siya mahihirapan diba. And for sure naman maayos din yan nasira sayo. So cheer up , Honey. okay" hindi ko napigilan mapakunot ang noo ko.
Nainis ako sa tinawag niya kay Sheena. Nainis din ako sa nalaman ko nawala un baby nila. Dahil ba sa akin yun. Masama yata saken ang nakakaramdam ng inis dahil nakaramdam ako ng pag duwal. Mabilis akong bumangon at sumunod na din saken si Vince. Nadinig ko pa ang pag tawag niya saken.
" Thea! Baby!" paulit ulit na pag tawag niya ng pangalan ko. Hinahaplos nya din un likod ko kaya naman medyo gumaan na yun pakiramdam ko nung maamoy ko siya. Andun pa din un inis pero mas komportable ako pag naamoy ko siya.
Nung naging okay na ako ay nag madali na akong mag hilamos at mag mumog.
" Anung gingawa mo dito?" tanong ko kay Vince.
" Binabantayan ka. Alam ko kasi na kelangan mo ako ngayon. "-Vince
" Why would I? I dont need your presence here. Mas kelangan ka ni Sheena so better na bumalik ka na ng Manila." Mataray kong sagot sa kanya.
"Bakit ko naman siya pupuntahan?"Vince
" I heard nawalan siya ng baby--" nakalimutan kong nagpapanggap nga pala akong tulog kanina.
" AHA! so youre acting youre sleep lang pala huh! But yeahh. Her baby was lost ng dahil sa stress niya the past days. I feel guilty baby dahil may kasalanan din ako. Gusto ko man siyang damayan pero mas kelangan mo din ako dito." kanina lang ay nagbibiro siya pero ngayon ay ramdam kong nalulungkot din siya.
Nakaramdam din ako ng lungkot. Nagui-guilty din ako but this time I want to be with him muna. Andito na siya at ayaw niyang umalis. Tatanggihan ko pa ba.
Inayos ko na ang sarili ko habang siya naman ay nag paalam na kukuha ng lunch namin. This is it.
Ewan koba pero naexcite ako. Naikalat ko na lahat ng damit ko. Wala pa rin akong mapili. Ayaw ko ng mga dala kong damit pag naiisip ko kung paano manamit si Sheena, gusto ko sanang higitan to. Nakasimangot ako nung pumasok ang mag Daddy. Sinundo na din pala niya si Vienna.
" Mommy! You look annoying!"-Vienna
"I hate my dress baby." nakasimangot kong sagot sa kanya kaya napatawa si Vince na ikinairap ko sa kanya.
" Something funny ba? Mr. Madrigal!"
" Hmmn wala naman po. Ngayon ko lang ulit nakita un ganyan mong mukha. Natuwa lang ako. By the way, lahat naman kasi ng damit bumabagay sayo. Kelan ka pa naging mapili sa damit ha"--Vince
" Daddy's right. Diba Mom sabi mo saken kung ano ung nandiyan siya na lang un pag tiyagaan naten, hmmmn remember?" sagot ng anak ko na ikinataas ng kilay ko sa mag ama. Pinagtutulungan ba nila ako.
" Ganun ALLIE VIENNA DE OCAMPO MADRIGAL!!! Pinag tutulungan niyo na ako." sagot ko sa anak ko habang hinabol ko siya at kiniliti ng kiniliti.
Samantala nakalimutan kong andito nga pala si Vince at nadinig niya na tinawag ko sa buong pangalan ang anak namin. Tumatawa kami ng mapalingon ako kay Vince na may butil ng luha sa mata. Dun ko lang narealize ang sinabi ko.
Tumigil na ako sa pagkiliti sa anak ko at pinatayo ko na din ang anak ko. Napag pasyahan kongmag bihis na. pinili ko lang muna un Red dress na dinala ko. Hindi ako kumportable dahil sa may pag ka backless eto. Sa kagustuhan ko mahigitan si Sheena, heto ako ngayon. Hindi mapakali sa sobrang daring ng mga dala ko.
Nanatili lang tahimik si Vince habang kumakain kami. Nakatitig lang siya kay Vienna at panay ang asikaso samen mag ina. Nang matapos kami kumain at nakapag pahinga ng konti. Nagpabihis na yung anak namin at nagpahatid na sa Yaya nila.
Pabalik balik ako sa loob ng kuwarto ko at kinakausap un sarili. Nag hahanda na din ako ng ipaliwanag kay Vince.
"Ano na naman ba Althea yan sinabi mo? Nakakainis ka. Bakit ngayon pa."-paninita ko sa aking sarili.
Maya maya lang ay pumasok na si Vince. Nakatingin lang siya saken. Malamig ang binibigay niyang tingin "ano bang ineexpect mo diba malamang magagalit talaga yan".
"Vince ano kasi-!!" pagsisimula ko sana pero pinigil niya.
" Baby saka na naten pag usapan yan hinihintay na nila tayo. Ihanda mo yan sarili mo madami kang ipapaliwanag saken, pero sa ngayon ibigay muna naten ang susunod na oras kay Yana at Kiel, okay?" sabi saken ni Vince habang inaayos niya yun mga nalaglag kong buhok at nilagay sa may tenga.
Tumango lang ako at nag sorry sa kanya sa mahinang boses habang nanatiling nakatungo at di makatingin ng diretso sa mga mata niya.
" Okay lang yun baby. Madami tayo aayusin pero sa ngayon we need to go."-Vince. Inilahad niya un kamay niya kaya inabot ko ang kamay ko at magkahawak kamay kaming umatend sa kasal ni Yana at Kiel.