TWF15

1856 Words
ALTHEA POV Napahawak ako sa dibdib ko, ang lakas ng t***k ng puso ko. " Anu ba Vincent Madrigal? Baka lalo akong mainlove sayo nito." "Kalma self, mag kaibigan lang ang meron kayo." " Baby ang sarap ng Daddy mo kagatin, masuwerte ka nakakasama mo siya habang nasa tummy ka ni Mommy. Masaya ka ba hmmmn" kinausap ko un baby ko hanggang sa maka tulog na ako. Nagising ako ng may matamis na ngiti sa labi kaagad kong ginawa un morning routine ko at pag labas ko ng room galing cr. Napalaki ang mata ko sa gulat. Naka tapis lang ako ng towel dahil akala ko ako lang. "Vince, anung ginagawa mo dito." Tanong ko sa kanya habang nag diretso ako sa mga lalagyanan ko ng damit. Tiningnan niya lang ako habang may kausap naman siya sa cellphone niya. Pagkatapos kong mag bihis andito pa rin siya at pinapanood ung picture ng anak ko. Nakatitig siya sa mga larawan na parang may hinahanap. " Anong ginagawa mo dito? " Ulit kong tanong sa kanya. " Si princess tumawag naninigurado kung andito ako. Buti na lang maaga akong bumalik dito at nagluto. Tapos pina hintay ka na ni Yex may sasabihin daw siya. Nung nakita niya naman na lumabas ng cr nag paalam na." Naguguluhan din niyang paliwanag. " Hmmmn wala ka bang pasok ngayon." " Wala naman, Thea nung nakaraan nakita ko un wedding pictures naten na may nakalagay na larawan ni Princess asan na un." Tanong niya saken na ikinagulat ko na naman. Akala ko datin hindi niya un nakita. " Ahh un ba, ano kasi. Ahmmm inalis na ng anak ko nangailangan kasi si Vienna ng family picture dati kaya un ang ginawa niya. Pasensya na nakita mo pa yun" sagot ko sa kaniya. " Ang cute nga e. Alam niya ba na naging mag asawa tayo dati. " Tanong ulit ni Vince saken " Oo naman, wala akong sinisikreto sa kanya." Diretso kong sagot sa kanya. " Hmmmn anung sabi niya." " Okay naman at least daw may matatawag siyang Daddy niya talaga. Kasi si Yex may anak naman un e Papa nga lang tawag niya dun saka simula nung nag kaisip siya hindi na sila ganun ka close. Kay Dey lang lagi un lumalambing. Dun na naten ituloy sa kusina un kwentuhan naten. Naamoy ko un niluto mo, nagutom ako bigla."patawa kong sagot sa kanya. Binuksan niya yun pinto at saka mabilis akong pinaghilq ng upuan. " Ikaw talaga di ka pa rin nagbabago. Baka mamaya niyan mainlove na talaga ako sayo. Ayaw kong magiyera ni Sheena " biro ko sa kanya. " Okay lang. Diba sinabi ko na syo hindi un magagalit papalakpak pa un sa tuwa dahil matatahimik na ang konsensya niya". Sagot niya na ikinatawa ko. " Hmmmn bakit naman nadamay un konsensya?" Tanong ko ulit habang siya ay naghahayin ng pagkain namin ayaw niya ng tutulungan ko siya. Kaya siya lahat ang gumawa. " Pag binalikan mo pa ang nangyari nun, baka mainlove lang ulit ako sayo hindi na talaga kita titigilan pag nagkataon. Kaya wag mo na akong tanungin sa konsensya. "Sagot niya saken na ikinatikom ko ng bibig. " Nga pala Vince pwede mo ba akong samahan, wala ka namang pasok ngayon diba at mukhang balak mo na naman tumambay dito." " San ba, kahit san sasamahan kita. Basta ikaw malakas ka sakin e." Sagot niya ulit saken. " So hospital check up ko kasi ngayon, magagalit sina kuya at Yana pag di ako nakapag pa check up." Nakita ko ang paniningkit ng mata niya. " Hmmmn may sakit ka ba? Bakit may regular check up." Tanong niya saken na puno ng pag aalala. " Heart disease lang madalas kasi na inaatake ako ng paninikip ng dibdib. May maintenance ako dati pero natapos ko na yun okay naman na ako kaso un kapatid ko at mga nanay-nanayan at tatay-tatayan ng buhay ko o.a. kaya samahan mo ako ah" Sinamahan niya naman ako. Sabay na din check up namin ni baby. Mahigit 2 months na un baby namin pero di pa din alam ni Vince. Si Vienna ay kinuha din ni Yex saken para daw hindi ako mahirapan un katulong naman na ibinigay niya ay naka tutok din saken. Ganun sila mag alala saken. Habang si Vince sa akin pa rin lagi umuuwe. Naalala ko un sulat ni Sheena. May isang buwan na pero di ko pa rin nababasa. Pag balik na lang siguro namin galing sa Batangas. Gaganapin kasi dun ang wedding ni Tasha at Gab. Andun lahat ng barkada at gaganapin din ang wedding surprise ni Yana at Kiel. Masaya ako para sa kanila. Bitter pa din ako pag magkkasama kami pero sympre masaya na din ako para sa sarili ko. Sa mga sumunod na araw naging busy na ang lahat. Si Vienna nasa mag asawa pa rin ni Yex at Dey. Lagi ko naman siyang kausap sa phone. Alam ko ang ginagawa nila pinaglalapit nila kami ni Vince pero lalabanan ko yun. Habang hinihintay ko dito sa unit ko si Lucas at ang makulit niyang kaibigan na nagpaparamdam saken. Nag luto ako ng mga pagkain. Naisip kong ayain si Vince pumunta sa unit ko para tikman un mga niluto ko. Pero na surpresa ako pag bukas ko ng pinto. Nagmamadali si Vince habang buhat buhat niya si Sheena papuntang elevator. Wala itong malay at puro dugo ang binti niya. Napahawak ako sa dibdib ko. Pati sa tiyan ko. Nakaramdam ako ng sakit. Bumalik na lang ako sa kuwarto ko at naging over think na naman ako. " Alam mo yan Thea. Ginusto mo yan kaya mag tiis ka sa sakit. Sinabihan na kitang hindi ka dapat masanay na nandiyan siya lagi" sinampal sampal ko yun sarili ko dahil kusang pumapatak un mga luha ko. Nakatulugan ko ang pag iyak, pero bakit ganun parang bumalik na naman ako sa simula. Ayaw na naman tumigil ng aking luha. Mabilis kong inayos ang sarili ko ng may nadinig akong nag doorbell. Hindi sila basta nagbubukas pag may kasama silang ibang tao kaya madali ko un binuksan. Akala ko natago ko un sakit pero kilala na talaga nila ako, mata pa lang namin ni Lucas ung nag uusap pero naiyak na ako. " What happened?" Tanong niya habang yakap yakap ko pa rin siya sa may leeg. Para akong bata na umiiyak. Dinig na dinig ng unggoy na kasama niya. Hindi pa kami pumapasok hinayaan lang ako ni Lucas at ni Wilfred na umiyak. " Sshhh stop crying Althea. Hindi kami nagkulang ng paalala sayo. Hindi ka ba nhihiya sa manliligaw mo." Saway saken ni Lucas at saka ko tiningnan si Wilfred na may seryosong mukha. " Hindi mo ba ako yayakapin sweetie?" May pang aasar na pag bati niya. Kaya napatawa ako. " Ayaw ko, baka maging kamukha mo pa yun baby ko ano?" Umiiyak pa rin sagit ko sa kanya. " Ako naman ang kikilanin Daddy ng mga magiging anak mo ah, so okay na ako ang maging kamukha. Ayaw mo ba mag karoon ng magagandang lahi." Sabi niya na lalo kong ikinaiyak. " No I dont like you. Isa lang ang magiging ama ng mga anak ko kung sakali. " Umiyak ako lalo kaya yinakap ako ni Wilfred. Pag yakap ko sa kanya nakita ko naman ang isang lalaki na mukhang galit. Bigla kumirot ang dibdib ko at nakaramdam ng hilo at pagod. May nadidinig akong mga boses kaya napamulat ako ng mata. Andito ako sa kuwarto ko habang pinupunasan ni Manang Sol. Ipinikit kong muli ang aking mata. " Okay lang ba siya Doc. " Boses ni Vince na may pag aalala. " Okay lang naman siya. Nahirapan lang siyang huminga. Kaya siya nag collapsed. Mr. De Ocampo pwede ba kitang makausap." Sabi ng Doctor ko. Kaagad lumabas ang dalawa. Sigurado mapupuno na naman ako ng sermon. "Paano ba yan Althea. Ilugar mo yan sarili mo. Matuto kang lumayo kay Vince. Baka dahil sayo kaya napapabayaan ni Vince si Sheena." Bulong ng isip ko. Ng tahimik na ang kuwarto. Ibinukas koang aking mata. Bumangon ako gabi na pala kaya pala nagugutom na ako. Narinig ko naman ang pag tatalo ni Vince at Wilfred habang nakikita ko naman si Lucas na napapailing na lang sa dalwa. " Sweetie gising ka na pala? Kamusta ang pakiramdam mo" tanong saken ni Wilfred. " Okay na ako. Nagugutom lang ako" Umupo naman ako sa upuan na katabi ni Lucas. Pinaghayin ako ni Lucas ng pagkain. Panay ang tingin saken ni Vince. Alam kong nag luto siya dito at alam ko din na nag luto din si Wilfred dahil kilala ko na din sila. " Sweetheart pasuyo naman ng tubig please." Napaubo naman si Lucas sa sinabi ko kay Wilfred. Nilakihan ko silang dalwa ng mata. Habang si Vincent naman ay nakita ko g nagbaba ng kutsara at tinidor. Uminom to ng tubig at matalim na tumingin saken. " Vincent, nga pala si Wilfred bf ko. Hindi ko siya namention kasi ngayon lang ulig tayo nag kita. " Tumingin lang si Vincent saken at kay Wilfred habang si Wilfred naman ay panay ang ngisi kay Lucas. Mukhang hindi niya nagustuhan ang nadinig niya dahil iniwan niya na kami. " Nice to meet you Pre. Excuse me Guys. May gagawin pa pala ako." Parang hangin lang ako na dinaanan niya. Hindi na din tinapos ni Lucas ang pagkain niya. Habang si Wilfred parang teenager na kinikilig. Sinipa ko ang paa niya. " Wag kang feeling joke lang un para hindi na ako masyadong puntahan ni Vince." Pairap kong banat kay Wilfred. " Its okay. Okay lang saken gamitin mo ako Sweetie, at least kahit sa paningin niya naging tayo" parang timang na sagot niya sa akin. Pag kakain namin umalis na din si Wilfred. Kelangan niyang pumunta sa bahay ng lola niya. Ihinatid ko siya sa may pinto. Sakto naman na parating din si Vince kaya nakaisa na naman ang unggoy. " By sweetheart. Ingat sa pag drive kamusta mo na lang ako kay Lola." Malambing kong sabi kay Wilfred. " Sure sweetie. Wag ka ng masyadong iyakin pumapangit ka. Wag mo akong masyadong ma miss." Sabay halik niya sa noo ko. Ng nakapasok na si Vince sa unit niya kaagad ko tong sinuntok sa tiyan. " Ikaw ang pangit. Lumayas ka na at wag ka na ulit magpapakita saken ha. " Tinawanan niya lang ako habang nag diretso naman siya sa paglalakad. Kinawayan pa niya ako bago sya sumakay ng elevator. Tulad ng inasahan ko. Sermon ang naging pasalubong ni Lucas. Mas nagalit pa siya dahil sa sinabi ko about kay Wilfred.Ginagawa ko lang ang dapat. Nag aalala rin ako kay Sheena. Ayaw ko mawala ang baby nila dahil sigurado sa pag lapit saken ni Vince. Matapos kong makausap si Lucas ay nagpasya na akong matulog matapos kong kausapin ung baby ko sa tiyan ko. "Im sorry baby, kumplikado ang lahat dahil naduduwag si Mommy. Sana katulad ka ni ate Vienna na mauunawaan ang lahat. Matulog na tayo. Bukas makikita na naten si ate Vienna pupunta na din tayo sa kasal ni Daddy Kiel at Mommy Yana. Goodnight baby"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD