VINCE
Andito ako ngayon sa loob ng unit ni Thea. Hindi ko alam pero parang ayaw ko siyang iwan ngayon. Mas gusto ko na dito ako palagi sa tabi niya napapansin ko rin na pumapayat siya at laging namumugto ang mga mata, simula to nung nakita ko n binisita sila ng traydor kong kaibigan.
Flashback
Maaga akong pumunta sa mall na malapit sa condo namin para mamili ng lulutuin kong breakfast ni Baby Vienna at Thea. Pero nawalan na ako ng gana dahil sa nakita ko lang naman si Yex sa labas ng unit ni Thea. Hindi na lang ako nag luto at pinagod ang sarili nung araw na yun sa aking trabaho.
Hanggang sa magutom ako kaya nag padeliver na lang ako ng pagkain sakto naman dumating na un pagkain ay siya din paglabas ni Yex sa unit ni Thea. Nakita ko ang galit niya sa mga mata niya. Natigilan din si Yex ng makita ako sa harap ng pinto habang nirereciv ko un pag kain na inorder ko. Pag kaalis nung delivery boy ay isasara ko na sana ang pinto ng tinawag ako ni Yex.
"Vincent Madrigal" may tigas niyang pah tawag sa aking pangalan na siyang kinatigil ko. Kung noon na kelangan ko ang paliwanag niya at puno ng bugbog ang inaabot niya saken pero wala akong mapigang salita sa kanya ngayon naman ay mukhang siya ang mangangailangan sa akin. Kaya naman iiwasan ko na din siya. Ayaw ko ng balikan ang nakaraan okay na sa akin ang lahat un ganito na maging mag kaibigan na lang kami ni Thea. Hindi ako lumingon pero iniwan kong bukas ang pinto. Mukha naman naintindihan niya kaya naman heto kami ngayon na sa harap ng isang mesa at ng pagkain na inorder ko kanina lang.
" Vincent about kay Thea-----" Panimula ni Yex.
" Kung anu man yan ayaw ko ng marinig ang lahat, okay na ako sa ganitong tahimik at tanggap ko ng magkaibigan na kami ni Thea" huminga ako ng malalim at ngumiti. " Okay na ako, okay na din siya. At mukhang okay ka na din naman kaya naman kal---" napatigil ang pag sasalita ko ng pinutol to ng isang malakas na tungayaw ni Yex na ikinagulat ko.
" P***ng**a naman Pre, wala na tayo sa kalendaryo. Maging matured naman na sana tayo ang hirap sa inyong dalawa hindi kayo mag usap ng maayos. May nasasktan kayo sa ginagawa niyo. Hindi sapat ang nakikita niyo dahil minsan kelangan niyo mag pakatotoo. Be matured naman Pre! Kekelanganin niyo yan ni Thea" Pagkatapos niyang mag salita ay iniwan niya na ako nag iisp. Anung ibig sabihin niya.
End of Flashback
Akala niya ba may relasyon kami ni Thea.
Kumatok ako sa kuwarto ni Thea para sana ayain siya manood ng movie.
Kaagad din naman siyang lumabas habang hawak un isang papel na kulay pink. May design un na peace sign at heart. Nakakaagaw ng pansin.
Napansin ko din ung picture na hawak niya larawan un na kuha namin nung binyagan ng anak ni Sheena. Ang babaeng un tatraydurin pa yata ako. Pero siguro nga tama na malaman na din ni Thea na magkaibigan lang sila ni Sheena.
" Anung kelangan mo? " Tanong niya saken.
" Ayain sana kita manood ng movie. Umorder ako ng pizza. "
" Sure wait lang itatago ko lang to." ----Thea
Habang nanonood kami napansin kong hindi niya ginagalaw un pizza at namumutla siya. Samantalang isa eto sa mga paborito at hindi niya inaayawan.
" Okay ka lang ba Thea. "
" Actually ayaw ko ng amoy niyan, nahihilo ako pwede bang ilayo mo muna yan." Pakiusap niya.
Dinala ko naman to sa kusina at nagtataka sa kinikilos niya. Matapos kong mag hugas ng kamay bumalik na ako napansin kong umiiyak siya habang nag tatalo un bida sa napili niyang panoodin.
"My Ex and Whys" hindi naman siya mahilig dito dati pero nung nag sisimula nakita kong kinikilig siya sa mga bida kaya hinayaan ko na lang din.
" Hey, bakit ka umiiyak?"
" Nadadala lang ako sa pinapanood ko,ang babaw kasi ng luha ko nitong nakaraan, wag mo na ako pansinin" sagot niya saken.
Hindi ko siya natiis kaya kinuha ko na un tissue sa kamay niya at pinunasan ko na ung luha niya. Ayaw ko siyang nakikitang umiiyak. Namimiss ko na un Thea ko na makulit at hindi nagpapatalo, un puno ng kamalditahan.
" Iiiih ako na Vince, nakakahiya "
" Nahhh ako na. Althea kelan ka pa naging iyakin hah! Hindi bagay sayo pumapangit ka oh! " Pagbibiro ko sa kanya.
" Ikaw kasi e niyaya mo pa ako manood " paninisi niya saken na parang bata.
"Halika dito, yakapin na lang kita icocomfort kita." Ibinuka ko un mga braso at nilambing ko siya na parang close talaga kami. Sinusubukan ko lang na maging malapit ulit. Magiging kuntento na ako sa ganito lang kami.
" Ayaw ko baka magalit si Sheena." Pag iwas niya saken at binalik na ang mga mata sa tv.
" Hindi naman niya malalaman saka kung malaman niya man hindi un magagalit for sure pag tatawanan pa ako nun "
" Sige sabi mo e usod ka dun sa dulo" utos niya saken
Akala ko kung bakit kaya nagulat ako ng bigla siyang umunan sa mga hita ko. Hinaplos ko ang buhok niya habang naka focus pa rin siya sa pinapanood niya.
Hindi namin to nagawa nung kasal pa kami or kahit nung alaman na mag fiance kami. Nun purong pang aaway lang ang gingawa niya saken. At nung kasal naman na kami. Okay naman pero para lang kami magkakilala.
" Mas okay siguro na ganito na lang tayo baby, sa ganitong relasyon naten nahahawakan kita, mahal na mahal kita at ikaw lang yata talaga ang babaeng nakakagawang mag patibok ng ganito sa psuo ko" bulong ng isip ko.
Pagkatapos ng pinanood niya nag kuwentuhan kami dahil katatawanan na un sumunod na movie puro kalokohan din un lumalabas sa bibig niya kaya tawa ako ng tawa.
Napa hawak ako sa dibdib ko. At simple ko hinawakan un kamay niya. Humawak din siya sa braso ko habang nagkukuwento sya tungkol sa mga gusto ni Baby Vienna. Nakakatuwa dahil ang dami pala namin similarity.
Nagbago lang un ihip ng hangin ng tinanong ko siya about kay Yex.
" Kamusta naman kayo ni Yex? "
Napa titig siya saken ng ilang minuto. Nawala un ngiti niya. Saka bumangon na at umupo sa upuan bago sumagot saken.
" Okay naman kami. Sa totoo lang VINCE sila naman talaga ni Dey, panggulo lang ako sa buhay ni Yex." Mapakla niyang sagot na sinamahan ng ngiti.
Napakunot ang noo ko. Medyo naging awkward un ilang minuto namin hanggang sa nagsalita ulit siya.
" Wag na naten pag usapan un masaya naman na ako, masaya si Yex with Dey, ikaw with Sheena at ako with Vienna. Hanggang andiyan kayo sa tabi ko bilang kaibigan magiging masaya ako. Hindi niyo naman ako pababayaan diba" masigla niyang sabi saken
" Syempre naman, masaya din ako na lagi kitang nakakasama at nakikita un ganitong maging mas malapit tayong dalawa."
" Anung nakikita at mas malapit, hoy dapat dun ka kay Sheena dahil kelangan ka niya, diba buntis siya?" Sabi niya na ikinasamid ko dahil nagkataon umiinom ako ng juice.
"See, nasasamid ka tuloy. Akala mo di ko napapansin ha. Mas may time ka pa sa anak ko kesa kay Abygail. Wag mo ng itanggi"--Thea
" Pag dun ako tumambay sigurado may magwawala. Hindi din ako tatanggapin ni Sheena. Pag nga sinasama ko un sa mga party ng barkada ang tagal bago ko siya mapa oo" sagot ko naman sa kanya. Nakita ko ang pag asim ng mukha niya.
" Kung alam mo lang gusto ko ng sabihin sayong ikaw ang gusto ko lagi kasama kesa sa kung sino sino" bulong ko sa isip ko.
"Ganun!" Maikling sagit ni Thea bago nag hikab.
" Kelangan mo ng matulog pasok ka na sa kuwarto mo dito na lang ako matutulog. "
" Balik ka na sa unit mo. Okay na ako dito wag mong intindihin un sinabi ni Vienna kanina. Mangangalay ka jan sa sofa"
" Sure ka?"
" Oo nga". Sabay irap niya saken ng pabiro.
Heto na ulit siya. Nakikita ko na ung dati kong Thea. Hinatid niya ako sa labas at hinintay makapasok sa unit ko.
"Goodnight" pagpapaalam namin sa isat isa.