ALTHEA
Three weeks bago ako nakabalik ng Pilipinas. Naayos ko na ang dapat ayusin maliban na lang samen ng baby ko sa aking sinapupunan. Hindi ako nag pa check up matapos kong itry ang test kit at mag positive ang result, nakakalungkot pero masaya na din dahil iisang lalaki lang talaga ang kayang makakuha sa akin.
Ipinaalam ko kay Lucas ang aking sitwasyon at madami daming sermon ang ginawa niya. Hindi niya masisi si Vince dahil lahat naman sila kampi sa lalaking minahal ko. Kung pwedeng ganun nga lang kadali, may pamilya na si Vince at magiging maayos na sila dahil tuluyan ng na annuled ang kasal namin. Kayang kaya ko naman buhayin tong mga anak ko kahit na wala ang Daddy nila. At hindi na din naman sila mapapalayo pa dahil sisiguraduhin kong mag didiretso ang pagkakaibigan namin dalwa. Hindi niya na dapat pang malaman katulad ng sinasabi lagi ni Yana, Kuya, Lucas at Yex. Silang tatlo ang tanging nakakaalam ng totoo at alam kong hindi sila sumasang ayon sa desisyon ko.
Ng nakarating ako sa bahay ni Yana wala ang mag ama dahil lumabas daw sila. Hindi ko na pinasabing dadating ako.
Tumunog ang cellphone ko habang sinasamahan ko manood ng tv si baby Kelly. Medyo busy kz ang barkada dahil sa surprise wedding n magaganap nila Yana at Kiel. Kaya sakto ako ang nag insist na mag bantay sa anak ng dalwa habang nililigaw naman ni Kiel si Yana para di makahalata.
Sumilay ang isang ngiti sa aking mata dahil mga pictures together ng mag Daddy ang nakita ko.
FROM: VINCE
PHOTOS
HI! I LOVE YOUR DAUGHTER SMILE. AND I LOVE HER THE WAY STUBBORN MACK UP FACE WHEN SOMEONE TOOK MY ATTENTION. ☺️ HOPE NA MAKASAMA KA SAMEN NEXT TIME.
Nag reply naman ako sa kanya. Oo kinilig ako dahil gusto niya na makasama ako. Im sure mas matutuwa si Vienna. Eto lang tanging maibibgay ko sa kanya. Kaya naman pag bibigyan ko sila.
To: VINCE
SURE!
IM ALSO HERE AT YANA'S PLACE. PWEDE BANG SA CONDO MO NA LANG IUWE SI VIENNA. AND DONT TELL HER NA ANDITO NA AKO. I WANT TO SURPRISE HER.
FROM: VINCE
OKAY. TEXT ME IF YOUR SURPRISE IS READY.
AT CONDO
Mabilis ako nag luto at dinagdagan ko na rin ang niluto ko. Itinext ko na rin si Vince na pwede na silang pumunta sa unit namin.
" Surprise!!"
"Mommy" Sabay yakap niya saken at bigla na lang siya umiyak sa balikat ko. Hindi ko alam pero parang kinukurot un dibdib ko. First time mawalay ng anak ko saken ng matagal. Tatlong linggo at siguro ay masyado niya akong namiss.
" Sssshhh. Stop crying baby! Sssshhh andito na si Mommy" pag alo ko naman sa kanya habang pinapanood lang kami ni Vince at daladala naman niya ang mga pinamili siguro nila.
"I miss you mom. Im scared na po kasi. I thought iiwan mo na din ako dito kay Daddy sa Pilipinas." Nagulat ako sa bigla niyang sinabi.
Sinenyasan ko naman si Vince na pumasok muna at maupo sa sofa set. Habang inaalo ko ang anak ko, dumiretso siya sa kusina. Maasikaso talaga si Vince andun pa rin un care niya kaya sigurado ako na kukuha sya ng tubig para kay baby Vienna.
" Its not gonna happen baby, I told you naman bago ako pumunta ng New York may inayos lang si Mommy para mag stay na tayo dito sa Philippines kasi un ang request mo kay Mommy diba, saka hindi kita pwedeng iwanan kasi alam mong ikaw ang buhay ni Mommy" pag alo ko pa rin sa kanya.
" But you didn't called me. Im so worried. Tito Lucas called me and ask me if im okay but you didnt ask me the way he do and he told me you have a problem na naman daw. I much worried about you mom" ganyan ang anak ko. Namana niya man ang mukha ko pero un ugali ng Daddy niya talaga un nakikita ko sa kanya. 6 years old pero parang mas maalalahanin pa sya kay Mommy nung mga panahon pasaway pa ako.
Binigyan ko lang siya ng isang yakap na mahigpit. Napansin kong palapit na din si Vince at hinaplos niya ang buhok ni Vienna nung nakalapit na sya samen.
Inaya ko na silang kumain ng dinner kaya naman mahaba habang kwentuhan ang naganap samen about sa mga school activity at achievement nya. Ramdam ko ang saya ng anak ko. Eto lang un hinihiling niya palagi. Nahihirapan man siya pero nakukuntento sy sa kung anu lang un meron.
Matapos namin mag kuwentuhan. Pinatulog ko n si Vienna sa kuwarto niya. Akala ko bumalik na si Vince sa unit noya pero nung lumabas ako ng room andun siya sa may sala at nakikipag usap sa isang batang babae. Kaagad siyang nagpaalam sa kausap nung nakita niya ako.
" Okay baby, pakabait ka kay mom mo. Matulog ka na kasi nakamangot na si Mom oh. I think she's annoying with my face" --Vince
" Yeahh papa, Mom said that she dont want to see you, kasi kukulitin mo na naman daw siya----" hindi na naituloy ng bata un sinasabi niya dahil tinakpan siguro ng kasama niya ang bibig niya at kahit hindi ko nakikita for sure si Sheena un.
" Your so noisy talaga. Kaya ayaw ko nag uusap kayo, gusto niyo ba sumabit tayo pare pareho. Tssssss" pagalit na sabi ni Sheena at halata ang pag kainis. Habang ngiting ngiti naman si Vince sa mag ina na kaharap niya sa phone.
" Ok Abygail go to your sleep na. Say goodbye to your papa" pagpapatuloy ni Sheena.
"Good night Papa. I miss you so much. I want to play with Vienna and Kelly again tell her I miss her both too. Take Care and Pa dont forget to pray before u sleep." Pag paalam nung bata
" I miss you too, kulitin mo si Mommy sa wish ko ha. Sleep na ang Princess na yan. Mommy Thea is here na din. Sleepwell baby" pag papalam nito bago pinatay ang phone at humarap sa akin.
Napansin kong nakahayin ang popcorn sa table at can beer. Kaya umupo ako sa tabi niya kahit papaano may agwat kamu dahil maluwang naman ang sofa ko.
" So hows New York? " ---Vince
" Okay naman. Madami din akong inasikaso para ilipat kay Shel ang pamamahala ng company " tipid kong sagot.
" Hmmmn how about your fiancee? Hindi ko siya nakikita kasama mo ngayon. " ---Vince
"Fiancee?" Kunot noo kong tanong sa kanya. At naalala ko naman si Lucas. Kaya napa ngiti ako. " Ouwhh yeahh Lucas?"
"So he's the guy?" ---vince
" My cousin." Nakita ko ang pag liwanag ng mata niya kaya naman naging masaya din ang kuwentuhan namin pagkatapos ng tanong niyang yun. Hindi na namalayan ang pag lipas ng oras.
Binigay ko sa kanya ang code ng unit ko dahil na din kay Vienna, nag tataka siguro siya kung bakit kaya sinabi ko na lang na ganun talaga ako sa barkada lalo na at napalapit na siya sa anak ko which is totoo naman.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa kakaibang nadama ko. Halos iluwa ko na ang lahat ng nasa tiyan ko kahit wala na akong iluwa. Kaagad akong nahilo at nagdilim ang aking paningin.
YEXELL P.O.V
Nag riring ang phone ko at kaagad ako nag madali sa pagsagot dahil alam kong emergency to. Si Vienna to at umiiyak siya. Kaagad naman tumawag si Dey s doctor na kakilala niya at pinapunta dinsa unit ni Thea. Masiyado kami nag aalala. Matigas ang ulo niya at ngayon lang ulit to nangyari. Anu kayang nangyari.
" M-mama Dey, si Mom" pag iyak ni Vienna ng nakapasok kami sa loob. Binuhat ko naman ito at inayos sa kama matapos kong pulsuhan nakatulog lang ito. Habang pinapatahan naman ni Dey ang anak ni Thea.
" Sssshhhh. Wag kang umiyak baby! Okay lang si Mommy. Napagod lang siya. Hmmmn!" Pag alo ng mahal ko sa aming anak anakan.
" Malapit si Vienna kay Dey pero hindi eto lumalapit sa akin. Mula nung nagkaisip siya at sinabi namin ni Thea na ako ang magiging Daddy niya na sa paningin ng Daddy niya. Ayaw niyang pumayag dahil ayaw daw niyang ipag palit ang Daddy niya. Hindi na lang daw niya ipipilit ang sarili niya sa Daddy niya. Basta hindi lang daw siya tatawag ng Daddy saken. Nung una naiinis siya dahil akala niya inagaw ko ang Mommy niya sa Daddy niya pero nung naipaliwanag na namin ang lahat dun mas nakita ko ang ugali ng kanyang Daddy. Kaya niyang umunawa sa taong nasa paligid niya. Sa murang edad naiintindhan niya at tinatanggapang gustong mangyari ng kanyang Mommy.
Alam kong andito din ung unit ni Vince kaya nagulat din ako na magkatabi lang sila ng room. Pagkapasok ni Dey kanina habang hinihintay ko si Dra. Nagkasalubong kami dalawa. Hindi pa kami in good term kahit na umaatend kami ng gathering with friends. Kaya naman nanatili lang ako nakasandal sa may may front door ni Thea habang puno ng pag aalala at siya naman ay dumiretso siya sa unit niya.
Kanina nakita ko sa mga mata niya ang saya, siguro nga ay tama si Thea. Masaya na si Vince sa buhay niya kay Sheena. Dati ay ibat ibang babae ang dinadala niya sa mga party pero nitong mga nagdaan ay si Sheena ang lagi niyang kasama. Kahit na lagi may kausap si Sheena sa phone ay obvious naman ang pagiging sweet nila.
Naging okay naman ang lahat at nagulat kami ni Dey sa naging sanhi niya. Kaya naman nag pasy si Dey na umuna na at hinayaan niya akong kuwestiyonin si Thea. Delikado to para sa kanya.
Naiinis ako sa nalaman ko dahil sobrang rupok niya pero di niya naman kayang ipaglaban ang ginawa niyang kalokohan. Nagkaroon kami ng pagtatalo at sinabi ko ang damdamin ko para sa nagiging desisyon niya.
" Ganun na lang ba un Thea? Pagkatapos ano, lalaki ang mga bata ng nahihirapan, naawa ako kay Vienna at sa magiging baby mo pa. Anung klaseng ina ka? Im sorry pero sa ayaw at sa gusto mo, sasabihin ko ang totoo kay Vince" tumalikod ako dahil dinadaan niya na naman ako sa iyak.
" Yex, please naman. Wag mo naman ako pahirapan." Pagmamakaawa niya saken.
" No. Mali na ito. Ang selfish mo. Naisip mo ba na iayos ang mga anak mo bago ayusin ang kay Vince. Na baka sakaling mas masaya si Vince kung makikilala niya ang mga anak niya. Ama na din ako Thea at alam kong minahal ka niya talaga kaya sigurado ako mas magiging masya siya pag nalaman niya ang totoo. Baka sakali kung di naging matigas ang ulo mo pareho kayong masay ngayon" nilingon ko siya at binigyan ko ng inumin. Pinainom ko un gamot niya pag katapos niyang tumahan. "Pag isipan mo un sinabi ko Thea, para sa mga bata. Naiinis talaga ako at nagagalit dahil sa ginawa mo. Hindi ka namin dapat kinonsinte lalo na at kita namin ang pinag daanang hirap ni Vince nung unang taon na umalis ka." pagkatapos kong sabihin un ay iniwan ko na siya sa kuwarto niya at pinakain si Vienna. Nagpasya na din ako kumuha ng katulong na mag aalaga sa kanilang mag iina. Sinabi ko din kay Theo to at sumang ayon siya sa plano ko. Alam kong may sarili siyang problema kaya naman siguradong mas mahihirapan ang kuya nya kung walang mag babantay sa kapatid niya.
THEA P.O.V
Nakaramdam ako ng gutom ng maamoy ko ang mabangong adobo. Napaka pamilyar ng amoy siguro ay andito si Vince at siya ang nagluto.
Tuwang tuwa ako ng makita ko ang adobong manok sa mesa. Lalo na ng makita ko si Vince at Vienna na nag kukulitan habang tinutulungan nila mag set ng pagkain un kinuha ni Yex na magbabantay samen.
Masaya kaming kumain habang panay ang kulitan ng dalwa sa hapag kainan. Napahawak ako sa aking tiyan at nakaramdam ng lungkot tama si Yex, naiintndhan niya naman. Minahal siya ni Vince pero naging duwag lang siya. Natakot siyang masaktan dahil baka napipilitan lang sila sa mga kasunduan ng kanilang magulang. Natakot siyang mauwi lang sa wala dahil sa inakala niyang mahal ni Vince si Sheena. Pero sa tingin niya ngayon naging tama naman dahil mukhang masaya naman sila ni Sheena.
Sa nagdaang araw, hindi ko nakikita si Vince at kami naman mag ina heto tahimik lang sa unit. Sinusundo ni Lucas o kaya ni Dey at Yex si Vienna pag may lakad sila.
Kaarawan ko ngayon pero malungkot un pakiramdam ko. Dala siguro ng hormones ko dahil simula nung nagising ako wala ng tigil sa pag patak ng luha ang aking mga mata. Wala ngayon si Vienna dahil kasama niya ang Daddy niya, sinama siyang lumabas dahil nag aya daw ang anak ni Sheena na si Abygail.
Alas sinko na ng hapon ng dumating sila. May dala dala silang cake habang kinakantahan ako sa loob ng kuwarto. habang pag labas ko naman sa dining area ay may mga bumati saken. Yun naman pala bawing bawi sa pag iwan nila saken. Mas naiyak pa ako dahil akala ko nakalimutan na din nila.
Naging masaya ang kaarawan ko, andun silang lahat pati na rin si Sheena at ang anak niya. Halata na ang baby bump niya kaya naman napahawak din ako sa aking tiyan. Nakatitig din pala siya saken.
Malaki na ang pinagbago niya, lumapit siya saken at inabot saken ang regalo niya. Isang envelope na kulay pink.
" Happy Birthday Althea. This is my gift" pagbati niya at alam kong may pag ka sarcastic talaga ang pagkakasabi niya. Bubuksan ko na sana to pero pinigil niya. "No. Mamaya muna buksan. Para sayo talaga yan. At wish ko na maging masaya ka." sabi niya at yinapos ako.
" Thank you naman dito" pasalamat ko sa kanya.
" So paano. Iiwan na namin kayo. Uuna na kami ni Aby Hinihintay na ako ng darling ko." paalam niya na hindi ko masyadong maintindihan dahil sabay sabay na silang lumapit saken at bumati.
" Bye Guys. Thank you sa pag punta at sa surpresa " pagpapaalam ko sa iba ko pa g naging bisita.
" Mommy kay Papa Yex po muna ako matutulog, please. Sabi ni Daddy Vince kasi sasamahan ka naman niya dito I miss Mama Dey and Papa Yex na kasi pwede po ba?" tanong naman ng anak ko. Okay lang naman saken kaya tumango na ako sa kanya.
Pagkatapos namin malinis ang mga naging kalat, nag pasya akong mag pahinga sa room ko. Andun si Vince sa may salas nangako kasi siya kay Vienna na babantayan ako dito ngayong gabi kaya di siya makaalis.
Nakita ko naman ang gift ni Sheena saken kaya binuksan ko na ito. Isang sulat.