Meira High: Kaileefa's Summoning Ritual AMBER’S POV Hindi talaga ako pumapayag na sumapi sa mga Sheeva na 'to. Ngunit hindi ko matakasan ang nakatakda sa akin. Tila kahit ano’ng gawin kong pagtakas, 'di ko kayang makawala sa nakaukit na sa aking kapalaran. Isang Aluhamit. Malaking responsibilidad. Bata palang ako, hinanda na ako rito ng aking magulang. Nalaman nila ang kapalaran ko no’ng nasa Meira pa kami. Isang Sheeva. Isang Sheeva din ang bagong Aluhamit ng great spirit water dragon na si Venia. Siya ang anak ng Hari at Reyna. Siya si Annica. Ako si Nirana 'yan ang panganlan ko no’ng nasa Meira pa ako. Ang nanay ko ay nagtatrabaho sa palasyo, siya ang taga pag bantay sa prinsesa. Oo, katulong lang ang aking nanay, isang Merillian natives. Walang kapangyarihan. Nag mana ako sa aking a

