Meira High: Tale of Morgana the summoner cursed goddess BUMALIK kami ni Aiden kung nasaan ang mga kasamahan namin, binitawan niya ang aking kamay sa pagkakahawak at na unang maglakad. Tumungo siya sa katawan ng kanyang kapatid at parang nagpaalam na siya, nakapikit siya at hinawakan ang mga kamay nito na nasa dibdib. Pagkatapos ng ginawa niya, tumayo lang siya sa gilid ng katawan ni Chace at pinagmasdan na lang ito. Nagdadalamhati pa rin ang mga kasamahan namin sa pagkamatay ni Chace. Inayos naman ni Fabio ang katawan ni Chace gamit ang potion na kinuha niya sa kanilang bayan. Nakabalik pala si Fabio sa kanilang bayan sa tulong ng scroll portal ni Marin. Naikwento niya ito sa amin habang naglalakbay kami papunta sa Mt. Rambus. Bumalik si Fabio sa Moonvale may-ari sila ng isang magic shop

