Meira High: Temple of Venia CHACE’S POV Nakatakas ako sa mga Sun Warriors habang abala silang nakikipag-laban. Mabilis ko naman nakuha ang mga magic purse namin, ngunit sa akin lang, at sa kapatid ko ang nakuha ko. Naiwan sa Malfalon ang gamit nila Anya, Rave at Rogeous. Nagkahiwalay kami ng mga kasama ko sa sobrang kaguluhan, 'di na namin nagawang magkita- kita dahil sa sobrang g**o. Dala ko ang scroll na binigay sa amin ni Lola Rui, kaya naman naisipan ko na lang na mauna na, sa Mt. Rambus at doon na lang mag-kita gaya nang plinano naming no’ng una. Nasa kanila naman ang isa pang scroll at alam ko na pasunod na sila sa akin. Malakas ang hangin paakyat ng bundok. Pilit kong nilalabanan ang napakalakas na hangin na may snow sa nilalakaran ko. I try to use my skills, damn it! It is not w

