HONEY Ang planong mag bakasyon sa Boracay ay napalitan ng bagong plano. Napagdesisyunan ng mag-asawa na sa Palawan na lamang ipagpatuloy ang pagbabakasyon. Bibisitahin daw kasi ng mag-asawa ang bagong biling resort doon. Siyempre, kung ano ang gusto nila, ganoon din ako. “If you want Son, you can manage the resort in Palawan,” ang nakangiting wika ng ama ni Kent habang ito'y nagmamaneho. “I'm not interested. Hindi ko gusto ang ganoong trabaho,” ang malamig na tugon ni Kent sa sariling ama. “Mas makakabuti na ikaw ang mag-manage ng resort,” ang mahinahon namang wika ng Ina niya. “I still want to work in Abrogars Group of company,” saad ni Kent na ngayon ay sa akin nakatingin. “I will do everything para bumalik sa dati ang lahat,” dugtong pa niya. Alam ko ang klase ng paraan ng pagpuko

