HONEY “Ano ba ang problema mo?” inis kong iwinaksi ang kamay ni Kent. Sapilitan niya akong kinaladkad patungo sa isang bakante at medyo madilim na bakanteng cottage. Alam kong nakainom siya, pero wala siyang karapatang saktan ako ng ganito. “You! Ikaw naman palagi ang problema 'diba? Simula ng tumuntong ka sa opisina ko at naging empleyado ng kompanya, puro na gulo ang dala mo!” Galit niyang sigaw sa mukha ko, dahilan upang maamoy ko ang amoy alak nitong hininga. “Hindi ako nagdala ng gulo!” “Ofcourse you did!” “Ano ba talaga ang ikinagagalit mo? Galit ka ba sa pakikipag-usap ko kay Winston?” sarkastiko kong tanong. Nagseselos ka ba?” Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko at mas inilapit pa niya ang sariling katawan sa akin. “Wala akong dahilan para magselos!” mariin niy

