"Ginabi ka, ata."
At biglang nagbukas ang mga ilaw sa boung sala at kitang kita ko ang isang Timmy Pinagpala na nakatayo sa sala habang may hawak na libro.
Halos ilang taon rin bago ko narinig ang boses nyang yun. Ang malaking boses nya na umalingawngaw sa buong sala.
Ang boses na nanlait sakin sa lahat ng tao three years ago at ang boses na sumira sa buhay ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtibok ng puso. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon.
Excitement,
Inis,
Pagkatuwa
At
Poot at galit.
Kulang ang mga salitang yan para ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayong nasa harapan ko na ang matagal ko nang hinihintay.
Ang pamintang inggitera.
Well let's meet, Timmy Pinagapala. Half impostora pure bottomesa. Ang pamintang pinaglihi sa sama ng loob at ang pamintang gustong sumira ng buhay ko. Wala akong paki masyado sa ganap nya at wala akong balak malaman. Hindi sya importante!
Nagbabalik na pala sa mansyon ang paminta. Kelan pa?
Napaisip ako.
Kaya pala aligaga si Gori kahapon sa paglilinis ng mansyon dahil uuwi ang kanyang santi santitang alaga.
Napaismid naman ako. Let's see kung hindi ka babalik sa pinanggalingan mo.
Humanda ka saking paminta ka. Dudurugin kita nang pinong pino.
Marahan naman akong lumapit sa kanya. Habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Umaga na, actually."
Natawa naman sya sa responce ko at binaba ang librong hawak nya. Sabay tingin sakin ulo hanggang paa.
Bigla naman syang pumalakpak.
"Wow! Improving palasagot ka na. Kelan ka pa natutong sumagot ng ganyan sakin? Walang modo." Sigaw nya habang umalingawngaw sa buong bahay.
"About a minute ago. Anyare, bumalik ka lang bakit parang naiwan mo yang utak mo... Kung may utak." Prenteng sabi ko sa kanya na hindi naman nya nagustuhan.
Sinamaan naman nya ako ng tingin. Habang umiikot. Yes! Umiikot sya habang tinitignan ako. Natatawa na lang ako.
"Are you done checking on me? Okay lang maglaway ka. Sanay ang magaganda sa mga ganyan." Sabi ko habang mukha syang tanga na nakatingin sakin.
"I just noticed, nothing changed still the same! Kala ko pa naman pangmalakasan ang makikita ko? Sa mata ko ikaw pa rin ang baklang kawawa na sinira ko three years ago. So cheap!"
This time ako naman ang natawa. Edi aminado nga sya mga ginagawa nyang paninira sakin. At proud pa na akala nya fulfillment yung ginawa nya.
Ang pathetic!
"Ay the feeling is mutual. Akala ko rin yung uuwi rito yung panginginigan ko sa takot. Bakit may umuwi ditong bugok na itlog."
Kalbo kasi sya. Hindi ko ineexpect na ang isang Timmy ay magpapakalbo? Anong trend yan?
Natawa naman sya. Natawa sa inis. Which is sobrang gusto kong makita.
And I can't wait sa mga darating pang araw. Maghintay ka lang. Dahil gagawin kong impyerno ang buhay mo dito. Sisiguraduhin kong pagsisihan mong umuwi ka pa.
"Ang chismis ng bayan. Masama na raw ugali mo? Kasing sama daw ng mukha at outfit mo ngayon."
"Nahiya naman ako sa mukha mong puro botox. Yung totoo? Sobrang bored mo ba pati utak mo pinabanat mo?"
"Anong sabi mong bakla ka?!"
Hala! Galit agad? Partida warm up pa lang yan.
"Oops! Bawal ulitin sa tanga." Pangangasar ko sa kanya.
Napailing naman sya.
"Dapat lang pala na iniwan kami namin dito. Dahil isa kang bastos, walang galang, walang modo at walang respeto. Deserve mong maging magisang mamuhay. Dahil bastos ka!"
Teka lang.. Sa kanya galing yang mga salita na yan? For real?! Nakakaamoy ako dito hypocrisy at kabaliwan dito. At nakakaamoy din ako ng kabaklaan. Amoy na amoy!
"Buti na lang pala umalis kami dito at hindi nasilayan nila daddy ang ganyang behaviours mo na pangkalye at walang manners...."
Napayukom naman ang palad ko dahil sa mga sinabi nya. Psh,
Lumawak naman ang ngiti. Alam na alam nya talaga ang weakness ko. Pero sino ba sya?? Para matinag ako at ngayon pa ba ako tatahahimik. Sa dami ng mga nasupalpal kong mga tanga. Toni, wag kang papakabog!
"Timmy. Wag mo kong gawing salamin para idescribe ang insecurities mo. Ako, bastos? Ang bastos nakahubad. Especially kung ikaw ang bubungad." Napahinto ako kasi natawa ako.
"Alam mo hanga rin ako sayo. Buti nakatagal ka dito sa Pinas. Alam mo kasi, pinagbabawal na kasi ang plastik dito, sobrang laking perwisyo... tagal pa mabulok pero paginamoy mo. Bulok na bulok!"
"And sinasabi mo bang plastik ako?!" Naiinis sa sabi nya.
Samantalang ako ay kunwari nashoock sa sinabi nya at para convincing na rin. Humawak ako sa dibdib ko,
"Aba! Sino pa nga ba?" At bumalik ako sa maldita mode ko,
"Kung natamaan ka edi ikaw nga at namnamin mo ang moment. Kung hindi. Aba! Hindi ka lang pala plastik, balat kalabaw ka rin pala."
Napaismid naman sya sakin.
"Hanggang ngayon wala ka pa ring pinagbago. Ikaw pa rin ang Toni na kilala kong kawawa at kulang sa aruga. Mas lumalala nga lang, dahil naging bastos ka at walang modo.. Pero deserve.... alam mo bakit kasi walang kamahal mahal sayo."
Tinaasan ko lang sya ng kilay. Dahil walang sense ang pinagsasabi nya.
"Pero may regalo ako.... Take this!"
Nagulat ako nang sampalin nya ako. Biglang bumalik sakin ang mga panahon na sinampal nya ako sa harap ng maraming tao. Bumilis ang t***k ng puso ko.
Nakita ko naman na nilagpasan nya ako na may abot langit ang ngiti...pero buburahin ko yang ngiti mo!
Bigla kong hinawakan ang braso nya dahilan para mapaharap sya sakin.
"Of course ako rin. May pawelcome gift din ako sayo." Pagkasabi ko nun ay binigyan ko sya ng sampal na matagal ko nang gustong gawin.
Hindi naman sya nakagalaw dahil sa ginawa ko.
"I really miss you.... Kaya dalawa ang pabaon ko!" At sinampal ko ulit sya pero sa kabilang side naman.
"Welcome home... Kuya!" Saka ko sya tinulak para makadaan ako paakyat.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Humanda ka sakin na paminta ka. Hinding hindi ako makakapayag na makita kitang masaya hangga't nasa parehong lugar tayo. Sisiguraduhin kong magiging masaya AKO sa pagbalik mo rito.
Ha! Welcome to hell.
---
"Good morning!!" Bati ko sa corridor ng aking second floor. At lahat ng mga tagasilbi ko ay nagulat at naguluhan sa asta ko. Syempre! Batiin ba naman sila ng magandang tulad ko. Hindi ba sila magugulat?
Habang bumababa ako nakita ko sila na huminto sa mga ginawa nila. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Alam kong maganda ako. Pero hindi ko kayo sinasahuran para tignan kung gaano ako kaganda. Kilos!"
Bigla naman silang bumalik sa dati nilang ginagawa.
Tss, mga shunga.
Binati lang kala ba nila bumait ako? Ha! It'll never be gonna happen. Ako babait? Ha! Saksakin nyo na ako! Actually kaya maganda ang mood ko ngayon dahil sa nangyari kagabi.
Sa sobrang saya ko. Nakaeight hours ang tulog ko.
Paanong hindi ako sasaya. Nasampal ko sya not once but twice! And may bonus pang tulak. So tell me? Paanong hindi ako sasaya?
"Good mood ka sir, ah!" Biglang litaw ni tekla sa tabi ko. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Oo, pero parang sisirian mo. Kaya kung hindi ka aalis sa tabi ko. Ikaw ang ipapalit ko sa carpet. Alis!" Saka naman sya tumakbo palayo sakin.
Tss,
Nilalasap ko ang almusal kong request kay Tekla. Steak and Pasta. Which is one of my favourite. And also this is a special day for me. Nakabalik na ang paminta mula sa kung saang lupalog sya hinugot.
I'm busy sipping my tea. Gift sakin ito ni Teddy. I should have try it daw. Nakakarelax. Which is totoo. Narerelax ako to the point na ang daming ideas ang pumapasok sa isip ko. Kung paano ko papahirapan ang pinakamamahal kong kapatid.
And speaking of the devil, nakita ko syang stress na stress.
Kapatid ko ba yan? Nakakinsulto sa taglay kong ganda. Ampon lang ata ako.
"Toniii! You bitchhhh!" Sigaw ni Timmy mula sa tabi ko. While me, I'm savouring the moment of my tea.
Ang ingay ingay!
"Is that how you greet people in place you came from. How rude." Kalmado kong sabi at pinagpatuloy ko yung pagkain ko.
Nang napansin kong nakatingin at nakatangang nakatayo at hindi ko mapigilang mairita.
"Timmy, mayaman tayo. Maupo ka. Wag kang kumaing nakatayo. Ako ang nangangalay sayo." Pangaasar ko pa sa kanya.
"Bakit mo nilagyan ng golf stick yung door knob ko?" Bulyaw nya sakin. At kita ko sa mukha nya na pawis na pawis sya at parang paos.
Kunwaring nashock ako.
"Ha? Bakit ko naman gagawin yun kung pwede namang ipukpok ko sa makinis mong bunbunan?!" Maangmaangan ko. Pero ang totoo ako talaga ang naglagay nun.
Actually, pinarenovate ko yung pintuan nya before paloob ang pagbukas ngayon palabas na and pinalitan ko rin yung door knoob. Soundproof din incase na magsisigaw sya walang makakarinig.
Hays, maganda na. Bright pa!
"Ha! Oo nga naman. Bakit mo gagawin yun edi ba? Isa kang dakilang bobita. Hindi mo maiisip yun kasi wala kang isip!" Sigaw nya habang nakatayo pa rin sya at samanatala akong prenteng prente sa pagkakaupo ko.
"Di ka sure." At nilasap ang huling bite na aking steak.
Saka ako tumayo at aalpasan na sana sya kaya lang.. Binalikan ko sya.
"Kung may binabalak kang masama. Kung ako sayo huwag mo nang ituloy. Magmumukha ka lang tanga.... Pero kung ipupush mo. Let me tell you this..."
Huminto ako at inayos ang collar nya.
"Ipapakulong kita. Kahit magkaapelyedo tayo. Wala akong paki kung umuwi ang magulang mo." At pinagpag ko ang balikat nya.
At iniwan ko syang nakatanga.
--
Sem break ngayon kaya wala na akong masyadong ganap sa school KO and isa pa napasa ko naman na ang thesis ko. For revision na lang pero saka na yun. Madali na lang yun. Ang hindi ko hahayaang mapalagpas ay ang mga tea na pwedeng ibigay sakin ni David.
And ayoko rin magstay sa bahay. Baka hindi lang golf stick ang ilagay ko sa pintuan nya baka pati si Wendy.
Kaya tinext ko sya na magkita kami sa isang coffee shop sa SM North.
At as usual. Nauna pa rin ako. Kaya umupo na lang ako. Pero habang nakaupo ako ay may bubwit na nakatingin sakin.
Wala talagang takas ang karisma ko. Pati bata! Walang kawala. Gusto ko lang malaman nyo walang lugar dito or saang lupalop ang mga pedophile! No don't do that here!
Nu huh!
Kaya tinggal ko ang shades ko at pinanlakihan ng mata ang bata. Nagualat naman sya pero imbes na matakot ay dinilaan pa ako.
"Psh, pesteng bata." usal ko pa at kinuha ko na lang ang phone ko sa hermes bag ko at simulang patayin sa text si David.
Habang abala ako sa pagbubunga sa chat kay David ay biglang lumapit sa harap ko ang bata. Sya yung pesteng bubwit kanina pero this time. May hawak na syang ice cream.
Napalunok naman ako.
Kelan ba ang huling kain ko ng ice cream? Three years ago? Hala. Nakakabother lang! Mayaman ako maganda pa, pero bakit hindi ko naisipang bumili nyan. Ganun ba ako masyadong abala kakaisip kay Timmy at sa mga taong pumeste sa buhay ko?
Pero nope! Masyadong maraming carbs and calories! Ayokong masira amg hour glass body ko. A big, big, big no!
Hindi ko pa naman ugaling magexercise. Saydang blessed lang ako dahil ganito ang figure ko.
Kaya no!
"Gushto mo poh?" Napatingin naman ako sa bata habang andungis dungis dahil sa ice cream.
Psh,
Asa ka!
---
"Dalawang order po ba, ma'am?" Tumango naman ako habang napaparolyo ang mata.
"Oo, at pakilagyan ng unting bilis." Sabi ko roon sa crew. Habang ako ay masama ang loob ko sa nangyayari.
Hayyst! Bwiset talagaaa! Kaasar. Sabing hindi ako bibili.
Napatingin naman ako sa bubwit na katabi ko habang malawak ang ngiti. Binigyan ko lang sya ng pilit na ngiti.
Itong bubwit na 'to ang may kasalanan!
Bakit ba naman kasi feel na feel nitong bata ito ang pagdila sa ice cream! Ayan. Nagcrave tuloy ako! Peste talaga!
Bumalik ako sa ulirat nang binigay ni kuyang crew ang ice cream.
"Here you go. A strawberry ice cream with cookies and vanilla toppings and here you go also the chocolate and whip cream with cookies and cream. Enjoy!"
Kinuha ko naman yung order ko at kinuha ko yung strawberry pero yung isa binigay ko sa bata.
Nagulat pa sya.
"Ganda ka? Bilis bago pa magbago isip ko." At kinuha naman nya habang malaki ang ngiti.
"Whoa, thenchu po... !" At nilantakan na nga nya ang bigay ko. Well, pasasalamat dahil tinuro nya kung saan sya bumili.
"Ako po pala si Keith! Nicesh meeting you poh!" Hindi tulad ng bata. Nagstay muna ako sa costumer area ng ice cream shop.
Keith, gandang pangalan ah.
Medyo nagaalangan pa akong tikman dahil kung kukwentahin ang carbs baka isang linggo ako magdidiet. So, paisa isa ang ginawa ko.
Mmmm, masarap naman.
Habang kumakain ako. Tinitignan ko ang bubwit na binigyan ko ng ice cream. Ay nakita kong sarap na sarap sya sa pagkain sa daan pero umiiwas pa sya kapag may tao.
Napailing na lang ako.
Pero may isang lalaki. Nakacoat, postorang postora. Pero hindi sya nakatingin sa daan... Nakatingin sya sa-
"Punyetaaaaa!!!!"
Ayan na nga ang sinasabi ko. Hays! Dalawang bulag nagkabungguan.
"Ikaw na bata ka! Pasaway kaaaaa!" Sya sabay alog sa bata. Medyo natigilan ako. Required bang ganyanin ang bata?
Pero ang hindi ko kinaya ay yung piningot nya. Umiiyak na yung bata pero mas lumakas nga lang.
"How stupid kid are you? Are you f*****g blind ah! Don't you know that I'm wearing is expensive! Even you isn't enough to pay this! Ha?!"
What?
Tumingin naman ako sa paligid at mukhang walang balak makialam. Ako naman ganun din. Wala akong paki kaya lang....
"Answer me?! Where's your f*****g motherrr?! Stop crying!!! Just f*****g answer me--*
"Paanong sasagot. Eh, ang daldal mo?"
Tumigil naman sya sa paghampas sa bata at tumingin sakin. At parang gulat na gulat dahil sa taglay kong ganda. I know!
Bigla namang tumakbo sa likod ko ang bata at yumakap sakin.
"Ha?! Sino ka b--" Bigla syang napatingin sa hawak kong ice cream.
"Ah!! Ikaw siguro ang nanay nitong pesteng bata na 'to. Kaya naman pala ganito ang attitude mana sayo. Napakairesponsable mong tao. Bakit mo hinayaang pagala gala yang pesteng anak mo. Bobita ka ba? Tss, masyadong feeling. Bakit maganda ka ba. Pwes feeling mo lang yun dahil hindi ka maganda!?" Arte nya.
"Bayaran mo to!" Turo nya sa coat nyang cheap.
Natawa naman ako.
"Alam mo, sa lahat ng sinabi mo. Dun lang ako naoffend sa hindi maganda... Ako? Hindi maganda? You're not just have a poor sight but poor taste also. I pity you."
Tinignan naman sya ako ng masama.
"Aba! masyadong matapang para sa nanay na iresponsable! Ha, bayarin mo na lang ako!" Usal nya sakin.
"Nakakatawa lang. Ikaw itong may mas isip sa bata 'to pero ikaw pa yung nabangga... Yung totoo. Lumaki ka lang ba talaga pero naiwan yung utak mo sa paglaki?"
Nakita ko naman sa mukha nyang ang asar at hinubad nya ang coat nya at balak nyang itapon sa sakin pero bago pa nya gawin yun. Inunahan ko na sya.
"Subukan mo. Kung ayaw mong makita yan sa basurahan 'yang basahan mo." Pagbabanta ko.
Napabuntong hininga na lang ako. I'm wasting my time here. Kailangan ko nang itumba itong burikat na to.
"Alam mo gurl. Focus ka kasi sa daan. Daanan nga diba? Ang daanan hindi ginawa para makipaglandian... Kung aawra. Matuto kang gumilid. Tulad nya... Nasa gilid sya habang nakikipag eye contact sayo." Ako sabay turo dun sa lalaking tinitignan nya kanina. Dahilan para hindi nya makita yung bata sa daanan.
"Gamitin mo yang utak mo. Kapag lalandi." Ako at iniwan sya. At sinama ko yung bata paalis kaya lang.
"Anong sabi moo!!! Walang hiya kaaaa---
"WHOAAAA!"
Napatingin ako sa likod ko. Pero imbes na lalaki yung nakita ko iba ang nakita ko.
"Ro-Rozer?!"
Oo. Kilala ko na sya. Ilang beses ko ba naman syang makasalubong. Hindi ko pa ba malalaman pangalan nya.
Pero ang nakakatapagtaka ay nasa harap nya ako. Anong meron?
"Okay ka lang?" Nagtataka kong tanong.
"Bakit? Concerned ka?" Mahangin na pagkasabi at syempre hindi mawawala yung pagtaas baa ng kilay nya.
Kasuka!
"Hindi. Tinatatanong ko kung okay ka lang dahil parang baliw ka dyan nakatayo?! May sayad ka?"
Nalaglag naman ang panga nya dahil sa sinabi ko. Napailing naman sya saka humarap sa lalaki kanina.
At halos manlaki ang mata ko dahil sa mantsa sa jacket nya.
"Ayan. Quits na. Alis! Bago ko pa basagin yang bungo mong gagu ka!" At hindi na sya nagatubili pang magsalita at tumakbo na sya.
Hindi ko alam. Gagawin ko. Magpapasalamat ba ako? Ngingiti ba ako?! Bakit parang ang awkward!
Bigla namang lumapit yung bata at yumukap sa kanya.
"Thenchu po. Superman!" Saka naman tumingin sya sakin. "At wonderwoman!" At nakita na nga sya ng nanay nya.
"Naku Keith! Diba sabi ko sayo. Dun ka lang sa stall. Mamalagi. Mahihirapan si lola nyan. Apo!" Sabay yakap nya sa bata.
Ah. Apo pala nya. At base sa suot nya parang nagtatrabaho sya sa isang restaurant bilang dishwasher.
"Lola. Sowy po. Pewo lol natikman ko po yung favourite kong tinuturo. Lola! Natikman ko yun lola kaya behave na po ako."
Ewan ko parang napapagaan ang loob ko habang pinagmamasdan ko sila. Ewan ko rin ba parang nagtutubig ang mata ko. Ha! May dipresenya na ata mga mata ko.
"Ha? Paano naman apo."
Saka naman ako tinuro nang bata. Nang makita ako ng ale ay bigla syang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Naku. Iha! Nakakahiya naman. At nagabala ka pa para bilhan ang apo ko. Babayaranan na lang kita--*
"No need. Actually, that's my treat...that child is sweet. He deserves it."
Bigla naman akong niyakap ng ale.
"Kahit ito na lang. Yakap na lang nasa tanggapin mo, anak." At dahan dahan kong tinaas ang kamay ko para itap sya sa likod.
Sa tagal ng panahon. Wala pang tumatawag sakin na anak. Gaano na ba katagal? Ah. Three years ago. Simula nung kamuhian ako ng magulang ko at iwan ako.
Ganito pala ulit matawag na anak.
Umiwas naman ako ng tingin para hindi mahalataang napaluha ako. Oo, umiiyak ako. Anong magagawa ko? Maganda lang ako. Hindi ako manhid?
"Salamat ulit ah. Sa susunod ako naman ang taya.. Kung makakaabot pa ako hehe."
Ngumiti lang ako sa sinabi nya at tuluyan na nga silang umalis. Patulo na sana ang luho ko nang..
"Naks! Ang bait. Nanlilibre. Malapit ka na ba kunin?"
Kahit kelan talaga. Ang epal epal. Ang ganda na nang moment ko. Tutulo na luha ko.
"Kung sapatusin kaya kita dyan... Para ikaw ang mauna."
Natawa naman sya. At tinanggal ang jacket nyang may mantsa. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Pero slight lang.
Hello?! Sino bang humarang sya naman diba? Hindi ko naman sya inutusan.
"Anong size mo?" Napahinto sya sa ginagawa nyang pagkuskos sa jacket nya maski ako. Ano bang nasa isip ko?
Nahihibang na ba ako?!
Narinig ko namang natawa sya. At lumapit sakin saka...
"Hoy ano yang ginagawa mo?!" Hysterical kong sigaw dahil sobrang lapit nya at bigla nya akong akmang yayakapin.
"Labhan mo. Biglang pag thank you mo, alam kong mas gugustuhin monh mamatay kesa magthank you."
Kumunot naman ang noo ko. Excuse me lang! Anong pinagsasabi nya.
"At bakit ko gagawin yun."
Nagkibit balikat lang sya. Balak ko na sanang tanggalin kaya lang.
"Kung ako sayo. Wag mo na tanggalin. Para kang may tagos. Nagkakatagos rin pala ang mga bakla?."
Nanlaki ang mata ko. Naalala ko yung batang kumapit sa likod ko.
What?!
Natawa naman sya sa reaction ko. At tumalikod sakin at sinagot ang tawag.
"I'm on my way. Jackson. Kalma!" at binaba na nya pero tumingin muna sya sakin.
"Ang dami mo ng utang. Sisingilin kita someday." At umalis na sya.
Habang ako ay nakatanga at hindi makapaniwala sa mga pangyayari.
WHAAAAT?!