"Give me that pair, susubukan ko rin!" Excited kong sabi dun sa agent ng shoes from Prada. Oh well, tapos na naman ang kalbaryo ko sa punyetang thesis na yan. And sabi ni dean Conti for technical revisions na lang daw kaya ako narito.
To release my stress in the past few months ago. Naiisip ko lang yung mga struggles ko these past few months. Gusto ko na maghead bang malala. Alam mo yun. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula kung paano ko gagawa ng sop and yung surveys ko sa pilitan ko pang pinapasagot sa mga stupidents ko and buti na lang kasama ko si David to guide and help all through out.
And that's why I'm here sa boutique. To release my stress through buying my dearest love ones.
SHOES!
At sabi nga ni Marilyn Manroe 'Give a girl the right shoes, and she can conquer the world.'
That's why I'm here. Because I'm ready to conquer the world.
Halos magkalat ang mga stilettos, sandals and ankle boots sa sahig dahil sa sobrang excited kong mamili. And to the point na lahat ng size ko ay igeget ko agad.
"Here's Ma'am. The designer collection."
Halos kuminang ang mata ko sa sobrang ganda! Mygaad. Heto na ba yung tinatawag nilang love at first sight!
Ugh! She's so wonderful.
Hindi na ako nagaksaya pa ng oras. Sinukat ko.
"Perfect!!!" Sigaw ko and wala akong pakialam kung pagtignan ako ng mga tao dito. It's my happiness. Napapangiti talaga ako ng mga sapatos. Actually ang ironic. Kung sa mga tulad nitong expensive luxurious ay napapangiti ako pero sa mga tao naman ay madaling uminit ang ulo ko at kumulo ang dugo.
I guess,
I'm rare and unique in my own ways!
Ha, take that!
"Ma'am, ichacharge ko na po ba?" Tanong ng agent na kasama ko. Ngumiti muna ako saka ko pinagtuturo ang mga nabetan kong sapatos.
"Yes, and isama na rin yan.. Yung eto rin. At ayun. Andd ito rin pala at oo nga pala. Pati yung dalawang andun... And itong mga nasa tabi ko!"
Mygash! I'm so happy talaga. Sobrang saya saya ko. Siguro eto lang talaga yung cure sa pagiging mentally tired ko. Kulang lang talaga ako sa shopping!
"Have a nice day po, ma'am!" Yung agent habang pinagbubuksan ako ng pinto para makalabas.
I guess, I'm okay with it.
Masyado akong napagod kakatingin. Hindi na muna ako titingin sa ibang boutique like I used to.
So habang nasa parking lot ako may biglang nagtap ng balikat ko and to my defence ay hinampas ko sya ng paper bag.
"Ouch!"
Napakunot naman ang noo ko.
"Ernest?! The f**k?!" Gulat na gulat ako. Kala ko kung sino na. And who is he to think that is it okay to touch me?
"Hehe, sorry. Nagulat ba kita." Prenteng sagot nya which is lalong kinairita ko.
"Oo! At kung alam ko ikaw yan driving tools ang ipapatikim ko sayo. Bakit ka ba nanghahawak?" Mataray kong sabi sa kanya.
Napahawak naman sya sa batok. At parang naghahanap ng sasabihin.
"Gusto sana kitang tulungan." At tumingin sya sa mga mata ko. At parang nakikiusap at nangungusap.
Ngumiti naman ako.
"Hindi. At hindi kita kailangan. Tsupe!" Pagtataboy ko sa kanya at tinuloy na ayusin ang paglalagay ko ng paper bags sa back seat ng mini Cooper ko.
"Hindi ka pa rin ba nakakamove on? Three years na yun. Okay kami ni Timmy, mahal ko sya. Sana matanggap mo naman na."
Napahinto ako sa paglapag ng mga papers bags ko dahil sa non sense na mga pinagsasabi nya.
"O? Pahanap naman ng paki ko?" Naiirita kong sabi sa kanya. Bakit ba nya sinasabi sakin itong mga walang kwentang bagay?
"Gusto sana magkakaayos tayo. Alam mo yun. Tulad ng dati."
Naningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Gusto mo yung tulad ng dati? Yung dati na tayo pa? Pero tago kasi kinahihiya mo ko? At yung dati na iniwan mo ko at sumama ka sa kapatid ko? Tama ba ako?"
This time parang nagbago ang hilatsa ng pagmumukha nya.
"Oo! Saka bakit parang galit na galit ka? As I could remember ikaw ang nanloko sakin! Kaya hindi ko maintindihan yang galit mo!" Bulyaw nya sakin.
Bwiset na 'to! Sumakit eardrums ko dun ah.
"Hindi mo talaga maiintindihan dahil wala kang utak! Bakit pinakinggan mo ba side ko? Hindi diba? Imbes na hintayin mo ang paliwanag ko sumama ka kay Timmy..."
"Because I'm f*****g broken! I don't know what to do. I'm f*****g lost Toni! I'm in pain because you betrayed me!"
Ang drama nito ah!
"You think I don't? For godsake Ernest! I'm your partner you should believe me first before the rest! You should trust me before anyone else but you're asshole and scumbag to leave me hanging... And date Timmy!" At habang sinasabi ko yan ay di ko mapigilang pinaghahamapas sya.
"Stop! Stop! I said stop!" Sya at hinawakan ang mga braso ko para pigilan ako. Kaya lang pumapalag ako!
"What do you want me to think? Those pictures, the videos, all of those slapping hard on my goddamn face. I was hurt! I was f*****g hurt! Toni because I loved you, I loved you for who are you and I accepted you as you but what's the catch? You cheated... on me.",
Binaling ko sa iba ang atensyon ko. Dahil ayokong madala sa mga sinasabi nya.
Ayoko na!
"Bitawan mo ko!" Ako at matagumpay akong nakawala sa kanya. At inayos ko muna ang sarili ko.
"Kaya nga dapat nagtanong ka muna sakin.... Pero wala ka palang tiwala sakin. Pictures and videos? That was a set up. Maniniwala ka ba?"
Hindi naman sya nakasagot sa sinabi ko sa kanya. Kaya napangiti na lang ako. Isang mapait na ngiti ang binigay ko sa kanya.
"Hindi mo ba naiisip na kaya yun ginawa satin para paghiwalayin tayo dahil may naiinggit sa relasyon natin. Hindi ba pumasok sa kukute mo na may taong gustong sumira satin? Imagine. Patago na tayo pero bakit nalaman ng current jowa mo na magex tayo before?"
Mukhang nalilito sya sa mga sinasabi ko.
"Dahil sya ang tinutukoy kong naiingit satin... Look, nagbunga ang ginawa nya. At naging kayo nga...You know I have lots things to do,I'm wasting my energy here. I need to go.. Don't worry. I'm fine, and I'd moved on. So stop pestering me!" Ako at pumunta sa driver's seat.
"By the way, stay strong to both of you.. Sana lang hindi nyo mahuli ang isa't isa na naglolokohan." Ako at iniwan syang nakatanga.
Psh! Stupido.
Bigla-biglang susulpot para manumbat ng mga nakaraang dapat binabaon sa limot. At ang kapal din ng mukha nya na sabihing nasasaktan sya? Ha! Anong paki ko naman. Sino ba sya? Edi masaktan sya.
Bwiset! Ang ganda ganda ng araw ko tapos sisirain nya. Peste talaga!
I shook my head para at least mawala yun sa isipan ko kanina. And nagconcentrate na lang ako sa pag dadrive.
I was f*****g hurt! Toni because I loved you, I loved you for who are you and I accepted you as you but what's the catch? You cheated... on me."
Tss! Wala lang 'to. Lamig lang to. Ano bang pumapasok sa utak mo Toni.
I was f*****g hurt! Toni because I loved you, I loved you for who are you and I accepted you as you but what's the catch? You cheated... on me."
Arggghh!! Anuba.
Fuck! Bakit ba bumabalik sa isipan ko yung sinasabi nya. Anong mali? May gumulo ba sa sistema ko? Alam ko at sigurado ako na nakamove on na talaga ako.
I was f*****g hurt! Toni because I loved you, I loved you for who are you and I accepted you as you but what's the catch? You cheated... on me.
Bwiset naman! Ano ba ang nangyayari sa sistema ko bakit nagfaflashback sa utak ko?!
Nagfocus na lang ako magdrive kaya lang...
FUUUCCKKK!!
Gulat na gulat kong pagkasabi dahil sa isang gagu na biglang tumawid. Buti napindot ko agad ang break.
Napapikit naman ako dahil parang naumpog ang ulo ko sa manibela.
Thank god! I'm wearing a seat belt so injuries aren't serious. Sinundan ko naman ng tingin yung gagong lalaki na bigla na lang tatawid.
And to my surprise...
"Da-David?"
Agad kong pinark ang kotse ko at bumababa ako at sinundan ko sya. At ngayon pa lang gusto kong magsorry sa Prada heels ko dahil ginawa ko syang pangmarathon.
"David!" Sigaw ko pero hindi nya ako naririnig. Medyo malayo rin kasi.
"Daviiid!" Mas nilakasan ko pa. Dedma na kong yung mga tao sakin kung sabihan akong baliw.
Nasaan na yun?!
Naguluhan ako kaya mas minadali ko ang pagtakbo ko. Mygash! Yung Prada heels ko. I'm very very sorry!
Nung nasa pwesto na nya ako kanina. Bumungad sakin ang isang parking lot. Nasapo ko naman ang face ko. Meron palang parking lot dito. Hinaggard ko pa sarili ko.
Lalo na yung shoes ko!
At tinuloy ko na nga ang paglalakad papunta sa parking lot. Okay, masasabi kong maganda rin 'to. May mga decorated lights sa mga puno at tahimik rin.
So naglakad pa ako para hanapin yung kumag na yun. Pero hindi rin nagtagal dahil nakita ko rin sya na nakaupo sa harap ng kotse nya.
Ay senti-sentihan?
Hindi ako nagingay para lapitan sya. Gusto kong biglain sya. Nang makalapit na ako kumunot ang noo ko. May mga beer?
Anong eksena nitong loko na 'to.
Nang makalapit na ako. Bigla kong kinuha ang isang beer at tumabi sa kanya.
"Mas masarap, uminom kapag may kasama." At binuksan ko ang can beer saka tumingin sa kanya.
As expected. Gulat ang makikita sa mukha nya. Sino ba naman ang hindi magugulat? Hello? Ang ganda ganda ko, super sikip pa at skinny legend pa. Kaya di ko sya masisisi.
"President?"
Hindi ko na lang sya pinansin at tinuloy ko ang pagiinom pero sinapok ko sya dahil naalala ko ginawa nya kanina.
"Aw! Para po saan yun?" Habang hawak nya ang batok nya.
"Ikaw tarantado ka. Muntik na kitang masagasaan kanina. Buti na lang ako yun paano na lang kung iba yun. Muntik ka pang maging bingot!" Bulyaw ko sa kanya pero hindi ako galit. Concerned? Slight! Ayoko na kasing maghire pa ng bagong secretary. Kakapagod!
"Hindi ko lang napansin. Medyo lasing na kasi ako eh." Nahihiyang sabi nya.
Napailing na lang ako at tumingin sa kanya. Actually, nagulat ako na marunong pala syang uminom. I mean, para sa isang good boy na tulad nya. Nagiinom sya? Hindi halata. Akala ko nga hindi sya makapagbasag pinggan.
Pwes! Tama ang hula ko.
May tinatagong kabalastugan itong si David.
At aalamin ko yun.
"Anong meron?" Pagiiba ko ng usapan. Nagtataka rin ako. Anong oras pa lang at parang may amatz na sya. Mukhang may pinagdadaan ang lokong 'to!
At ano kaya yun?
"May iniisip lang." Casual na sabi nya. At ininom nya ang hawak nyang beer can. Mukhang problemado ang loko. Dahil naubos nya ang isang beer can.
Natawa naman ako dahilan para mapatingin sya.
"Lakas mo palang uminom. Nakakapanibago, hindi bagay." At ininom ko rin ang hawak ko.
"That's an offensive remark." Sya habang natatawang nakatingin sakin. Nahawa rin ako sa tawa nya. At tinignan sya.
"Hindi kasi bagay sa image mo. Alam mo yun. Lagi kang ngarag, nerd looking, laging lutang, mahinahon at hindi makabasag pinggan... hindi kasi swak." Sinasabi ko yun habang nakatingin sa kanya. Oo, hinuhuli ko sya. Malakas ang pakiramdam ko na may tinatago sya at hindi pa ako nagkamali sa mga kutob ko.
Pero sana. Mali ang kutob ko.
Natawa naman sya. At kumuha ng isa pang beer habang pinaglalaruan saka tumingin sa langit.
"Ang sakit naman nyan... Pero hindi kita masisisi kasi nakikita mo sakin na ganun ako. Sinanay kita, sorry Toni." Tinawag nya ako in my first name. Nashookt ako.
Naguluhan ako sa mga sinasabi nya. Ano bang gusto nyang palabasin?
"But in my defense... Hindi naman talaga ako ganun. Naadopt ko lang sa environment na meron ako ngayon." Dagdag pa nya.
"O? Bakit defensive?" Pangangasar ko sa kanya. But in my shock tinapik nya ako. Which is I find funnier.
Maybe, iba talaga ang tao kapag lasing. Lumalabas ang ugali.
"Grabe ka naman. Hindi naman sa ganun. I'm just telling you na totoo yung mga pinapakita ko sayo." Sya at bigla na lang yumuko.
Naguguluhan ako.
Alam kaya nya na pinagdududahan ko sya? Ayon kaya ang dahilan ng paglasing nya?
"Don't worry, I already know. So stop overthinking, okay? It's not healthy." Saka ininom ko ang hawak ko.
Tama kaya yung sinabi ko? Ghad! I'm not really good at comforting people. I'm really suck on it!
Mukhang may gusto syang palabasin sa usapan na 'to. Pero hindi pa sya ready na humarap sa consequences.
"You know. I said it many times but I'm very grateful that you accepted me as your secretary.... I owe you a lot."
Nanahimik lang ako. Hindi ako sanay na may nagpapasalamat sakin. Madalas kong naririnig puro mga negative comments.
Ganito pala ang feeling nang pinasasalamatan.
Ewan ko lang. Pero may urge ako na tanungin ko sya kung anong dahilan ng pagpapakamatay nya sa tulay. Pero baka hindi nya sagutin. Hindi ko alam pero gusto kong malaman.
Pero ito na siguro yung right timing para tanungin ko sya.
"Bakit ka ba kasi tatalon dun? Anong meron?"
Natigilan naman sya sa paginom nya nang tanungin ko sya.
"Gusto mo ba talaga malaman?" Humarap naman syang tumingin sakin. At parang hinihintay ang sagot ko.
"Hindi nanam. Pero kung sasabihin mo. Go lang." Casual kong sabi pero deep inside gusto kong ikwento nya.
Napabuntong hininga na lang ako. Ano ba itong nangyayari sakin. Masyado na akong napaparanoid.
Kaya hindi na lang ako kumibo at uminom na lang.
"Hmm. Dahil sa katangahan ko, siguro."
Naiwan sa ere ang paginom ko dahil biglang nagsalita ang nasa tabi ko. At tinignan ko sya habang sya ay napapangiti nang nakakaloko.
Hindi ako kumibo.
Hinintay ko na magpatuloy sya sa sasabihin nya.
"Katangahan na pilit kong binabaon sa limot. Pero ang nakakabalisa ay hindi ko magawa dahil may mga bagay na nagpapaalala sakin ng mga nakaraan ko." Sya sabay tingin sakin.
Hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya nanahimik na lang ulit ako.
"Gusto kong ibaon yung gagong ako. Gusto kong kalimutan na nagexist sya sa mundo. Kaya heto! Heto ako ngayon at pilit na iniiba ang sarili ko. Hindi ko rin ginusto maging ganito.... Ganitong kamesirable."
Napatingin naman ako sa hawak nyang beer can dahil sa sobrang pagkahigpit nito ay nayuyupi na. Kukunin ko na sana yung lata ng binato nya.
"Ayyy!" Gulat kong sabi,
Pero hindi yun natinig si David at pinagpatuloy nya pa rin ang pagkwento nya,
"Dahil sa isang tao. Naging mesirable ako at nakagawa ako ng kasalanan sa taong hindi ko dapat saktan. Dahil sa taong yun. Ginawa ko ang mga hindi ko dapat gawin. Nagpakatanga ako! Ang gago! Hindi ko rin alam kung bakit ako baliw na baliw na sa kanya!!!" Tumayo sya at pinagsusuntok ang kotse nya.
Sobrang gulat ko ay napatayo ako. Pero ayoko rin matamaan ng suntok nya. Feeling ko masakit yun.
"Kaya dapat lang ako mawala sa mundo.... Dapat lang talaga ako mamatay---* slap
Tumigil naman sya nang sinampal ko sya. At mukhang natauhan naman sya at bumalik sa dating postura nya.
"Hindi ka ganyan kahina. David.... Or should I say Sonic."
Nagulat naman sya sa sinabi ko. At halos malaglag ang panga ng marinig nya ang totoo nyang pangalan.
Oo, actually hindi ganung katagal ko nalaman kung ano ang totoo nyang pangalan, last week lang nung kakapasok ko after kong magleave two days. Aksidente kong nakita ang ID nya na nasa mesa nya.
And sya rin ang panganay na kapatid ni Robby na sinasabi nyang naglayas.
Small world. Right?
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako nagsalita. Habang sya ay gulat na gulat sa mga sinabi ko.
"Ho- how did you know?" Utal utal nyang sabi.
"It's not important now. The only matter is who the f**k are you talking to? Kilala ko ba sya?"
Halos manlaki ang mata nya sa tanong ko. Samantala ako na nakatuon lang sa mga sasabihin nya.
"David or Sonic! Sumagot ka. Mahirap ba yung magasabi ng oo at hindi?" This time ako naman ang naghysterical.
Dahil gustong makumpirma kung totoo yung mga nasa isip ko. Pero sana hindi totoo.
Pero imbes na sumagot sya ay napaluhod na lang sya at walang humpay na umiiyak.
So totoo nga ang hinula ko nung una palang. Na sya yung ginamit ng kapatid ko para sa mga plano nya at para sa pansariling interes nya.
Aaminin ko nung unang pagapply nya sakin bukod sa pamilyar sa dahil sa pagpapakamatay nya sa tulay. Parang nakita ko na sya somewhere sa tapat ng mansyon namin.
Hindi ko lang sure, pero ngayon. Confirm na.
"So, ikaw na yan? Ang dating ex ng kapatid ko."
Pero hindi lang sya sumagot. Napatingala na lang ako dahil ayokong tumulo ang mga luha ko.
Ayoko nang umiyak!
"I-I'm sorry! I'm really sorry Toni! Ang laki ng kasalanan ko sayo. Sobrang laki at hindi yun mababayaran ng kahit anuman maski ang buhay ko..." Pagmamakaawa nya at humawak pa sya sa mga binti ko.
Ewan ko pero parang sumisikip ang dibdib ko.
"Tumayo ka dyan David.. Sige na. Wag mong gasgasan ang legs ko!" Sabi ko sa kanya pero hindi pa rin sya tumayo at patuloy pa rin syang umiiyak.
"Isa! Hindi ako nagbibiro, sisipain kita dyan." Bulyaw ko sa kanya at nakinig naman sya at lumayo sa legs ko.
Chineck ko kung may gasgas. Buti wala! Ha. Sisipain ko talaga sya.
Umupo naman ako sa kotse nya at napansin naman nya yun. At tinapik ko sa tabi. I'm signaling him to sit beside me.
At tumabi nga sya at inalok ko sya ng beer na kinabigla nya.
"O, ganda ka?" At tinanggap naman nya.
"So, ikaw rin ba yung kasama ko sa pictures and videos?" Kalmadong tanong.
Yup. Yung larawan at videos na sumira sa buhay ko. Yung larawan kung bakit tinakwil ako ng mga magulang ko. At hinding hindi ko malilimutan yun.
At kasama ko ang lalaking yun ngayon. Actually hindi lang pala ngayon. Halos dalawang taon! Para akong sinaksak sa likod. Nang paulit ulit.
Hindi ko alam itong nararamdaman ko.
Natigilan naman sya ulit.
"Ah ikaw nga..." Ako at tumingin naman sa kanya.
"Bakit ka nagapply sakin bilang secretary ko?"
This time hindi na sya natataranta. At sumagot sya.
"Gu-gusto kong bumawi." Simpleng sagot nya.
"Saan?"
Tumingin naman sya sakin.
"Sayo. Dahil sayo wala ng iba. Gusto kong makabawi sa ginawa kong pagpayag sa kagaguhan na yun. Nakita ko... Nakita ko kung gaano ka kamesirable dahil sa pagpayag ko dun.... Kaya kahit sa simpleng tulong lang. Gusto sana kita tulungan... Alam kong hindi sapat ang paghingi ng tawad sa ginawa kong yun. Kaya nagdesisyon akong... Ibigay lahat pati buhay ko. At hindi ko yun pinagsisisihan." Sya, sabay tingin sakin pero nung nakita nya ang expression sa mukha ko ay nagiwas sya ng tingin.
Napapayuko naman sya ng marealize na seryoso ako. Samantala ako nakatingin lang sa kawalanan.
Napabuga na lang ako ng hangin sa ere.
"Kung totoo yang sinabi mo. Patunayan mo. Magkita tayo bukas." At tumayo na ako.
Pero bago ko sya iwan. Binigyan ko sya ng isang sampal.
*PAK!
"Sabihin mo lahat ng nalalaman mo." Ako at iniwan ko na sya habang nakahawak sa pisngi nya.
----
Habang pauwi na ako. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni David kanina.
Small world nga naman!
Bumababa na ako sa kotse at tumuloy sa mansyon at pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay nanibago ako.
Bakit patay lahat ng ilaw?
Diresto lang ako sa paglalakad nang may bukod tanging ilaw na nagbukas sa sala.
At galing yun sa isang lampshade.
"Ginabi ka ata."
Impossible! It can't be.