Nacancel ang pagbabar sana namin ni David dahil na rin sa sobrang kupad nyang kumilos at dahil na rin sa ex ko na bigla bigla na lang susulpot na parang kabute. Tss!
Almost two days na akong hindi pumapasok sa school KO. Wala lang parang gusto ko lang magisa. It's not because of my ex, pwede ba?!
Nakamove on na ako. Actually nung nakita ko sya nandidiri ako na pintulan ko sya. Natatawa na lang ako, ganun pala kababa ang taste ko before? Mygosh. Buti na lang nagising ako sa katotohanan.
Kaya ako nagleave hindi dahil sa ex ko just because...
I'm mentally tired.
In thesis,
In business,
And in my life!
Pwede naman siguro magpahinga diba?! Sa totoo lang. Mas nakakapagod kapag napagod ka mentally kasi hindi mo alam kung paano ka magpapahinga unlike sa physical. Pwedeng itulog mo lang. Napabuntong hininga na lang ako. What to do?!
Pero,
Paano ang school KO?! Paano ang mga yaman ko? Ayokong maging pulubi.
Biglang tumunog yung phone ko. Nakita ko naman si David.
"Hey, cheer up!"
Hindi ko alam pero napangiti ako sa text nyang yun. Sinabi ko rin naman sa kanya na magtatake ako ng leave ng mga dalawang araw. And this is the second day. Sobrang bilis ng araw! Ganun na ba ako kapagod? Na hindi ko man lang namalayan na buong maghapon na pala akong nakahiga. And siguro, malaking pasasalamat din ni Gori kasi nagday off ako para asarin sya.
Tss, iba epekto sakin ng pagod ah. Bumabait ako!
Biglang tumunog ulit yung phone ko.
Si Teddy.
"Toniiiii?! Wazzup! Buhay pa ba you?! Punta ka here sa bar." Nilayo ko agad ang phone ko sa tenga ko.
Kahit kelan talaga! Parang nakalunok ng microphone.
"Oh?." Walang gana kong tanong.
"Balita ko. Nagkita kayo ng ex mo?" This time si Alex naman ang nagsalita.
"And who's that jerk, again?"
"Ernest, Robbie."
"Yeah, I saw you last time. Bakit kayo magkahawak ni Rozer ng kamay?"
Napatayo ako ng kama nang wala sa oras.
"Whaaat?!" Nawala bigla ang emote emote kong pagod.
"Well! Hindi yun ang inisip ng madumi nyong utak!" Dagdag ko pa dahil sa katahimikan na binigay nila sakin.
"Edi the more na dapat mas pumunta ka dito!" Si Alex,
--
"Oh? Really. Bakit hindi mo chinika on us?!" Teddy after kong ikwento magmula sa nakausap ko si Timmy hanggang sa pinagtripan ko yung Rozer,
"Nagtanong ba kayo?"
Nandito kami ngayon sa bar ni Robbie. As usual. Tamang chikahan lang and chismis time lalo na sa mga bored kong kaibigan. Ganyan minsan ang habit namin. Nachismis ko na rin sa kanila ang buhay ko at yung mga pinagdaanan ko.
Hays, I can't believe na naging kaibigan ko sila.
--
Three years ago,
Habang naglalakad ako at pinatay ko sa isip ko si Timmy ay biglang may bumangga sakin.
Si Robby.
Ang bitchesang insabera. She's a sophomore sa business ad department. And she's famous of being insabera in our school. Marami rin syang kaaway.
"Tss, tatanga tanga." Matabil na sabi nya sakin habang nalaglag ang press powder nya.
Napataas naman kilay ko.
"Sino ba naman kasing nagsabi sayong magmake up ka sa daan?" Mataray kong sabi sa kanya na lalong kinais nya.
"Do you know it's expensive? Pulutin mong gaga ka." Sya at sinabunutan ako.
Medyo natulala din ako saglit. Dahil hindi ako sanay makipag-away pero biglang nagflashback sakin ang ginawa ni Timmy sakin kaya hindi na ako nagaksaya ng oras at ginantihan ko rin sya.
"Bitawan mo kong hitad ka!" Ako
"Punyeta! Hindi ako makatulog. Ang iingay ng mga bunganga nyo!"
Natigilan kaming dalawa ni Robby nung makita namin si Alex. Kabatch din namin sya ni Robby at same din sya ng course namin. She's infamous of being basagulero. Pero wala kaming paki dahil galit kaming dalawa.
"Wag kang makisali dito!" Sabay pa kaming sigaw habang pinagpatuloy ang rambulan namin.
"Ah! Ayaw nyo tumigil ah. Heto sanyo! Isang sapatos--Ay namali ng bato?!" Si Alex
Pero hindi tumama samin dahil napahiga kami pareho ni Robby.
"Ouchhyy huuhu! Sino yung nagthrow ng shoes na to?!" Si Teddy, kabatch din namin sya at taga fine arts naman sya. She's famous sa mga boys here and kinaiinggitan sya ng mga girls dito.
Natigilan ulit kaming dalawa ni Robby at tinuro si Alex na nakatangang nakatayo habang wala sapatos ang isang paa.
"You stupid bitchh!" Pagsugod ni Teddy pero nadapa sya at nadaganan kami kaya nagtulukan kami hanggang mapunta kay Alex.
At ang ending nagpagulong gulong kami sa buong field. Habang nagrarambulan.
Wala na akong paki kung sino ang masabunutan ko basta malabas ko lang ang gigil ko kay Timmy!
"Arghhh! Kupal kang Timmy ka!!! Hayup kaaaaa!" Ako,
"Kyaah! Kapal ng mukha mong lokohin ako Jester!!!" Alex
"Stupid worlddddd!!" Robby
"Arghhhh!! I don't want to get married!!! I hate youuu daddy!!!" Teddy.
Nang napagod kami. Napahiga na lang kami sa field.
Nagtinginan kaming apat.
At lumabas ang nakakabinging tawa samin. Which is ang sarap sa pakiramdam! Sa totoo lang. Ngayon lang ulit ako naging masaya.
"Parehas pala tayong may mga galit sa loob natin." Ako
"Different battles, but same struggles" Robby
"Yung galit na nasa loob natin ay kaya tayo naging ganito ka miserable!" Alex
"And we're just biktima lang ng panahon." Teddy.
"Buti naman, kala ko ako lang miserable!" Sabay sabay pa naming sabi.
Nagtawanan ulit kami.
Pero naudlot yun nang makita namin ang isang prof na nasa harapan namin at nakapamewang.
"Stand up! And community service! Three weeks!"
--
Kaya kapag napapaisip ko kung bakit sila ba ang naging kaibigan ko kahit lagi kaming nagrarambulan. Hindi ako nagsisisi. Kahit yung isa isnabera, basagulera, bratinela at ako na baklita. Ay hinding hindi ko sila ipagpapalit kahit kanino man.
"Hoy masyado bang masarap ang kamay ni Rozer at natutulala ka dyan?" Bumalik ako sa ulirat nang marinig ko sinabi ni Alex.
"Ha?! Mandiri ka nga!" Sigaw ko sa kanya. Kinalibutan ako dun ah.
Nagtawanan naman silang lahat dahil sa narinig nila. Bakit totoo naman ah! Anong masarap dun? Ewan ko ba bakit poging pogi sila dun.
"Ano bang nakita nyo dun kay Rozer bakit poging pogi kayo."
At sumagot naman sila.
"Yummy. May abs!" Alex
"Cute din. And badboy pa!" Teddy
"Of course, he's a Wades." Robby.
Oo nga naman bakit pa ako magtatanong kung walang sense lang ang isasagot nila sakin tulad ng may abs, cute at Wades---- ha? Wades?!
Nabuga ko ang iniinom ko.
"Ewww!" Sabay sabay nilang sabi.
"Ha? Anong sabi mo Robby? Wades?! Wades as in yung apelyedo mo?" Gulat na gulat kong sabi sa kanya. Hindi ba ako nabibingi?
"Parang tanga ka dyan Toni." Natatawang sabi nya. Pwes, ako. Hindi ako natatawa.
"Bakit gulat na gulat ka na kapatid sya ni Robby?" Takang tanong ni Alex.
Mas lalo akong naloka!
"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?!" Hysterical kong sigaw. Ano to?! Alam nilang kapatid ni Robby yung kupal na yun?
"You're so over talaga! Remember nung nagmagandang kang iwan kami for Paris for our thesis. Sis! We met Rozer dun and he's handsome super!"
Hindi ko talaga matake itong mga pangyayari ngayong gabi.
Sinamaan ko naman ng tingin si Robby.
"What?" Mataray nyang sabi sakin.
"Kaya pala ayaw mo syang sipain dito palabas, kapatid mo pala sya!" Naiirita kong sabi. Ewan ko pero naiimbyerna ako. Nagmumukha akong tanga.
"Of course not.. I'm saying facts nung sinabi kong ginawa nya garden ng bar ko."
"Eh, bakit hindi ko alam?!" Asar kong sabi sa kanila. Na kinatawa lang nila. Mga bwiset na 'to. Anong nakakatawa dun?!
"Nagtanong ka ba?" Binalik ni Robby yung linya ko kanina. Aba! Napipikon na talaga ako.
"Toni.. You're being Toni Madrama na. Sikip ka?" Sinamaan ko ng tingin si Teddy. Mga taksil!
"Sige nga. Kwento nyo nga ng mahimasmasan ako kung bakit ko kayo kaibigan." Sumandal pa ako para ipaking ready ako sa kwento nila.
"Teh! Hindi naman namin talaga close yun si Rozer. Isang beses lang namin sya nakita sa mansion nila Robby. And after that, wala na." Pagpapaliwanag ni Alex sakin. Pero hindi pa rin talaga nagsisink in sakin.
"Thesis days natin yun teh! Nasa sala kami nang nakita namin syang naglalakad. Then tinanong namin si Robby kung kaano ano nya. Doon namin nalaman right after na magkapatid pala sila... Gets mo na? Sasampalin talaga kita kapag hindi mo pa nagets!"
Napacross arms ako ng wala sa oras. Hindi maprocess ng utak kong maganda ang mga pinagsasabi nila.
"So kaya pala, tuwang tuwa kayo nung nagtagpo ang landas namin? Ganun ba?"
"Actually. Yes!" Sabay pa nilang sabi. Na kinasama naman ng tingin ko sa kanila.
"Gusto nyong mamatay?!"
Natawa naman sila. Napapansin ko lang. Ginagawa nila akong clown for tonight. Ako ang nabunot ah! Argh, nakakaimbyerna.
"You know ba.. The funny thing is during thesis days namin naiimagine namin what if magmeet both of you! Maybe that's hilarious and it happened na nga! We're so brilliant!" Sayang saya na sabi ni Teddy habang ako nakatingin lang sa kawalan.
"So, kaya kilala nyo na sya nung mga time na yun?" Tinutukoy ko yung munting eksena namin dito. Oo, munti talaga!
"Actually no, Alex and I kilala na sya before pa kami gumora kila Robby that time.. Kaya we asked kung anong relationship nya kay Rozer, coz he's freaking a campus crush."
Ha?
"Paanong kilala nyo?"
"Di mo ba talaga sya kilala? Varsity mo sya and kakacaptain nya lang last sem. At kilala rin sya dahil maangas at lapitin ng mga chikas!"
"Hindi ko sya kilala, Alex. Alam mo namang wala akong paki sa mga ganyan, kung walang perang involved hindi ako mageeffort!"
Totoo ang sinabi ko. Wala akong kilala sa mga varsity ko. As in wala, actually. Wala talaga dapat varsity sa school KO pero si David ang nagsuggest para makahakot ng students.
"Ikaw ba talaga ang may-ari ng school mo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Alex,
"Tch..." I'm speechless. Sobrang naloloka ako sa mga revelation nila sakin. Ininom ko na lang ang tequila ko sa sobrang inis.
"You really seem disappointed Toni. Anong drama ba yan?" Natatawang tanong ni Robby.
"Wala naman. Nashock lang ako." Ako at totoo ang sinabi ko. Sobrang nakakagulat kaya.
"By the way. He's not really a Wades," Napatingin ako sa kanya. Ay mali. Kami palang tatlo.
"Really?" Teddy
"Di nga?" Alex
"Haaa?!"
Hindi ko pa nga naaabosrb na kapatid nya yung kupal na yun. Meron pang isa?
"Basically he's not our biological brother. Adopted sya. Actually tatlo kami, yung eldest namin. Naglayas sya we don't know kung asan sya. Second si Rozer, just like what I said, he's adopted yet we treat him as real brother but he said, he needs space so umalis sya sa mansyon and I'm the only one left. And that's make daddy sad." Si Robby habang pinaglalaruan ang drinks nya. At mukhang malalim ang inisip.
At eto rin yung unang beses syang nagsalita ng mahaba. Usually hindi sya ganyan. She really hates talking that's why we feel sympathy for her. Maybe she's really struggling but she just wanted to keep it to herself for a long time.
Poor, Robby.
She's the youngest but she needs to act tough!
Natahimik kami dun.
Hindi kasi kami sanay na ganun sya. I mean, siguro kaya na rin kami tumahimik muna for her space and respect her as well. Hindi na muna kami nagtanong- tanong pa. And I feel guilty na rin kasi ako ang nagpasok ng topic na 'to. Siguro as a comfort na rin. Tatahimik na lang ako,
And alam kong ganun din sila!
We're couple of friends na hindi marunong magcomfort ng isa't isa. Ewan ko. Pero it doesn't mean we don't care for each other. It just, we respect our spaces and keep shut na lang kung walang magandang sasabihin.
Hindi namin ugaling sabihin sa isa't isa ng positive feedback because it's not helpful.
And I agree with that. Stop toxic positivity, we're humans and it's okay not to be okay.
Lalo na ako. I'm not good at comforting people. Hindi rin ako hugger and clingy as a friend actually naiirita ako pag may humahawak sakin kaya lagi kong tinatarayan si Teddy but It doesn't mean I don't care or value them. I really do. In fact! Gusto kong ilabas nila ang nararamdaman nila. Ayoko kasing agawan sila ng spotlight. Ayoko rin na makibutt in and ipapasok ang sarili ko where in fact hindi naman dapat. So stay quiet and keep listening na lang.
"But don't worry about me, bitches. I'm fine as hell." Assurance samin ni Robby. Which is binigyan lang namin sya ng sinserong ngiti.
The night goes smoothly. Puro lang kami tawanan and laitan. Syempre.
Pero hindi ko pa rin maaalis sa isipan ko na related sa isa isa itong si Robby and yung gungung na yun.
Such a small world.
--
Kakalabas ko lang kwarto ko and nakita ko si Wendy na nagmamaganda na naman.
Kabwiset talaga!
"Ayusin nyo yan!" Sigaw ng isang gorilya.
Umagang umaga. Ganyang ang makikita ko?! Kakawalang gana!
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at nang nasa harap na nya ako ay bigla ko syang tinulak.
Tabi!" At tuluyan na akong bumaba para magalmusal.
So habang nagaalmusal ako na pinaluto ko kay Tekla na BACSILOG.
Busy na busy ako kakacheck ng emails ko kung may importante ba akong gagawin and also chinachat ko rin si David kung kumusta ang schedule ko for this day. And buti naman, wala akong masyadong ganap ngayon. Walang meetings and conferences na pupuntahan.
Hay! I really hate that events! Super boring. Buti na lang kasama ko lagi si David to cover me up para di mahalatang tulog ako.
Hello? Sino ba namang hindi makakatulog sa ganoong kakomportable. May ac, tahimik and peaceful.
Bumalik ako sa pagkain ko kaya lang.. Nawalan ako ng gana.
"Tss, kawalang gana naman." Padabog kong binato ang kubyertos at taas kilay kong tinignan si Gori.
Aba! Ang gorilya. Nakataas noo at nakapamewang pa. Huwaw! Kagandahan yan?
"Hindi ka ata pumasok ng dalawang araw at nagawa mo pang umuwi ng gabi? Pero wag kang magaalala. Alam na rin ng daddy mo yan. Nareport ko na."
Nakakabwiset talaga itong gorilya na ito. Ang lakas mangasar. Partida, wala pa syang ginagawa gaanong pangangasar gusto ko nang pasabugin ang mukha.
"Anong gusto gawin ko? Icongratule kita kasi nafulfill mo ang pagiging bida bida mo? Edi, congrats. Galingan mo pa baka sakaling matakot ako." At pinagpatuloy ko na ang pagkain.
Pero minsan talaga sinusubukan ang ganda ko, yung tipong gusto kong kumain at lasapin ang almusal ko may sisira talaga ng araw ko eh.
"Hindi ka na ba talaga natatakot sa magulang mo?!"
Padabog kong binagsak ang kamay ko dahilan para matigilan ang lahat.
Ayoko na. Nasira na umaga ko. Pero hinding hindi na ako lang sira ang umaga dito.
Tumayo ako at tinulak ko sya. Pero sa noo nga lang. Bad b***h? I know.
"Araykuuu!" Daing nya habang sapo sapo ang noo nya.
"Hindi ako takot sa kanila. Mas natatakot ako sa ganyang mukha. Yang mukha mong pinaglihi sa sama ng loob kaya kahit sinong makakita. Masisira ang umaga!" At iniwan kong nakatanga.
---
Hindi ko natuloy ang almusal ko kaya nagorder na lang ako sa drive thru sa Jollibee. Nakakabwiset talaga yung gorilya na yun. Napakakapal ng kalyo sa pangangatawan.
Imagine, ang isang trabahador. Kinukwestyun ang amo? Hindi marunong lumugar!
Naantala ang pagpaslang ko sa isipan kay Wendy nang kumutok si David,
"President.. Nandyan na po yung adviser nyo for thesis. She wants to talk with you."
I nodded as responce and he left.
Napabuntong hininga naman ako. Nakailang revisions din ako for my thesis. Feeling ko nagmamasters ako?! Kaaasar talaga!
Minsan pinagsisihan ko na huminto ako ng isang sem dahil for sure. Walang gustong makipaggruop sakin and the feeling is mutual. Ayokong may kagroup ako.
Pero nakakabobo!
Hindi naman sa bobo or what! Sobrang hirap talaga ng thesis. Lalo na yung SOP, bakit ba kasi ang hilig maghanap ng problema tapos gagawa rin ng solusyon. Para mo na lang din inuntog sa ang sarili mo sa pader o kaya naghanap ka ng batong ipapapukpok mo sa ulo mo.
And ang nakakaloka dito ay patapos na ang first sem! Meaning, need ko talaga humabol nang bongga!
So habang naglalakad ako at pupuntahan ang dean's office kung nasan si Ma'am Conti. My adivser for my thesis. Papasok na sana ako kaya lang may kamay na pumatong sa door knob at nahawakan ko.
Kaninong pesteng kamay 'to?
Marahan kong sinundan ang braso nya hanggang sa mapunta ako sa mukha.
"IKAW?!"
Aba't sabay pa talaga kami?!
"Alisin mo nga yang kamay mo?!"
Again?!
"Bakit hindi ikaw ang magalis!"
Okay! Napipikon na ako. Anong kababalaghan ito?!
"Wag mo akong gayahin!"
What the hell?!
Sa sobrang pikon ko tinulak ko ang braso nya dahilan para matanggal sa door knob and saka ko inalis ang akin. That's a queen do!
"Sinusundan mo ba ako? Ha!"
Napacross arms ako nang wala sa oras at tumaas ang kilay ko. Ewan ko, automatic na talaga kapag sya yung kaharap ko.
Nagoon bigla yung radar ko!
Ang kapal talaga ng pagmumukha nito. And I really doubt talaga na kapatid sya ni Robby dahil sa sobrang hangin. Okay, hindi sila biological siblings pero sana nakuha nya yung trait ni Robby na pagiging tahimik. Sana lang talaga!
"At bakit naman kita susundan?!" Mataray kong sabi sa kanya.
"Kasi patay na patay ka sakin? Hindi ba? Kaya nga pati sa bar sinundan mo ko! Stalker!"
Ang kapaaaaaal! Ako pa talaga aakusahan nyang stalker. Sino ba sya?! Gwapo ba sya? Sarap nga nyang sungalngalin eh.
"Stalker? To you? Ha! At bakit?"
"Kasi nga crush mo k--**
"Bakit ang tigas ng mukha mo? Stalker? Me? Ha! Stalker used for ugly people... at bakit kita iistalk sa sarili kong eskwelahan?"
Napakamot naman sya ng ulo halatang napipikon na naaasar sakin.
"Ah! Kaya pala pangatlong beses na 'to. Hindi naman nakakapagtaka lalo na kung crush mo. Hindi talaga! Pero, hindi kita type. Bang!" Sya sabay turo sakin thru gun form.
Ang kapal talaga ng pagmumukha ng isang ito!
Tinabig ko ang kamay nya at hinila ko papalapit sakin. One inch lang ang pagitan namin.
"At sa pangapat na magkita tayo. Sisiguradugin kong hindi ka na humihinga." Ako at ginaya kong ginawa nya kanina.
Natanga naman sya. At pumasok na ako agad.
Ha! Mahuli may tae sa pwet.
Well, ayaw kasi nitong si dean na may dalawang students na pupunta sa kanya. Kaya lahat ng mga gusto syang makausap ay kundi maghihintay ay magaabang kung kelan wala ng ibang tao.
Ganyan sya ka strict.
Actually, kaibigan sya ng daddy ko. A good friend pero sakin. Casual lang. Walang iba.
"Good afternoon. Dean Conti!" Panimulang bati ko sa kanya at bigla naman syanh humarap gamit ang swivel chair nya. At postarang postora na humarap sakin.
"Good day, mr. Pinagpala. Have a seat!"