ATTITUDE 7

3476 Words
See you later, president." Napapikit ako dahil sa nabasa kong text. s**t! Oo nga pala. Nasabi kong magbabar kami ni David. Hay! Pabalang akong napahiga sa kama ko. Feeling ko naubos lahat ng energy ko kanina. Nakakapagod makita si Gori dagdag mo pa na masakit sya sa mata. Pero kahit papaano. I'm little bit, happy sa pagusad sa pagrerevange ko. Kaso nga lang kulang pa. Kulang pa! Dahil wala dito ang puno't dulo ng mga lahat ng ito. Timmy, That b***h! Marinig ko pa lang ang pangalan. Gusto ko nang masuka at mandiri. Well, sya lang naman ang taong sumira sa buhay ko. Sya lang naman ang taong gustong- gusto ako mawala sa mundo. Partida, kapatid ko sya pero nagawa nya sakin ito. Naalala ko yung mg ginawa nyang kabalasgutan para lang masira ako sa iba at lalong lalo na sa mga magulang ko. At dahil sa kanya kaya ang personalidad kong si Toni kawawa ay naging si Toni Baklita. Napapikit ako habang sinasariwa ang mga ginagawa nya sakin. Gustong gusto ko na maipon lahat ng galit ko sa kanya hanggang sa magkita kami ay ilalabas ko ng todo nang sagad at walang preno ang galit ko sa kanya. Pumunta ako sa drawer ko, At binuksan saka ko kinuha ang USB. Ito ang susi ko sa paghihiganti sa kanya. Ito ang susi sa pagbagsak ng isang Timmy Pinagpala. Napangiti na lang ako, Kailan ka kaya babalik kapatid. Sobrang miss na miss kita. Sa sobrang pagkamiss ko, nagipon ako ng mga kalat mo. Ang kalat na ikakasira ng reputasyon mo, Habang nagaayos ako ay nakita ko sa tablet ng cctv. Yes, may cctv sa bawat sulok dahil gusto kong pagmagtyagan ang kilos ni Gori. Anyways, si Gori nakita ko tablet na parang aligaga at kanina pa tumitingin sa cellphone, Ano kaya ang eksena ng gorilyang 'to? Kaya nagmadali akong magayos at bumababa na. Saka ako pumunta sa kinaroroonan ni Gori, sa kitchen. So para hindi nya ako marinig tinanggal ko ang ankle boots ko. At pasimpleng pinagmamasdan kung gaano sya kapangit. Napakunot naman ang noo ko dahil sa kagagahan na ginagawa nya. "He-hello? Naririnig mo na ako?!" "Buti naman... Nakuu! Napakasama na talaga ng ugali ni Toni. Hindi ko na sya kaya...Oo, simula nang dumating ako dito.. Grabe na ang pasakit na ginawa sakin ni Toni..... Nilalait na nya ako, sinasaktan na nya ako... Oo kanina nga lang. Pinagsasampal sampal nya ako..... " Narinig ko pang humihikbi ang gorilya. Mas lalo akong nacurios kaya mas lumapit pa ako. Pinagsasampal- sampal? Ha! Dapat pala tinotoo ko na. "Oo... Wala na talaga syang ikasasama.... Grabe sobrang nagbago na sya... Totoo yung sabi mo...... Oo, yung hinala mo pala..... Grabe may pagkasademonyo sya... Alam mo bang naospital ako dahil may isang vase na tumama sa ulo ko pakiramdam ko sya may gawa nun eh.. " Ha! The one and only. Sayang nga yung vase na yun, medyo mahal pa naman. Hindi nya deserve! "Oo... Buti naman nacontact na kita..... Alam ko yun na busy ka... Naiintinidhan ko... Pero gusto kong malaman mo na may parang pinaplano sya sayo pagbalik mo kaya magiingat ka...." Sinamaan ko sya ng tingin. Sino ba yung kausap nya? Hindi na ako nagantay pa at kinuha ko sa kanya ang telepono nya. Pinakitaan ko sya ng kamao para pagbabanta na pagkuha nya. Buti naman at umatras sya. "Naku yaya! As if naman na kayang kaya ako ng baklang yun. Wala namang palag yun sakin....kahit ano pang pagbabago nyang gawin sa sarili nya sya pa rin ang dati kong pinabagsak!" Halos kumawala ang puso ko dahil sa boses na yun. Lahat ng mga masasakit na salita, tingin at pangyayari ay bumalik sakin lahat nang sabay- sabay. Naglalabasan ang mga pawis ko, hindo dahil takot ako. Dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko. Gustong magwala ng nararamdaman kong galit at ilabas lahat... Pero, naisip ko. Masyado pang maaga. Hindi muna ngayon, "Talaga ba, Timothy?" Pasaring kong sabi sa kanya na kinabigla nya ng husto. "Ha? Who the f**k is this?... Toni? Toni ikaw ba yan? f**k youu!!! Nasaan si Yaya Wendy?!" Natawa naman ako sa asta. Kahit kelan talaga. Napakacheap at low class nya, "Come on, boses ko palang nangangatog ka na paano pa kaya sa personal. Si Wendy? Hindi mo ba nabalitaan?.... Kukunin na raw ng lamang lupa ah! Actually kasama ka raw." Narinig ko naman ang nakakairita nyang pagtawa. Yung tipong ang bait pakinggan pero sa tawag yun may tinatagong baho at amoy na amoy ko yun. "Nawala lang kami naging corny ka na... Ano bang natutunan mo dyan sa Pilipinas? Magbulakbol ha! For sure, nagdrudrugs ka na 'no?" This time ako naman ang natawa. Medyo advance din sya magisip para sa mga bobo, in fairness naman sa kanya. Walang character development! "Sorry lately kasi medyo off yung humor ko pero mas walang tatalo sa humor mo... You know Timmy, life is hard, it's harder if you're plain stupid." "Oh! Marunong na palang rumebat ang baklang kawawa noon na halos magmakaawa para lang hindi sya iwan." Humigpit ang paghawak ko sa phone, "Nagsalita ang hindi bakla.. Oops, did I say something bad? But why I feel it so good, Timothy." O, tameme ka ngayon. Hinding hindi ako sasabak sa laban na hindi ako prepared lalo na kung si Timmy ang usapan, ha! Tapos na yung era na kinakawawa ako at pinagtatawanan. That's over! Hindi na rin ako yung baklang magmamakaawa para lang may masasabi akong kasama. Hindi na ako yun. Matagal na, simula nung nagising ako sa katotohanan. You know, I've realised that being nice is too mainstream. "How dare you to talk me with such a disrespect! Such a shameful! Wala ka na pala talagang respeto, I doubt kung may respeto ka pa. I mean sa sarili mo wala nga, sa iba pa kaya?!" Napairap na lang ako sa ere, "Bagay talaga kayo ni Wendy, parehas na ngang pangit parehas pa ng linyahan. Bakit ba nanlilimos kayo sakin ng respeto? Ikakaganda nyo ba? Pwes kung oo, pasensya. Mamatay kayo sa kakalimos!" "Wala ka na talagang magandang masabi 'no? Bagay lang pala na iniwan ka naman dyan at pumunta kaming America, at nalayo sina mommy at daddy sa ugaling b***h na katulad mo.... You're such a trash, Toni and it's very dishonored and disgusting to be your sibling!" Natameme ako dun. Kahit kailan talaga alam nya ang kahinaan ko. Pero di ako magpapatinag. "Timmy, are you done with your insecurities? The feeling is mutual at alam yan ni Wendy. Right, Gori?" At lumapit naman ako sakanya nang dahan-dahan. "Timmy! Anak tulungan mo ko!!!" Sigaw na parang kinakatay ni Gori. Ha! Ganyan nga. Mangatog ka sa takot! "Toni! What the f**k are you doing?! Don't hurt my yaya! I'm gonna kill you! I swear, don't ever touch her! Or else.... "Or else, what? Uuwi ka ba?" Tanong ko sa kanya. Narinig ko naman ang tawa nya. Ang pangit talaga! Super, "See, you're a chicken! I thought you'd change for the better? But what I feel is you're still the crying gay in the bush three years ago.. Napatingin naman ako kay Wendy. Saan ko ba sya side sasampalin. Aha! "Hang on.. I'm still trying to decide whether I don't give a s**t or I don't give a fuck..." Ako habang kinuha ang isang basong tubig sa mesa. "Just die! And every happy!" Sabay tawa, pa nya sa, kabilang line. "Timmy.. Parang kailangan ni Wendy maligo. Tingin mo ba sapat na yung isang baso sa kapal ng kalyo nya sa katawan?" "What?! f**k youuu! Don't you dare to touch yaya wendy! I swear I'll kill you!!!!" Nilayo ko naman ang phone sa tenga ko and I press the loud speaker button. "Listen, Timmy kung paano ko paliguan ang pinakamamahal mong yaya." Pagkasabing ko nun ay biglang nataranta si Wendy. Balak pa sana nyang umalis kaya lang hinarangan ko na agad. At walang kaabog- abog ko syang binuhusan ng tubig. "Ahhh Timmy!! Anak!!!! Tulong!!!!" "Yaya Wendyyyyyy!! Argh! Toni you'll pay for this!! Screw youu!!!!" Rinig ko namang sabi nya sa kabilang linya. "So, kelan nga ulit ang uwi mo?" Pagiiba ko ng usapan na parang wala akong pinaliguan na gorilya. "Don't worry Toni. Uuwi din ako agad. And once na makauwi ako, ihanda mo na yang burol mo." Aba! Impressive, Afraid ah. "Timmy, ingat ka sa flight mo. Gusto ko wala kang kagalos-galos pagdating mo dito dahil it's my pleasure to do it. And about sa burol ko? Don't worry di ka makakaattend dahil nakalibing ka na!" "And as if I car--* "By the way, I miss you Timmy... But talking to you make sneeze, gosh! Ano ba yang perfume na gamit mo, peppermint? Oh. I forgot, ikaw pala yung paminta." At alam kong aarte pa sya kaya lang inunahan ko na. "How dare you-* "O, ganda ka?" And then I ended the call and threw the phone at nasira. Napatingin naman ako sa gorilyang parang basang sisiw. "Ay telepono koo!" Sigaw nya, "Wow, Wendy. Sa tagal ng pamamalagi mo rito, ngayon lang ako natuwa sayo. Good job sayo, may dulot ka pala!" Habang pumapalakpk sa kanya habang sya ay pinupulot ang phone nya. "Ang sama mo talaga!" Sya habang nakatingin sakin na masama, "Alam na alam ko." At sinuot ko na ang ankle boots ko, pinakita ko pa kung gaano kaflawless ang legs ko. Mas maputi pa ata ang legs ko kesa sa budhi nya. Pero bago ako umalis. Nilingon ko muna sya, "Pasabi sa alaga mong santi- santita. Welcome na welcome sya sa bahay KO!" At umalis ako habang tumatawa. Nababaliw? Nope, maganda lang. I parked my mini Cooper then I checked my phone kung nasan na si David and he texted me na he's on the way. Before I leave, I glance myself in the rear view mirror. Hindi ko mapigilang mapangiti. Bukod sa taglay kong ganda. Napapangiti pa ako kung anong mga eksena ang pwede kong gawin kay Timmy. Hindi ko talaga matago ang excitement ko, At hindi ko na mabilang ang naglalaro sa isipan ko kung paano ko sya paglalaruan. Humigpit ang paghawak ko manibela. Ginawa nyang impyerno ang buhay ko. Sa tatlong taon namuhay ako sa galit. Actually, nagrerecord pa ako ng sarili ko kung paano ako kamisirable noon para hindi ko malimutan kung bakit ako galit at para manatili yun. "Let's see... Timmy kung hanggang saan yang pagpapanggap mong lalaki ka." At tuluyan na nga akong lumabas. Aba! Sayang naman ang ganda ko kung nasa car lang ako. Rinig na rinig sa labas ang sounds mula sa loob ng bar, playing Fancy by Twice. Aba! Mukhang yayaman na naman ang baklang Robbie, sabagay it's Friday. Kaya maraming mga lapastangan ang pupunta. Habang naglalakad ako papasok sa entrance. Kitang kita ko kung paano sumunod ang mga ulo ng tao sakin. In fairness naman, noon mata lang ngayon pati ulo sumusunod na para lang sakin. How to be me?! Nang nasa tapat na ako ng entrance ay tinaasan ko lang ng kilay yung bouncer at bigla naman syang tumabi. Papasok na sana ako nang, "Excuse meee?! Kakararating lang nya ah! And kanina pa kami dito, ano yan nagmamaganda lang?!" Sigaw ng isang babae sa likod ko, "Bakit, dadaan ka? Go! Kung kaya mo." Pangangasar ko pa sa kanya. Hindi ko na sana sya papansinin talaga dahil bukod sa sayang sa oras ko, masyado akong maganda para bigyan sya ng atensyon. "Hoy! Bastos ka." Sya habang hawak hawak ng madumi nyang kamay ang makinis at petite kong braso "Kapal mo rin, sino ka bang mayabang ka ah! Makapagsalita ka kala mo kung sino kang feeling na maganda ka!" Napatingin naman ako sa kamay nya. Buti naman at nadama nyang masyadong marumi ang kamay para hawakan ako. "Bakit parang taeng tae ka? Matanong nga. Kaya mo pa bang gumiling?" Nakarinig ako ng tawanan. Sorry medyo off talaga humor ko lately, ewan ko ba. Aarte pa sana sya kaya lang. "You know manang. It's not just feeling maganda. Maganda talaga ako. And that's my name and my middle name is pretty. And one more thing, a drop dead gorgeous like me, waiting ain't in my vocabulary. Get lost, check mo muna kung kaya mo pang gumiling!" Ako Sasabat pa sana kaya lang. "O, ganda ka?" Ningudngod ko ang VIP pass ko mukha at naglakad papasok. Napairap namam ako sa ere. Bakit ang daming mga tampalasan dito. Ayokong maraming tao kaya as much as possible. Weekdays kami pumunta sa bar na to. Dahil nga ayaw namin ng ganitong kacrowded. Mahawa pa ako ng kapangitan nila! Lugi ako. Sabi ni David malapit lapit na raw sya kaya lang naipit daw sya sa traffic jam. Kaya naghintay muna ako sa gilid ng counter, medyo walang tao kasi malayo sa dancing floor. Habang nagcecellphone ako may naramadaman akong group of people sa likod ko. At sobrang ingay nila. Wala naman talaga akong paki kaya lang.. "Toni?!" Napatingin ako sa likod. Si Ferdie, and mayroon syang kasamang dalawang lalaki. Inirapan ko lang sya and back to my business. Hindi kami close para makipagngitian ako sa kanya. Oo, bestfriend ko dati before he dumped me for Timmy. Ha! Magsama silang mga basura. "Hey! You're alone?" Masayang tanong nya sakin. Naramdaman ko namang lumapit yung dalawang kasama nya. Naiimbyerna akong tumingin sa kanilang tatlo. Anong ginagawa nila sa tabi ko? "Bulag ka ba o hindi ka lang marunong magbilang?" Pagtataray ko sa kanya medyo naramdaman naman nilang wala akong balak na makasama kaya bumalik sila sa pwesto nila dati. Aba! Dapat lang. Bakit ba kasi antagal ng bwiset na David na yun?! Ako pa talaga ang pinagintay nya ah. Lagot sakin yun mamaya. Ako na manlilibre ako pa paghihintayin. Ang ganda lang! So habang tinetext ko si David ay bigla akong nakaramdam ng masamang hangin. "Putragis naman Jackson. Bakit kasama mo yang bakla mo?" Parang may masamang mangyayari. Feeling ko lang. Ang hangin masaydo. "Zer, wag ganyan. Syota ko 'to eh." Nakarinig naman ako ng tao sa likod. Pakiramdam ko kilala ko yung tawa na yun. Yung mayabang na tawang yun. Pero as usual. Dedma lang naman ako. "Jackson, para ka namang gago. Hindi ganyang ang kilala kong jackson. Yung kilala mo ko mahilig sa tahong hindi sa talong." "Huy! Rozer, grabe ka. Sumusobra ka na." Boses yun ni Ferdie. "Ay sorry. Naoffend kita.... pre." Hindi ko mapigilang matawa. Sorry, I'm just a human. Bawal matawa?? Buti na lang nakatalikod ako. "Ansama mo talaga, kaya no wonder. Nakahanap ka ng match..." "Ha? Dami kong tawa ah. Mga three! Ako may katapat, sino naman yan?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Teka nga! Wag nyong sabihin. "Si Toni!" Sigaw pa nya. Halatang pinaparinig nya sakin. Mukhang may binabalak ang baklang Ferdie. Natanga ako sa narinig ko. Bakit ako?! "Sinong Toni?!" "Yung baklang nakasagutan mo rito." Si Ferdie, "Ha! Mas dumami ang tawa ko.. Mga ten na! Naaalala ko na. Toni pala pangalan nun. Yung feeling maganda kung makapagtaray. Tss, buntusin ko yun eh." Aba! Ambastos. Ew! "Diba? Edi nakahanap ka rin ng katapat mo. Pero parang bagay kayo. Realtalk lang, para kayong fire and water. Ang cuteeee!" Ano bang pinagsasabi nitong si Ferdinand. Alam naman nyang nandito ako diba?! "Psh, hindi ako pumapatol sa bakla. Hinding hindi ako baliw tulad mo Jackson... Hindi pa nababaliw." Ang kapal talaga ng hambog na ito. Akala mo kagwapuhan. Bwiset! Nabubwiset na naman ako dahil sa kupal na 'to! "Pare naman. Nagmahal lang!" So kapag nagmahal kasama ba dun ang maging corny? "Corny!!!" Nanlaki ang mata ko dahil sabay kami. Pero bulong nga lang ng akin. "Aminin mo. Nagandahan ka sa kanya!" Bwiset na Ferdie to. Sasampalin ko na ito. Ha! Ayusin mo lang ang sagot mong hambog ka. "Maganda ba yun. Ang taray taray. Kala mo kulang sa dilig. Diligan ko yun eh!" Bastos talaga. Aalis na sana ako para paslangin sya kaya lang.. "Toni?" Bigla akong nanigas sa kinauupan ko. Ang tagal kong hindi naririnig yung boses na yun. Ang tagal ko rin sya na hindi naririnig simula nang iwan nya ako at pagmukhaing parang tanga at walang kwenta nung nakaraang tatlong taon. At nang mas naniwaal sys kay Timmy kesa sakin na partner nya. Hindi ko naisip. Magkikita at magkikita ko sya dito sa bar na 'to pero hindi sa ganitong eksena. Wrong timing! Ang huling balita ko. Sumama sya kay Timmy. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumingon sa kanya. "Ernest?" Ginaya ko ano yung energy nya sa pagbati sakin. "Kumusta ka n--* "Buhay ka pa pala?" Pangaasar ko sa kanya. Natigilan naman sya pati ang mga taong nasa likod namin. Nawala ang tawanan nila. "You look.." "Beautiful, I know." Ningitian ko lang sya. Maglaway ka ngayon Ernest! "Yeah, kumusta ka na? I've been here for couple weeks ago. Ang laki ng pinagbago mo ah. Ganda mo." Tinignan ko naman sya ulo hanggang paa. "Dati pa naman akong maganda, mas gumanda lang talaga. Ako? Kumusta? Okay naman. Nakakahinga simula ng iwan mo ko." Double meaning kong sabi sa kanya. Naramdaman ko naman yung ilang sa kanya. Aba! Dapat lang na mailang ka. Ako ang partner mo pero mas naniwala ka pa kay Timmy. "Toni... that's past, we can laugh about it na lang." Natawa ako. Sobra! Saan nya kaya kinukuha ang confidence nya. "Pwes, pinatawa mo ko. Hindi ka lang pala cheater, clown ka na rin. Improvement ah!" Hindi ko mapigilang mabanas at humigpit ang pagkakahawak sa shot glass. Ang kapal- kapal ng mukha ng walang hiya na 'to! Sarap bangasan. "Toni.. I didn't cheat you." Ohh. So he's burning up. Great! Edi mas lalo ko syang gustong asarin ngayon. Ha! "Ay hindi ba? Ano yung nalaman kong jowa mo na raw ang kapatid ko? Sa truue ba ang chismis, Ernest?" Revelation ko sa kanya na kinagulat naman nya. Hindi ako tanga at mas lalong hindi ako bulag na gustong gusto ni Timmy ang ex kong 'to na si Ernest. "Pa-paano mo nalaman?" Gulat na gulat yan? Nakakatawa. Sobrang pathetic naman ng isang to. "Kapag maganda, marami talagang alam." Ako sabay tapik sa likod nya. Aalis na sana ako kaya lang nakita yung hambog na lalaking nakatingin sakin. Tss, gandang ganda na naman sakin. May bright idea akong naisip! Galit ka pala sa mga bakla ah. Let's see kung makakawala ka sa ganda ko. Lumapit ako sa kanya na kinanuot ng noo nya pero nung umakbay ako sa braso nya halos malaglag na panga nya. See, hindi sya makapalag sa gandang taglay ko. At halos ganun din ang nangyari sa mga kasama nya. Especially si Ferdie. Bilang pagpapalubag loob. Nginitian ko na lang sila. This time si Ernest naman ang lumapit sa pwesto ko na parang hindi makapaniwala sa nakikita nya. Aba! Medyo bastos 'to ah. Nakakapagtaka ba na ang isang magandang tulad ko ay may jowa. Sapatusin ko ito eh! "Toni? Mukhang nakamove on ka na talaga ah." Pilit na sabi nya samin. Tumingin naman ako sa lalaking kupal at binigyan ko sya ng pinakamatamis kong ngiti. At sumandal sa braso nya. "Matagal na, Ernest. Sobrang tagal na. Actually hindi ko na nga maalalang naging jowa kita. And thanks to him." Ako sabay sandal sa braso nya. "Ikaw ba? Nakamove on ka na?" May laman kong sabi sa kanya. Nakita ko naman ang isang pilit. "Yup. And I'm happy for you!" Liar! "Pre.. Actually it's a misunderstandin-* Hindi ko na pinatapos at sinubuan ko ng chips ang bibig nya. "Hmm, sige kain ka lang babe... Masyado kang hyper!" At tinignan ko naman sya at expected ko na masama ang tingin nya habang punong puno ang bibig nya. Umiling naman si Ernest saka tinapik yung kupal na lalaki saka sabi nang... "Alagaan mo si Toni pre, tulad ng hindi ko nagawa." At tuluyan na nga syang umalis. Napagilid ako ng tingin. Biglang nagbago ang timpla ng awra ko. Bwiset! Alam kong wala na syang epekto sakin. Bigla namang lumapit sakin si Ferdie. "Diba sya si Ernest? Yung ex mo dati na sumama kay Timmy at iniwan ka dahil sa isang--* mmmhhppp Isa pa itong madaldal na 'to! At dahi ex bff ko sya alam nya ang nangyari. Actually hindi nya alam na partners ko si Ernest nun. Tago kasi ang relationship namin kumalat lang nung nakipagbreak sya sakin sa garden ng school. "Ang daldal mo masyado." Naiirita kong sabi sa kanya. "Sabi na. Patay na patay ka sakin... Miss I'm not interested." Bigla naman akong natauhan at bigla kong kinuha ang kamay kong nakaangkla sa braso nya. Tinignan ko naman sya ng masama at nagtaas baba naman syq ng kilay. "Oo, sa sobrang patay na patay ko sayo. Gusto kitang paslangin." Ako at aalis na ako. Need kong maligo agad. Baka may germs pang kumapit sakin. Aarte pa sana kaya lang nagmadali akong umalis. Baka kung ano pang gawin sakin. "Hoy! Miss I'm not interested. May utang ka sakin." Binigyan ko lang sya ng dirty finger! Ha. Utang nya mukha nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD