ATTITUDE 6

3442 Words
Argghhh!" Buntong hininga ko with stress dahil sa sobrang busy ko. Lalo na't last sem ko na for this school year. And thanks to it. Halos nawala sa sistema ko ang mayabang na lalaki na yun dahil sa sobrang busy ko. Pero naaalala ko tuloy yung mga plastikada kong kaibigan. Nung time na nabarda sila sakin dahil thesis days nun at samantala ako nagpapakasarap sa Paris. Tulad nga ng sinabi ko, I'm not regretting it. I have reasons, And that's because ayokong maiinggit sa kaibigan ko. Ayokong makita na andun ang family nila at samantalang ako nagiisang bumababa ng stage at walang bumati sakin. Ayokong maramdaman yung nagiisa lang ako. At ayokong makita na masaya sila habang yakap yakap ng kanilang family at makikita mo kung gaano sila kasaya dahil nakagraduate na ang mga anak nila. Ayokong maiinggit sa kaibigan ko. Dahil panigurado ako, yun ang mararamdaman ko kung tinapos ko ang semester last year. At ayokong ipaalam yun sa kanila. Not doesn't mean na hindi ko sila pinagkakatiwalaan. I'm just want them to have life and don't bother about me and don't feel pity about me. I just don't like it. Dahil kilala ko sila. Aaalahanin nila ako imbes na maging masaya for their graduation. Ayokong madamay sila kung gaano kamisirable ang buhay ko. A knocked caused me back to reality. "Uhm.. President?" Nakita ko naman si David na nakasilip sa pintuan, so sinenyasan ko syang pumasok. Habang naglalakad si David papunta sakin. Hindi ko mapigilan kung hindi ko sya nakita sa rooftop three years ago. Magiging ganito pa rin kaya sya? Bago ko sya maging secretary. Nakita ko syang tatalon sa isang tulay. Ang cheap nga! Ang drama! Letse, Habang nagdadrama ako dahil iniwan ako ng magaling kung magulang ay gusto ko na lang talaga mamatay pero nakita ko sya kung gaano sya kapangit umiyak kaya nagback out ako. Sapawera! Hindi ko naman talaga sya balak tulungan 'no. Paki ko ba sa kanya kung magpakatay sya. Ang akin lang. Ang ingay ingay nya umiyak! Nairita ako! Kaya binulyawan ko and the rest is history ika nga.. Nung nagapply sya bilang secretary ko. Hindi ko talaga nakilala kung hindi lang nya sinabi sakin. And I don't know. May urge ako na tanggapin sya kahit wala pa syang experience. And hindi ko naman pinagsisihan yun. Halos sa dalawang taon na secretary ko sya. Never nya akong binigo. And actually I considered him as friend. Yung tipong friend mo na, taga rescue tuwing kailangan mo ng tulong. Sya yung tipong ganun. And I'm so thankful kahit na sobrang maldita ako, nandyan pa rin sya. "O? Anong meron?" Bagot na bagot kong sabi. "Nagustuhan daw ng mga investor yung reports na ginagawa mo President kaya pumapayag na sila sa deal.." Ang kaninang bagot na bagot at walang energy kong kaluluwa ay bilang nagdiwang. Mygad! Yayaman na naman ako! "For reaaal David?!" At di ko na nga napigilan at nagyakapan kaming dalawa. With no malisya! Medyo nashock naman sya actions ko kaya inalis ko agad. Edi don't! "Ye-yes, President... sobrang natuwa sila sa school and the way how you managing this school by your own. Sobrang gusto nila ang method mo!" Aba, dapat lang! Napangiti na lang ako ng nakakaloka! Mygad! Sobrang saya. Sino ba naman ako para hindi matutuwa kung malaking pera ang papasok sa school KO. Minsan lang ako ngumiti, it's either ikakayaman ko or ikakabwiset ko. Pero nawala yung ngiti sa labi ko, "Pero kailan ko raw sila imemeet?" Tanong ko sakanya. Na kinagulat nya. May nakakagulat ba sa tanong ko? "Uhmm.. Hindi raw po sure, kung kelan. Ang sabi lang daw, just wait until the right time." Naguluhan ako ng slight. May ganun pang eksena?! Right timing pa. Kaloka! Kung ayaw nila masilayan ang kagandahan ko. Okay lang, basta ipasok nila ang pera sa school KO. Ayun ang mas importante sakin. Omygad! I'm so proud of my-- teka. Hindi naman pala ako, umasikaso nun talaga. Kasi sobrang busy ko sa thesis. Ang tanging ambag ko lang ay bukod sa ganda ay pirma lang. Ang gumawa talaga nang lahat ay si David.. Tinignan ko lang sya habang nagaayos ng mga files ko sa mesa. Hindi ko mapigilang mapailing. Kaya lumapit ako sa kanya at tinapik sya. "Uy, salamat ah!" Nagulat naman sya sa sinabi ko. Teka, may nakakagulat ba dun? Ganun ba ako kaganda?! Tinigil naman nya ang ginagawa nya at humarap sakin habang kamot ulong nagsasalita. "Po?" Ngumit muna ako sa kanya. "Sabi ko, salamat sa mga efforts mo lalo na sa deal na ito. Tignan mo dahil sayo, napapayag mo yung mga investor, utang ko sayo ang lahat..Good job!" Halos malaglag ang salamin nya dahil sa ganda ko at syempre sa mga sinabi ko. "Naku president, wala yun hehe. Ako nga dapat magpasalamat sayo pres, kasi nagtitiwala ka sakin kahit minsan, sakit ako sa ulo...tapos kahit wala akong experience bilang secretary. Pinagtyagaan mo ko ng maraming taon, hehe saka nag kawork ako dahil sayo president." Ewan ko pero parang nanlambot ang puso ko. Hello, kahit Maldita ako. May puso ako, saging nga meron. Magandang tulad ko pa kaya?! "Hoy hindi totoo yan. Never mong pinasakit ang bangs ko... pinainit, kinda. Pero, never kang naging dilemma ko.. Kaya huwag kang umarte dyan." Maldita nga ako, oo. Pero marunong akong makaappreciate ng mga tao. Especially kung malaki ang ambag sa buhay ko. "Talaga? President? Happy naman akong marinig yan." Sya habang may papikit pikit pa. Parang bata! Anubayan. Tinapik ko naman sya para magising sa pagdaday dream nya. "Punta tayong bar. Libre ko!" Aarte pa sana sya kaya lang. Inunahan ko na. "O, ganda ka?" - Busina ako nang busina pero walang nagbubukas ng gate. Anubayan! Ang ganda ganda ng mood ko tapos sisirain lang mga tatanga- tangang tagasilbi ko. Halos dalawang minuto na ako busina nang busina. My time is precious! Hindi bagay sakin ang maghintay! Bumukas naman ang gate. Ugh! Thank God! Pagkababa na pagkababa ko ay nakita kong nakahilera ang mga katulong ko. Sinamaan ko naman sila ng tingin kaya mas lalo silang yumuko, "Tss," Napansin ko naman yung isang katulong ko na nagrorosaryo habang nagdarasal. Wow ha! Ganun ba ako nakakatakot? Ang ganda ko para sa halimaw level. Ang arte nito ah! Hindi naman ako nanlalapa ng buhay....nanghahampas lang ng Birkin bag minsan Gucci bag or it depends sa bag ko. Tinapik ko nga, "Hoy!" "Ahuhuhu! Panginoon ko..." Napaismid na naman ako. Ewan ko pero natutuwa ako sa asta nya. At ewan ko rin bakit hindi ako naooffend sa kilos nya. "Umayos ka nga! Baka gusto mong mapaaga ang pagkikita nyo ni San Pedro." Natigilan sya at namamanghang napatingin sakin. "Talaga po? Paano po?" Binigyan ko sya ng matamis na ngiti. "Papaslangin lang naman kita." Ako. Kaya balik ulit sya sa pagrorosaryo nya. "Teka nga. Kaya ba kayo nahuli sa pagbukas ng gate ko dahil nagrosaryo pa kayo?!" Hysterical kong sigaw. Huwag lang sila umoo, masasampal ko talaga sila ng bag. Pero Chanel bag this time. "Hindi po! Kakabili ko lang po nito eh sa kanto eh kaninang umaga... May discount nga po eh...saka cute ng design. Pink po!" Natatuwa at pinagmamalaki pa nyang sabi habang pinapakita sakin. At talagang binalandra sa pagmumukha ko. "So, tingin mo may pakialam ako?!" Umiling naman sya saka sabay sabing, "Hindi po, hehe..." "Eh, ano nga?" Naiinip kong tanong. "Yung mayordoma po kasi..." Parang hindi ko gusto 'to ah. Anong kinalaman ng lamang lupa na yun? "O, anong meron sa gorilya na yun?!" Bigla naman syang naging masigla ang mukha nya saka sya nagkwento. "Ano po. Si madam Wendy po inutusan po kaming magmassage po sakanya at ipagluto daw po sya ng paborito nyang letsong kawali at adobo.. Nasa second floor nga po sya ngayon habang nakajacuzi po! At hindi lang po yun. May pipipino pa po sa mukha at may facial cream pa po-- "ANO?!" Ang kapal talaga ng mukha ng gorilya na yan. Kakabalik lang galing ospital gusto pa atang bumalik nang hindi na humihinga. Napahigpit naman ang hawak ko sa Chanel bag ko. Ang kapal na talaga ng libag! Lakas magfeeling may-ari at talagang tawag pa sa kanya madam, mas kinabog pa ako. Minsan talaga hindi na umuubra ang panghilod sa sobrang kapal ng kalyo sa balat. Hindi na tinatablan ng hiya. Lalo na kung nabihisan mo ang gorilyang tulad nya. Umaastang tagapagmana! Ang totoo naman ay mukha syang naaagnas na. "Nasaan nga ulit ang gorilya?" "Nasa second floor po sir." Ngumiti naman ako nang nakakaloko saka tumingin ako sa kaharap ko. "Pangalan mo?" Naglinis pa sya ng lalamunan nya bago sya nagsalita. Anong drama yun? "Ako po?" Nagtataka pa talaga sya. "Hindi... Yung pader!" "Ay sorry na po.. Ako po si Joanne.. Alam nyo ba kakapasok ko pa lang po pero tinayaran na nya po ako. Alam nyo po ba halos lahat kami banas na banas sa kanya sirr-- Sir, bakit nyo po ko insprayan? Huhuhu pero ambango po, Hehehe." Aba! Syempre mouth wash yun. Wag syang aarte arte dyan. Pasalamat sya nahugasan ang matekla nyang bunganga. "Sinabi ko bang magkwento ka? Hindi bagay sayo ang Joanne. Masyadong maganda. Tekla." "Ha? Ano pong tekla!" Naguguluhan nyang sabi. "Simula ngayon. Ikaw na si Tekla!" Aarte pa sana sya kaya lang. "O, ganda ka?" At tuluyan na nga akong pumasok sa loob. - So true nga ang chika ni tekla. Nasa jacuzzi ang gorilya. At prenteng prenta pa sa paggamit habang may mga chuchu sa mukha at talagang hindi pa sya nakuntento. Ginamit pa nya ang towel na para lang sa may-ari. Well, kung ako lang din sa kalagayan ni Gori, ganyan din gagawin ko. After ng mga effort na ginawa nya para lang masiraan ko. Hindi ko masisisi. Lulunurin ko lang! "Hoy Joanne ikaw na ba yan!? Subuan mo nga ako!!!" Napataas naman ang kilay ko. Aba! Hindi lang makapal ang mukha, palautos pa. Well, let's see. Tulad ng sabi nya. Subuan ko raw sya. Okay, fine. Edi, subuan. Umupo ako in a classy way at kinuha ang spoon at sumandok. Pero hindi ng letsong kawali. Letson pa rin naman. Pero lestong daga. Well, maraming daga sa garden kaya pinahuli ko sa guard. Buti nga hindi dagang costa ang pinakain ko sa kanya. Minsan lang ako magluto kaya special yan. Hmm. Yum! Yum! Yum! Tinapat ko naman sa bunganga nya kaya lang nakasara. Kaya tinoktok ko para malaman nyang sinusubuan ko sya ng special meal ko. "Anoba--* Hindi ko na tinapos ang sasabihin nya at pinasok ang spoon sa bibig nya. "Mmm- sarap ah!" Masarap talaga yan. Ako nagluto nyan eh. Sinubuan ko pa sya hanggang nakalima na sya. Nangangawit na ako! "Hoy! Hinaan mo nga ang power ng jacuzzi." Napipikon na akong nakatingin sa kanya. Imbes na pumunta ako sa power. Pumunta akong shower faucet at pinundot ang hot at nilagay sa maximum. At tinapat ko sa makapal nyang mukha! Nagsisigaw sigaw naman sya dahil sa init. "Araykup araykupuuu! Arghhhh, ang init! Ang ineeeeet!" At tuluyan na nga syang tumayo sa Jacuzzi ko. Habang nakaone piece. Wow! Hindi sa pangbobody shame pero...nakakadiri ah. Nagulat naman sya ng masilayan ang kagandahan ko. Which is forgivable! "Ikaw?! Bakit mo yun ginawa na bata ka, ah?! Demunyo ka talagaa!" Putok litid nyang sinabi. Which is more na nakakatawa! Imagine may mga pipino pa sya mukha at nakaone piece bikini. Ang pangit diba? Whatta nightmare! Natawa naman ako. Hindi lang sa mga sinasabi nya, pati na rin itsura nyang parang tanga. "At bakit hindi Gori? Masyado nang makapal ang kalyo mo sa mukha kaya mabuti pang remedyuhan na yan. Hindi ka ba natatakot?" "Bakit ako matatakot, huh?" Taas noo pa nyang sabi. Kagandahan, para magtaas ng noo? "Na yang paa mo nagsasalita at hindi na naglalakad. Partida nagfafacial pa? Aalgang alaga mo naman ata yang paa mo." Pangaasar ko sa kanya. At talagang kinapa pa nya ang mukha nya. Nang marealize nya ang sinabi ko saka lang sya nagreact. At dinuro naman nya ako. "Sumusobra ka nang bata ka! Isa kang suwail na anak! Ikaw magbabayad ka talagang bakla ka!" Napahalukipkip naman ako sa drama nya. Saka tinapik ang kamay nya. "Ako magbabayad? Magkano para naman maging tao ka." Napanganga naman sya sa sinabi ko at halatang pikon na pikon na sya. Well, hindi pa ako nagsisimula kaya wag syang mapipikon agad. Hindi pa ako nagsasaya hindi pwede yun. "Ha! Ako tao na matagal ka. Sa atin dito ang totoong hindi tao ay ikaw! Ikaw na demonyo ka. Baklang salot ka! Imoral ka kaya nga hindi na ako magtataka kung bakit ka iniwan dito!Masama kasi yang ugali mo--* "Alam mo nakakabobo ka. Alam kong masama ugali ko at hinding hindi ko nakakalimutang pairalin yun sa mga tulad mo, Wendy. Tandaan mo, hindi pa ako nagsisimula mula sa pagsingil sayo. Mahal ako sumingil." Kalmado kong sabi sa kanya pero sa totoo lang. Gustong gusto ko na sya bigyan ng magasawang sampal dahil napakabaho ng mga sinasabi nya. Simula nung dumating sya three months ago after ng dalawang taong pagstay na kasama ako. Oo, naiwan ako sa puder ng hudas na ito. Yung akala ko mabait, yun pala. Sugo rin ng kadiliman. Paano ko nasabi? Matagal na kasi namin syang katulong actually dalawa pero simula nung insidenteng yun ay nagdecide silang iwan ako pero itong si Gori ay nagpaiwan. Nung una ansaya ko pa eh! Kasi kahit paano may kasama ako. Yun pala may hidden agenda ang gorilya. Na mas ilugmok ako sa dusa! May isa pa syang kasabwat bago nya rin siraan at palayasin. Diba? Hobby na nya ang manira ng tao. Well, tulad nga ng sabi ko. Ang inosenteng tulad ko three years ago ay sinet up nya. Yung kahit aksidente papamukhain nyang kasalanan ko. Meron syang kinuhaan na pictures tulad ng mga pagbasag ng pinggan pero sa pictures mukha akong nagdadabog pero ang totoo ay aksidente yun pero pakiramdam ko. Sinadya na yun na masagi at malaglag. Meron pa! Sa isang picture nakataas ng kamay ko akmang sasamapalin ko sya. Pero ang totoo yun ay may pinaabot sya sakin sa taas ng drawer. At ang pinakamamanghang ginawa nya sakin ay pinanamumukha nyang nagbebenta ako ng gamit pero ang totoo ay pinapaayos ko yun dahil ang sabi nya sira daw... At kanino ko nga nakita yung mga pictures, Wala ng iba. Kundi sa magaling kong ama. Akala ko nung tumawag sya ay nagpapaliwanag sya at hihingi ng tawad sakin sa mga sinabi nya pero hindi... "I'm really disappointed to you Toni. Sana hindi na lang kita naging anak..." Halos malaglag ko ang telepono sa narinig nya. Parang huminto sa oras nang narinig ko yun at tila bang binuhusan ako ng malamig na tubig sa mukha. At simula nun ay hindi ko na nakita si Wendy. Nalaman kong umalis na pala sya. Sumunod sa alaga nyang masama rin ang ugali at sugo ng kadiliman. Ha! That b***h! Kaya halos dalawa't kalahati rin ang nagiisa sa loob ng bahay. Saka lang ako naghire ng mga katulong nang gumanda na ang kita ko sa school KO. At alam nyo ba! Makalipas ng dalawang taon nyang pag-alis ay dumating sya sa mansion KO na parang walang nangyari. Pwes, nagkakamali sya. Hindi hindi na nya makikita si Toni Kawawa. Dahil pinatay ko na sya. Ang makikita lang naman nya ay, Si Toni Baklita. Tumawa naman sya. Na kinanuot ng noo ko, anong nakakatawa bukod sa mukha nyang paa? "Kaya nga iniwan ka diba? Kasi masama yang ugali mo. Kaya nga iniwan ka kasi hindi ka kamahal mahal kasi nga suwail ka. Alam mo nagtataka ako, sila Don Christopher may anak na tulad mo? Siguro ampon ka. Kaya nga ibang iba kayo ni Timmy!" This time ako naman ang natawa. Natawa sa galit! Dahil sa loob ng tatlong taon ay narinig ko muli ang pangalang gustong gusto kong sirain, yung gustong gusto kong patayin nang paulit- ulit non stop at yung gusto kong magbayad ng mahal sakin. Wala nang iba, Kundi ang kapatid kong si Timmy. "Sino ka nga ulit?" Napangiti naman sya sa sinabi ko. Yung ngiting mapipikon ka talaga at hindi ko yun gustong gumuhit sa makapal nyang mukha. "Ako? Ako lang naman ang guardian mo dahil iniwan ka at pinili nilang makalayas sayo kasama ng paborito nilang anak na si Timmy.. Bakit kaya- *SLAP "Bakit? Bakit ang kapal ng mukha mo? Aray ah! In fairness, hindi pala joke yung sinasabi ko. Sa true pala? Makapal pala talaga yang mukha mo? Amazing!" Natatawa kong sabi kasi totoong nasaktan ako. Medyo napalakas ata. At makikita mo ang gulat sa mukha nya. Aba! Dampian ka ba naman ng palad ng isang magandang tulad ko. Pero alam ko ang dahilan. Isa lang naman eh. Dahil sa unang pagkakataon ay nakatikim sya ng sampal mula sakin. And that's what you called, deserved! "Ka-kailan ka pa natutong manampal?!" Nakakatawa talaga ang mga tao 'no? Minsan nagugulat tayo sa mga taong nagagawa ang dating hindi naman nila nagagawa. Tulad na nga lang nitong si Wendy, sobrang shock sya kasi ako na dating iniwan nya ay kaya na syang bigyan ng sampal. Hindi kaya sya naiinform na pwedeng magbago ang isang tao lalo na kung grabe na ang mga pasakit nya sa buhay. Let me remind y'all. I'm not a natural maldita, it's a man made. "About a minute ago? Gori naman alam mo ba yung kasabihan na..Pangit na, bobo pa. Ano ba naman Gori! Tatlong buwan palang tayo magkasama pinapakita mo sakin kung gaano ka kaboba!" Naningkit naman syang tumingin sakin. Halatang piko na pikon na sya. Aba! Aba! Maruno palang makadama ang mga balat kalabaw na tulad nya? "Ha! Alam mo sa pinagsasabi mo. Napatunayan ko lang na mas mabuti at mas kamahal maha talaga si Timmy kesa sayo. Yung alaga ko, mabait na may galang pa. Ikaw kahit katiting na respeto, walang wala sayo. Ganyan ba ang totoong ugali mo. Kaya pala, galit na galit sayo ang kapatid mo kasi kawawa kawawa kunwari para mapansin pero ang totoo sabik ka lang sa atensyon--* crack Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng binato ko sa pader ang basong nandito. Sayang! Hindi tumama sa mukha nya. Nagmintis! "Tapos ka na?" Tanong ko sa kanya habang nakanganga pa syang nakatingin sakin. Lumapit naman ako sa kanya at sinira ang mabahong bunganga nya. "Alam mo para kang sirang plaka, paulit-ulit. Nakailang ulit ka na masama ang ugali ko at hindi ako kamahal-mahal? Hmm mga ten times? Alam mo Gori. Sa tatlong buwan na pagiistay mo rito. Hindi mo pa ako nakikitang magalit. Oo, hindi pa ako galit nung mga panahon na yun.... pero ngayon. " Ako sabay tulak sa kanya dahilan para mapaatras sya. "Sinasagad mo ko! Ano bang pinakain sayo ng kapatid mong baliw at kulang na lang sambahin sya. Aminin mo nga? Pinagnanasaan mo ba sya?" Ganun pa rin. Tinutulak ko sya. Habang napapasigaw sya "Saka ano nga ulit? Sayo. Magpapakita ako ng respeto? Pero bakit? Ha? Bakit ang kapal ng mukha mo para manghingi pa ng respeto sa taong ginago mo. Yung totoo? Yung totoo yung nasa mukha mo kalyo lang ba talaga yan o semento na? Ang tigas na kasi eh." At hanggang sa sumandal na sya pader sa kakatulak ko. "Wendilyn... utang na loob. Wag mo kong makompara sa alaga mo. Alam mo bakit? May tatlong dahilan. Makinig ka ah!" Ako at tinuktukan ko namam ang noo nya "A-aray ku!" Daing nya pero dedma. "Una... Dahil maganda ako, pangalawa" Ganun pa rin ang ginagawa ko sa noo nya. "Pangalawa.. Hindi ako impostora lalo na't masyado akong maganda para makipagplastikan sa mga tulad mong binabalian ng sungay at leeg." "At pangato!" Hindi ko na tinutukan sa noo. Sinampal ko na naman ULIT! "Hindi kawalan si Timmy o mga magulang ko sakin kaya pwede ba... Don't use it against me? Nakakaumay tulad ng mukha mo. Alam mo bakit kaya hindi na lang kita paslangin. Para naman magsama sama kayo sa langit-langitan nyong kayo lang may alam!" Bulyaw ko mukha nya at halos lumanin na sya mukha sa sobrang takot. Huminga muna ako nang malalim. Saka inayos ang buhok nyang naglalangis. "By the way, sana magustuhan mo yung dagang pinakain ko.. I cooked it for you." Nang pagkasabi ko nun ay agad syang tumakbo sa jacuzzi at tinignan ang plato at halos masuka-suka sya sa nakita nya. "Ang sama mo!" Natatawa naman ako sa reaksyon nya hindi nya alam ang gagawin nya. "Matagal na, tanga!" Saka ko sya nilayasan habang tawang tawa ako sa mga pangyayari. Hmm! Anong paki ko kung iniwan ako ng magulang ko magisa at mas pinili nila ang impostorang si Timmy. Edi, magsama sila lahat! Matagal na akong magisa. Dahil sinanay ko ang sarili ko at yun dapat, sarili ko lang ang kakampi ko. Wala nang iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD