ATTITUDE 5

2182 Words
Wala na! Badtrip na ako ngayong gabi. Wala na talaga! Nasira na ang gabi ko. Bwiset! Bwiset! Nakapabwiset talaga. Umawra pa naman ako ngayong araw para magsaya. Tapos! Isang bwiset na lalaki ang sisira ng gabi ko?! Hindi ako nagsuot ng Gucci para maimbyerna! Wala sa plano ko yun. BWISET! NAKAKABWISET?! Padabog akong umakyat sa VIP at natigilan silang dalawa sa paglalandian nila nang mapansin ang masama kong aura. "Hoy, nakita ko 'yun!" Biglang sabi ni Alex na pinagtaka ko. "Nakita, ang alin?" "The nakakalerking eksena with the meanest guy in the town...." Biglang sulpot ni Teddy kasama ang boyfriend nyang si Uno. Hindi ko sya binati. Wala akong time! Hinanap ko naman si Robbie pero nawala sya pati yung lalaking kausap nya kanina. Pero back to these bitches! Ano raw?! "The asaran moments!" Sabay pa nilang sabi. "At talagang pinanuod nyo lang ako all through out! Anong klaseng kaibigan kayo?! Mga kaibigan ko ba talaga kayo?!" Hysterical kong sabi. Aba! Nanakagigil lalo. Hindi man lang nila ako binack upan kanina. Mga salawahan! "I thought kaya mo sya! But we're wrong! Nakakahanap ka ng match mo gurl!" dagdag pa nya. Pero hindi gumaan ang loob ko. Mas lalo akong nainis! Pinagsasabi n'yang katapat? Ako? May katapat?! Sa ganda at yaman kong 'to?! Ha! Funny. "Teddy sinasabi ko sayo masama yang pakikipagjowa mo kung ano ano ang pinagsasabi mo!" Ngumuso, naman sya, sabay kapit kay Uno. "Hey! Meany. Uno, oh!" Sya. Natarawa na lang yung kasama nya. Pwes, ako hindi natatawa. "Grabe Toni! Laptrip ang ginawa nyo, halos di ka makapalag dun! Tawang tawa ako mga seven!" Si Alex at humagalpak ng tawa. Ayan na naman sa pagbibilang ng lesteng tawa! Bwiset bakit ba kailangang bilangin?! Para saan?! Nakakabobo! Lahat kami napangiwi, "Hoy! Babaita yung ngalangala mo kitang kita na! Mahiya ka naman sa kahook up mo. Makita pa kung gaano ka kabalahura." Hindi lang kasi tawa ang ginagawa ni Alex kundi makalaglag pangang tawa. Literal. Dahil nasa sahig na sya kakatawa. "Hindi nya ako iiwan--huh? San na yun?" Nagtatakang tanong nya habang nasa lapag. "Ayun tumakbo na! Natakot sa ngalangala mo." Sigaw ko sakanya. Punyeta ka huh! Deserve. Napakamot naman sya ng ulo. "Hey Toni! That's really nakakatawa talaga haha! Look oh! May myday pa ako with matching cutie stickersss! Hihi!" WHAAAT?! Halos lumawa naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Wala na akong sinayang na panahon kahit nagsasalita pa sya ay kinuha ko ang cellphone nya at pinagbubura ko ang myday nya. Kukunin pa sana kaya lang iniwas kong ang phone nya, "Huwag kang magulo kung ayaw mong lumilipad itong cellphone mo!" Saka ko pinagdedelete ang mga kalat ko sa cp nya. Mga bwiset talaga! "Hey ang kj mo naman!" Sya sabay nguso at may pagkapit sa jowa nya. "Ako KJ? Halos umusok na na dun sa galit kanina tapos malalaman kong nagsasaya lang kayo dito!l habang pinapanuod nyo ko. Sabihin nyo nga. Mga kaibigan ko ba talaga kayo?"Paguulit ko about friendship. Hindi ko talaga matake itong mga burikat na ito! "Oo naman. Drama queen!" "Robbie!" Sinamaan ko sya ng tingin. "Saan ka galing na bruha ka?" Dagdag ko pa. Parang kabute. Biglang sumusulpot. "Gusto mo ba tagala malaman?" Nanggasar na tanong nya. Inirapan ko na lang sya at kinuha ko ang bag ko. "Hey, chill ka lang Toni. Hindi naman nakakahiya yun. Yung tipong nakahanap ka ng katapat from Rozer. Hindi talaga," Pangaasar pa nya habang may sipsip na lemon. Ha! May pangalan pala yung kupal na yun? Bagay sa kanya. Tunog mayabang! "Excuse me? Ako nakahanap ng katapat? Mangarap ka hanggang gusto mo!" Naasar kong sabi sa kanya. Natawa naman si Robbie. "Toni.. Just chill, ang init ng ulo mo." Sinamaan ko sya ng tingin. Kanina pa 'to chill nang chill. Sa tingin ba nya magiging kalmado ako? After ng ginawa ng kulugo na yun. Chill my ass! "Ikaw na babae ka! Bakit hindi mo pa sya pinapasipa sa mga bouncer mo?! Ginugulo nya ako!" Angal ko. Aba! Totoo naman. Kompleto pala silang tatlo habang ako ay bwiset na bwiset sa lalaking yun. "Nope, honey. I can't do that!" Siningkitan ko s'ya ng mata. I can't believe it! Friendship over! "Bakit type mo? Pwes kung oo, kalimutan mo nang magkaibigan tayo!" Naasar kong sabi. Bakit hindi nya pwedeng palayasin. Sino ba yung lalaking yun. Mas lalong naginit ang dugo ko. Ayokong mahinga and mga hanging hininga nya na. Ayoko! Natatawa naman syang lumapit sakin at kinapitan nya ang balikat ko at pinaharap sa may bandang likuran ko. "Nakikita mo ba yang garden ng bar ko?" Turo nya sa labas. Nakaglass wall kaya visible ang labas. Oo, nakita ko na yan kanina pa. Actually nagulat nga ako kasi may renovation nangyari. Yung huling punta ko kasi ay inaayos ang harap ng bar nila pero ngayon. Sobrang ganda.. Like me! Lalo na yung net lights. Sobrang ganda lakas maka No Tears Left to Cry by Ariana ang peg. At may fountain lights din kasama. And nagimprove rin ang labas nila. May extend area rin sila sa labas and sobrang classy ng lugar and because of the flowers. In short, Instagramable ang place. Epek na rin! Pero bakit nya ba pinapakita sakin yan? Anong connect. "O, ano naman?!" "Sya lang naman ang gumawa nyan." Narinig kong natawa si Robbie sa reaksyon ko. "The fact na nagaaral, pa lang sya, nyan. He's so awesome. Right?" No way! Napanganga ako sa narinig ko mula kay Robbie. For real?! Sya talaga gumawa nyan? May talent pala sya? Pota. How?! And ano raw? Highest paid architect sa bansa? No way! Wala na talaga akong masabi na iba kundi no way. Pero hindi pa rin ako naniniwala. Malay ko bang binayaran nya lang yung title na yun. Tss! "See, kaya di ko sya pwedeng palabasin not because he's my type.. but he's freaking hot and handsome Toni! Why don't you try?!" Nangaasar pa nga. Kadiri naman! Wag na lang kung sya na lang. Saksakin nyo na lang ako! "I'm pretty sure you have a poor sight and poor taste. Robbie, I swear!" Natawa naman silang lahat. "Gwapo naman talaga sya teh! Base na nakita ko kanina, may abs, may biceps at may broad chest at ang perfect ng mukha. Gwapo sya! Walang duda." Singit ni Alex. Kaya sinamaan ko naman sya ng tingin. "Wag ka ngang magmura!" Naiirita kong sabi sa kanya. Anong gwapo dun? Puro nga kahanginhan ang laman ng utak nun. Hindi ata alam ang salitang humble. Kung sya na ang pamantayan ng gwapo, mabuting saksakin nyo na lang ako! "Ang sikip mo dyan!" sabay sabay pa silang tatlong nagsabi. "Maganda eh!" Hirit ko sa kanila at akmang baba nang biglang nagtanong si Teddy kung saan ako pupunta. "Sa lugar kung saan wala kayo!" - Gusto kong magpakalayo- layo. Ayoko sa lugar na ito! Nabuburyo ako lalo na kapag naalala ko yung kupal na lalaki na yun. Bwiset! Bwiset! Bwiset! Okay last na. BWISEEEEET! Padabog akong lumabas ng bar wala akong paki kung sino ang nakakabunggo ko basta gusto ko lang makalabas sa bwiset na lugar na 'to! Ha! Ako raw hindi n'ya type? Excuse me?! Lalo na ako. Mukha syang kalyong pinatungan ng mata, ilong at bibig. Bilib din ako sa kakapal ng mukha! Ako pa raw hindi papasa sa taste nya? Dati ba syang baliw?! "Aray naman--* "Tumabi ka kasi sa dinadaraan ko?!" Putok ugat kong sigaw kaya di nakapalag si ategurl at tumabi na lang. Sa kabila ng pagsigaw ko hindi pa rin talaga nawawala ang gigil sa katawan ko. Habang naglalakad ako sya ang pumapasok sa isipan ko. Dahil certipikadong isa s'yang kupal, mahangin, mayabang, malaki ang ulo, hambog, arogonte, masama ang mukha,gwapong gwapo sa sarili, gago, sira ulo, may sapak ang utak, kulang sa aruga, kulang buewan at mukhang bayag! Lahat na! Lahat na ng mga masasamang diskripsyon para sa mga lalaki. Nahakot nya, siguro nung umulan ng kakupalan sa lupa nasa swimming pool sya at nagbabackstroke pa at hindi pa nakuntento may container pa syang pangsahod. Masyadong kupal! Nakarating na ako sa parking lot. At padabog kong binuksan ang pintuan ng mini Cooper ko at pabalang kong binato ang Birkin bag ko. Nang bigla naman akong nakaramdam ng masamang hanging papunta sakin at automatic na nagon ang maldita radar ko. "Cute car, ang liit." Napapikit ako. Hinding hindi ko malilimutan ang boses na 'yun. Boses pa lang mayabang at mahangin na. Kaya imposibleng hindi marerecognize kung kanino galing. Humarap naman ako kung saan galing ang boses. Tama nga, ang kupal na lalaki. "Hi..Miss I'm not interested." Habang prenteng prente syang nakasandal sa Lamborghini nya. Ang yabang talaga! "Mini Cooper nga diba?! May nakita ka bang mini cooper na kasing laki ng truck?!" Magtataray talaga ako nang bongga. Lalo na't parang nangaasar pa itong kulugo na ito! "Saka pwede ba! Tigil tigilan mo yang pagbigay ng pet name sakin. Close ba kita?!" Dagdag ko pa. Masyadong feeling close, "Sungit mo naman Miss.. I'm not interested. Nagtatanong lang, malay ko bang sayo yan." Gago ba 'to?! "Nabuksan ko diba, may mata ka! Ako ba inartehan yang pagpapanggap mong may Lamborghini ka... Umalis ka na dyan baka dumating pa yung may-ari." Pangangasar ko sa kanya. Nalaglag naman ang panga nya pero nakabawi rin sya. Nilabas nya sa bulsa nya yung car keys nya at pinundot at tumunog ang Lamborghini sa likod nya. "Daming kong tawa, mga seven... Nabuksan ko, may mata ka." Pangaasar nya pa. Bwiset talaga. Lalong umiinit ang ulo ko. "O, hinay hinay lang sa pagtitig. Baka malusaw ako. Sige ka, wala ka nang pagnanasaan." Nakahalukipkip ang braso nya at nagtaas baba ng kilay habang nakatingin sakin. "Oh please.. Paano ka malulusaw? Eh pinaglihi ka sa kalyo. Saka pwede ba ako magnanasa sayo? Ha! Papasaksak na lang ako!" Naiirita kong sabi. Tumawa naman sya nang mahina. At nagagawa pa nya talagang tumawa?! "Gets kita! Gets na gets kita. Nasa in denial stage ka pa lang. Alam kong iba ang nasa isip mo, hindi talaga yan ang gusto mong sabihin kaya lang nahihiya ka sa kagwapuhan ko." Ha?! Halos malaglag ang panga ko sa lupa. Wala ba pa syang iyayabang? Sagad na ba ito kasi kung hindi nakakatakot na sya. "Hindi lang pala bulag at saksakan ka ng yabang. Dati ka rin palang baliw?! Pinagsasabi mong nasa in denial stage? Sabihin mo nga. Ginagawa mo bang bitamina ang anti rabies?" "Dami kong tawa ulit.. Mga nine na." At talagang nageffort pa syang ipakita ang syam nyang daliri. "Mayaman ako, kumpleto ako sa bakuna nung bata ako pero ngayon ako na ang nagbabakuna.. gusto mo bakunahin din kita?" Sya at nagtaas baba ng kilay. Ha?! Di kayang iabsorb ng maganda kong katawang lupa ang pinagsasabi nya. "Bakit ka ba nandito? Di ka ba makaget over sa ganda ko pati dito sinusundan mo ko?" Natawa naman sya. "Bakit ko naman susundan ang carnaper?" Bwiset talaga! "Aba't.. Hoy! Sa ganda at yaman kong ito? Ako mangcacarnaped? Excuse me? Gusto mo bilhin pa kita! Magkano ka ba?!" Taas noo kong sabi sa kanya. "Napaghahalataan ka masyado.. Miss I'm not interested." At sabay tawa. "Napaghahalataan na maganda? Yes! I know. Kaya nga nandito ka diba para magpapansin sakin." Natigilan naman sya sa pagtawa. Ginulo nya pa ang buhok nya. Ay may pagganun? Required ba yun? "Miss I'm not interested... Alam ko na yang mga ganyang galawan. Kunwari pahard to get, magtataray para makuha ang interes ko para maikama ko lang, sanay na ako sa mga ganyang galawan. Trust me, di ko na nabilang yung mga naikama ko. Sa totoo lang ganun kasi ako kagwapo. Pero sorry ka! Straight ako." At mas lalo pa syang sumandal sa kotse nya. Ang kapal talaga ng mukha. Huminga ako nang malalim. Kailangan ko ng focus. Pumikkt muna ako saka humarap sa kanya habang nakangiti. Nagbago naman ang hulma ng kanyang mukha, mas lalong gumuhit ang nakaasar na ngiti sa labi. Ha! Let's see. Alam ka nya ang delubyong paparating sa kanya. "Surrender--* Napatigil sya nang padabog kong sinara ang back seat ng mini cooper ko, at dahang dahan akong lumapit sa kanya. "Una sa lahat, mister na walang modo. Hindi nga kita type at hindi hinding mangyayari ang iniilusyon mo, masyado akong maganda para pumatol sayo. Pangalawa, hindi ako hard to get. Ang hard dito, 'yang mukha mo. Nasobrahan sa kalyo hanga nga ako sa sobrang kapal. Yan ba pinanglalakad mo?" Tumigil ako at minata ko sya ulo mukhang paa, naconcious naman sya at umayos ng tao. "At panghuli.. para sa straight na lalaki. Andaldal mo, umamin ka nga. Bakla ka rin ba?" At binigyan ko sya ng pamatay kong ngiti. Nawala ang angas nya at halos hindi sya makaget over sa sinabi at syempre sa ganda ko sa sobrang hindi sya makaget over sinamaan nya ako ng tingin at nalaglag ang car keys nya. Ha! Edi nanahamik ka ring kulugo ka. Pumunta naman ako sa harap at binuksan ko naman ang driver seat ko habang nakangiting nakatingin sa kanya. Aarte pa sana sya kaya lang, "O, ganda ka?" at tuluyan na akong sumakay at pinaandar ang kotse ko at hinayan ko na nakanganga sya. Ha! We're even now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD