ATTITUDE 4

3610 Words
Naisip ko lang. Isang linggo pa lang pero ang dami na agad ekesena ng mga stupidents ko lalo na yung mga newer batch. Naicompare ko lang kasi in my three years of being president wala akong naencounter na back to back na circus sa school ko. Ngayon lang as in! I know it's bad to compare pero medyo mas ugaling tao pa yung mga naunang batch unlike this newer batch. Masyado naman atang matatapang ang mga kabataan these days. Ano ba bitamina nila? Sama ng loob. Who's talking?! Gurl. I know and I'm aware na masama ugali ko.. pero di naman ako violent! Kaloka! Anyways, Weekends and I don't know kung anong gagawin ko. I'm bored to death, maghapon lang akong nakahiga sa water bed ko. Nakakapagod din pala yung walang ginagawa. I took my phone, Nagchecheck ako ng mga emails ko kung may mga importante ba nung wala I decided go to my twitter... I'm just scrolling nang makita ko ang isang post. Lots of drinks! I got thirsty. I want to have some drinks! And wala akong sinayang na minuto tinawagan ko ang mga PLASTIKS. They're my friends, shocking ba na may kaibigan ang baklitang tulad ko? Don't worry maski ako rin. Nabigla na may kaibigan ako. I open my viber and call them. PLASTIKS? Well, ano nga ba ang dahilan kung bakit plastiks ang tawag samin. Hmm! Nope, we're not plastic as you think. Actually lahat ng mga plastikada sinusupalpal namin....lahat ng mga fake, nagbabait- baitan at acting nice ay di namin pinapalagpas. Ewan ko rin ba, kapag may nararamdaman kaming fake di namim mapigilang kumulo ang dugo namin. Naguunite ang utak namin sa pagiging bitchesa basta may fake sa harapan namin or kasama namin sa isang lugar. Actually we're not the one who called or named ourselves plastiks. Mga tao sa schools KO. Yup! we're schoolmates and classmates before. Nahuli lang ako dahil dinrop ko ang subject kong thesis for my vacation ala grande from Paris... And I'm not regretting it. And you know what kung bakit PLASTIK ang tawag samin because they used to heard it from us...which is hilarious! Madalas kasing tawag namin sa isa't isa ay plastik or plastikada... wala lang, because we're teasing ourselves. Because we've all knew, na nakakapagtaka kung bakit kami naging magkakaibigan. Sa mga ugali ba namin! So chaotic! "Hoy buhay ka pa bang plastkkada ka?" Bumalik ako sa reality nang marinig ko ang boses ni Alex. "Truee! Are you dead na or your tongue is nagdisappear?" si Teddie "tss," Si Robbie "Let's have some fun, Plastiks!" ako sabay end ng call. Hindi ko mapigilang matawa. Alam kong banas na banas sila. Ewan ko pero may personality kami na ayaw namin na binababaan kami ng calls. It's too downgraded and immoral for us! Gusto namin kami ang maunang magend ng calls. Few moments later I'd finished my routine. For this night I just wore black crop top from gucci and I partner with black coat also and for my down part. I just wore short jeans from Levi's and for my feet I choose to wear something elegant from Valentino. It's an ankle boots but in a sporty tube socks, "Why are you so perfect?" ako habang nakatingin sa salamin. Kung ilegal ang maging maganda baka life sentence ang ipataw sakin. "Ganda!" Nawala ako lang ako sa focused nang biglang tumunog ang phone ko, "Oh?" walang gana kong sagot, "Hoy san ka?!" As usual kay Robbie the ever tamad magsalita Napairap naman ako sa ere, "I'm on my way....." "Saan b***h?!" "Palabas ng kwarto.." ako sabay baba ng tawag. So, I didn't waste any minutes and I decided to go na. Ayokong mabarda ang mga plastikadang yun at baka ako pa ang maglibre sa kanila....not that I didn't want to, mayaman ako pero may limits din. Hindi ko kayang gumastos ng 50k sa isang gabi lalo na kung wala akong mapapala. Hindi pa ako baliw! Pababa na ako sa first floor nang may biglang pangit na humarang sakin. Aba't talagang hinahamon ako nitong gorilya na ito! "At saan ka na naman pupunta?" taas noo n'yang sabi. Ay wow, makapagtaas noo parang kagandahan? "Sa lugar kung saan ka hinugot....Gori," nakakalokong sabi at kumunot naman ang noo n'ya. "Ha? Pinagsasabi mong bata ka?!" histerikal na tanong n'ya. Binigyan ko lang s'ya ng ngiti, "Sa impyerno.. Sama ka?" ako sabay tulak sa kanya para makaalis. Laki nyang bara eh. "Walang modo!" rinig ko pang sigaw n'ya pero binigyan ko lang s'ya ng dirty finger bago sumakay sa kotse ko. I check my bvlgari watch to know what time is it and it's already passed eight in the evening. Am I too early? Bumababa naman ako sa mini cooper ko dahil masyado akong maganda para magstay sa loob. Ha! Pababa na ako nang makita ko ang group of people na natigilan ang paguusap. Myghad! Ganun ba talaga ako kaganda para matigilan silang lahat? "Problem?" tanong ko sa kanila, Wala namang sumagot kaya inirapan ko na lang silang lahat. So rude ah! Nagtatanong ako tapos walang sasagot. So pinagpatuloy ko ang paglalakad ko sa loob ng bar and someone escorting me while I'm heading to VIP section and that's why I deserve, a queen must treated right. Pero nung nakapunta ako sa VIP section... Nauna pa ako sa first?? Mga walanghiya talaga. Bagay talaga kami sa VIP, dahil mga pavip ang mga hitad! Open area naman ang VIP section kaya lang may seats and tables. So kapag nakapasok na sila makikita ko agad ang chaka nilang outfitan for this night. "Tss," At di na nga nagtagal ay may nakita akong model look a like na rumarampa sa dance floor. Sa laki ng space dun pa talaga dumaan. I looked at her, eyeing her outfit. She's wearing a BLACK FITTED LONG SLEEVES SHEER DRESS from LV at di nakaligtas sakin ang sout nyang diamond necklace and gold bracelet from Tiffany for her hair she go to wavy with big curls. Not bad for a rude b***h, it's complimenting her. And everyone's greeting her but she's just keep on nodding. May-ari ba naman nitong bar, kaya she's recognizable. Lumapit naman s'ya sa kinaroonan ko. "Why are you staring at me? Plastikada?" Tinasaan ko s'ya kilay saka tumayo. "I'm just thinking how attention seeker you are and being so plastik.." sabi ko sa kanya at nagtawanan naman kami. "Shut up, Toni!" "Gurl... you're dress fits to you. What's up Robbie." at nagbeso kami sa isa't isa. Meet Robbie Wades.. The basic rude plastik. The oldest among us. She has business and one those are this high end bar. Actually business minded naman kaming lahat pero iba ang pagkabusiness minded n'ya. Once an opportunity comes di nya papakawalan That's why she's freaking rich! Also the less talkative among us, di nya tipong magsalita pero oras na magsalita yan... di lang panglalait ang maririnig mo may kasamang katotohanan. Proud isnabera! "Still, I'm single." sabi n'ya after naming magfake beso. "Robbie... wag ka na magtaka. Tingin mo palang mangangatog na sila." at nagtawanan naman kaming dalawa. "Kyaaaaah! Oemgeeee I miss youu my plastkkadang frenny!!" Sabay naman kaming napairap sa ere ni Robbie at humarap sa babaitang hilig gumawa ng eksena. "Teddy...the annoying bitch." ako habang minamata ko ang outfit nya for this night. She's wearing an Elegant Pink Cocktail Dress Strapless Short Sleeves Ball Gown Appliques Knee-length Flowers Party Formal Vestidos, "San ang prom natin?" asar ni Robbie sa bagong dating na kinaismid ko naman. Among us Teddy likes bright colors especially if it's pink. She's a pink monster ultimo room nya ay hindi makikitaan ng pink. Wala syang pinapalagpas. "Whatever, pink isn't bagay for you super duh kasi I'm siguro na you gonna look like tita!" diretsang banat ni Teddy. Anudaw? Ang sakit sa tenga! Well, meet Teddy Francisio. The annoying and cheerful plastik. Kung si Robbie ay bihara lang magsalita. Ibahin nyo ang babaitang ito, walang oras na titikom ang bibig n'ya. And also she's rich syempre kakaibigan ba ako ng hindi ko kalevel? She's currently managing two big malls around Makati which is exclusively for rich people because the price are crazy.. And also her mall are one of the most instagramable place within manila.... "Shut up!" Robbie saka lumapit sa waiter n'ya to other some drinks, "Wait.... di ba natin iwawait si Alex? The ever arrogant plastik?! She's so kupad as in everrr!" sabi ni Teddy Magsasalita pa sana ako kaya lang. "Wag nyo na ako hintayin mga lapastangan! Andito na ang tunay na maganda." Tulad sa mga nauna. Tinignan ko rin ang outfitan ng babaitang Alex. Hindi na rin masama para sa arrogant plastik na tulad nya. Bagay sakanya ang plus size gray polo from Chanel na pinatungan nya ng Gucci lace sa bewang and of course ang kanyang singnature sneakers. Sa aming tatlo s'ya ang masasabi kong kikay but not so kikay. She likes more boyish looks, sabi nga nila act boyish to catch the attention of the boys which is affective para sa, kanya. Sa aming magtotropa, sya lang ang di nawawalan ng kalandian. Iba ang karisma ng pocahontas na ito! Mayaman din yang babaitang yan. Lahat ng nakikita nyo gym sa may BGC ay sakanila lang naman and may mga stall din sila ng mga sports wear. Sila ang leading investor ng mga sports wear dito sa bansa, "Kanina pa ako nandito, wag kang tumalak dyan... Alex!" sabi At kompleto na kaming apat. Pero bago muna ako umupo tinignan namin ang isa't- isa at sabay kaming nagirapan. Ganun kami magbatian na mga plastikada. Super classy! Dahil open ang venue namin. Para kaming mga dyos na nagmamasid sa mga nasasakupan namin at talagang pinagmamata namin ang mga taong desperadang lumandi o mga kulang sa pansin. Ang ekesena kasi ng VIP section medyo nasa taas pero di naman ganun kataasan mga five steps lang para makaakyat. So tanaw na tanaw namin ang mga kalat ng mga tao and we're enjoying it. "Tignan mo yung kupal na lalaki na yun.. Magheahead stand. Pustahan mababagok yan!" Si Alex habang tinuturo yung lalaking kulang sa aruga. "Oemgee Robbie, what if may nasira s'ya?" Teddy "Bakit concern ka?" bara ko sa kanya na kinairap ng mata nya. "You're so gaga talaga! I have Uno na mas hotter and yummier compare to him."Saming magkakaibigan s'ya lang ang may bf, but it doesn't mean na mas maganda sya. "My staffs know the drill." si Robbie while sipping her tequila, unbothered. "Ano pustahan? Game?" si Alex. Sinamaan namin sya ng tingin. "Will you shut up.." Robbie "Alam na naman natin na mababaog yan Alex, unting utak nga." "Pangit nyo kabonding---oh ha! Kitams! Haha baog sya eh! Kabobohan!" At totoo ngang nabagok sya at hindi lang yun ay may nabasag din na lemasa kaya napatingin kami kay Robbie na prente lang na nakaupo. "Hindi mo ba pupuntahan?" Ako, "Nope," sya at tumingin lang sa baba which napatingin din kami. "Omy!" reaksyon ni Teddy nang makita ang nasa baba. Ang daming mga bouncer, And the saga continues, Like pagtatawanan namin kung paano gumiling yung mga iba or kung paano sila nagmumukhang tanga sa ibaba. And to be honest, para sa mayaman. Ang dudugyot nila. So pumunta lang talaga kami sa bar na 'to para mangmata ng mga katangahan ng mga tao dito. "Oemgee! Look oh, that's disgusting. A neon dress?! Ew!" turo ni Teddy sa isang party goer na babae. Natawa naman kaming tatlo. Kapag talaga in terms of fashion. Hindi papahuli si Teddy sa panlalait, mataas din kasi ang fashion taste ni babaitang Teddy dahil tapos sya ng Fashion Art sa school KO. "That's what you called dress to kill... killing your eyes nga lang." sabi ni Alex, Natawa naman ako. Pinagmasdan ko si ategurl na nakaneon dress pero may nakita rin akong kinarolyo ng mata ko, "Look.... may naglilive s*x dun." ako sabay dun sa may gilid. Narinig ko namang napaismid si Robbie. "Omo~ my virgin eyes!" sigaw ni Teddy. Tinaasan namin sya ng kilay. Pinagsasabi nitong babaeng ito? "Wag kami!" sabay naming sabi. Bigla akong nakaramdam ng ihi kaya tumayo ako for a minute. "San punta mo? Sasali ka dun sa nagsesex?" Napatanga naman ako sa kabobohan nitong si Alex, "Oo! Ako yung taga video. Tutulong ka?!" banas kong sabi sa kanya na kinatawa nilang tatlo. Mga pashneya! Medyo madilim yung hallway pero visible pa naman at kitang kita ko kung gaano kadugyot ang mga tao dito. Wala ba silang pammotel at dito sila nagkakalat? Hindi naman bago sakin 'to actually wala naman akong paki at wala akong balak magkaroon. But, seriously. Makikipagmake out ka sa random places? Sorry kung pakarat ako I'll never agreed to that. I know my worth. Hindi yung any any place kung saan pwede dun na. Gurl! Know your worth! Periodt. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nila. Gusto ba nilang may audience sila or gusto nila na the more the merrier. Tss, Tulad na nga lang ng nasa harapan ko. Hindi ko makapasok sa restroom dahil may dalawang nakaharang sa pinto. And all of places? Sa may pintuan pa sila nagtukuan. Tinignan ko lang sila sa kadugyutan nila hanggang sa wala ata silang balak tumabi. Paano ko nasabi? Because the girl went down and start doing her things on him. Napansin naman ng lalaki ang maladyosa kong presensya na nakatayo sa harap nila but surprisingly imbes na tumabi. Binigyan ako ng kindat. Teka.. anong gagawin ko sa kindat nya. Argh! Sasabog na pantog ko. "Pwede padaan muna mga pornstar wannabe?! Mas mahalaga pantog ko kesa sanyo." Pagepal ko natigilan naman si girl at humarap sakin. "What? You wanna join-- "Tabi! Andaldal mo." tulak ko sa kanya at dumiretso sa restroom. I neep to f*****g pee, I let out a sigh! After kong magbawas ng tubig sa katawan ko and I decided to wash and check my face. And as expected! Fresh na fresh. Para akong bagong ligo. Walang madedetect na kahit unting haggard. Mukhang nilubayan ako! Ha, how to be you self! Pati haggard takot sayo. "Ganda ka? Ganda ka?" ako habang nakatingin sa salamin, And as expected. Marami pa rin ang gumagawa ng kababalaghan pero dinedma ko na lang at nagpatuloy ako pero naisip ko munang magisa at pumunta sa bar stool. Eto yung VIP section na hindi masyadong maingay. Malayo kasi sa dance floor, Nakita ko naman na dalawa na lang silang andun. Maybe umuwi na si Teddy. Hindi ko rin naman masisisi sya may dalawa ka ba namang haliparot na kaibigan... napailing na lang ako, ayokong makisali sa kababalaghan nila. Never! Among us in terms of kapokpokan at kalandian nagkakasundo 'yang sina Alex and Robbie. As I said isnabera talaga yang si Robbie pero once na matipuhanan ka nya she'll bite you until you can't escape to her on Alex she's just wanna have a fling not a serious commitment. Walang seryosohan. Well Teddy and I not really into relationships talaga lalo na ako. b***h! Masyado akong maganda para makipagdate kung kani-kaninuman. Ang kaso naman kay Teddy ay magchildhood sweatheart sila. And nakaarrange na ang wedding nila. b***h na Teddy, sa una aarte- arte pa tapos di rin nagtagal minukbang nya yung mga pinagsasabi nya. Sometimes they tease me na baka walang magkagusto sakin because of my attitude. And so? As if kawalan sila. I can manage! Not nagpapabebe or what. I'm just being real! Hindi ko nga manage ang time ko tapos may sisingit pa sa schedule ko. No darling! "Drinks, gusto mo?" Bumalik ako sa ulirat nang may biglang sumulpot na lalaki sa tabi ko and asking me a drink. Excuuuse me?! Sino 'tong hudas na to? "I know I'm too hot, stop drooling. Mukha kang tanga. Answer my question, gusto mo ba ng drink?" Okay, what that's. Bakit parang galit sya? Teka, bakit parang kasalanan ko? Sya lang ang bukod tanging nakilala ko na galit na nagaalok ng drinks. Sino ba 'to? "Go," ngiti kong sabi. Napairap naman ako sa ere, "Give me your best shot," sabi nya habang di nakatingin sakin at talagang parang labag sa loob nya. Di ko pa rin talaga gets ang nangyayari. Biglang syang susulpot sa tabi ko tapos magaalok ng drinks. Dati ba syang baliw? "Here's your drink!" And biglang nilapag ng bartender ang drinks sa harap namin. But I just looked at it. "Hindi mo ba kukunin? Gusto mo ako pa ang magpainom sayo? Wow!" Aba! Ang bastos talaga. "Minsan pahamak talaga ang instinct. Did I say I want a drink? Asyumero!" pagtataray ko sa kanya na dahilan nang pagtanggal nya ng shades nya. "Hindi ba sabi mo, go? I offered you a drink and what do you expect to me to think. Iuuwi mo?" Asar nyang sabi. Pero ningitian ko naman sya ng nakakaloko, "Hindi, ipanligo mo. Masyado kang tanga baka sakaling mahimasmasan ka." Narinig ko naman syang tumawa. Seriously, anong nakakatawa? Napansin naman nya na pinagmamasdan sya ng isang dyosang tulad ko kaya tumingin sya sa gawi ko. "Tss... Ang gwapo ko ba? Hindi naman kita masisisi kung mapatulala ka maski ako napapahanga sa taglay kong kakisigan. So, just look till you want. It's all free... Btw I'm HANDSOME, and you're?" habang inaabot nya ang kamay nya para magshake hands kami. Ew! Handsome? Baka handSAMA NG MUKHA! "I'm... not interested." sabay hawi ng kamay nya. Sorry sya I don't do shake hands! Kadiri! Narinig ko naman na tumawa sya dahilan para ikakunot ng maganda kong noo. "Dami kong tawa mga....three. Okay lang magpakipot kung kagandahan pero sa estado mo wala kang karapatang magpakipot lalo na sa gwapong tulad ko." Teka lang! Natatangay ako! Buti na lang malakas ang kapit ko. Hindi naman sya mayabang. Sobrang yabang lang! Ano bang problema nitong lalaking ito. Pupunta sa tabi ko para lang magyabang pero mukha syang tanga actually. "O, tulala ka na naman sa kagwapuhan ko. Sige ka baka mainlab ka!" "Ang hangin. Buti na lang maganda ako kaya di ako natangay. Anyways, di ako natulala. Tinitignan kita. May nakapagsabi kasi sakin na pwedeng makapatay ang pagtitig. I'm just trying, but I failed. Dahil andito ka pa din sa tabi ko." hirit ko sa kanya na hindi naman n'ya nagustuhan base sa pagkunot ng noo n'ya. "Ay? Wow. Ngayon lang ako nakakita ng payasong payatot." Sinamaan ko sya ng tingin at sya halos mapunit ang labi sa kakangiting nakakaloko. Ha! Kupal. "At ngayon lang ako nakakita ng paang nagsasalita. Mukha na ngang kalyo. Madaldal pa." This time sya na naman ang kumunot ang noo. "Masyado naman akong gwapo para maging paa. Imahinasyon mo walang limit!" Tumingin tumingin ako sa paligid. "Gwapo? Nasaan?" Umarte pa akong may hinahanap para mas dama. Eh! Sa wala namang gwapo talaga. Wala akong nakita as in. Kaya anong pinagsasabi nyang gwapo? Bigla naman akong nakarinig ng hiyawan at sipol na pinagtaka ko so tumingin ako sa tabi ko at halos mapangiwi ako sa nakita ko. Kadiri naman! "Wala ka talagang makikita dyan. Kasi andito lang sa tabi mo," Nakakalokong sabi nya habang binabalandra nya ang hinding kagandahan nyang katawanan. "Wag kang patawa please, edi parang sinabi mo na rin na walang pangit...Saka magdamit ka naman, ang sakit sa mata. Can't afford maggym?" "Masyado ka namang napaghahalataang pinagnanasaan mo ko. Gusto mo bilhan kita ng electric fan para mabawasan 'yang init na nararamdaman mo?" "Can't afford na nga maggym, can't afford pa ng ac? Lumalabas ang kacheapan." Natawa naman sya na mas lalong kinabwiset ko lalo. Bakit ba ang hilig nyang matawa? May nakakatawa? Bwiset! Ang kapal kapal kapal talaga ng mukha. "Dami kong tawa sayo mga six! Afford ko nga bumili ng drinks mo. AC pa kaya? Ilan ba gusto mong bilhin ko para lumamig ang nangiinit mong pagnanasa sa kagwapuhan ko?" Pagmamalaki nya habang agtataas baba ng kilay nya. Ew! Tumatayo balahibo sa mga sinasabi nya. "Hindi ka ba nasusuka sa mga pinagsasabi mo? Ako kasi sukang suka na, and FYI mataas ang standards ko And I won't put that down for you!" Napipikon kong sabi sa kanya. Hindi ko na talaga matake ang kakapalan ng mukha nya. "Dami kong tawa mga five!" Sya at dinunggal sa harap ko ang palad nya sa sobrang inis ko tinabig ko yun. Kabwiset! Ayan na naman sa pagbibilang nya ng tawa! "Sorry ah! pero sa totoo lang hindi rin talaga kita type at hindi hindi ka papasa sa taste ko. Kita mo yun?!" Sya at tinuro ang mga kaibigan nyang tawa nang tawa. "Natalo kasi ako sa pustuhan kaya sinabihan akong lapitan ka. Sensya na, wala kasing taste mga tropa ko." Ay wow! Kapal ng mukha! Ano?! Grabehan na ang kapal ng kalyo sa mukha nagmumukhang paa na! Ako? Hindi nya type. Ang lakas ng loob! Makapagsalita kala mo kung sinong kagwapuhan! Ha! Talagang nagiinit na ang ulo ko ngayon. "Sana tinanong mo muna ako kung type kita!" Bulyaw ko sa kanya at halos matawa naman sya sa reaksyon ko. Kaya mas lalong nagiinit ang ulo! Ang kapal kapal ng mukha! "Wala akong balak tanungin. Ininform lang kita na hindi kita type baka kasi umasa ka sa gwapong tulad ko.." "Hindi nga rin kita typ-* bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla syang nagsalita. "Ay eto nga pala yung huling makikita mo ko kaya sulitin mo na bago ako umalis...One more thing! Straight nga pala ako. Wag ka sana mafall sa gwapong tulad ko, kasi di tayo talo.." Bago sya umalis ay ininom na muna nya ang drink na inorder nya saka umalis sa tabi ko. Ang kapal talaga ng mukha. Kala mo kagwapuhan! "Gago!" Ako sabay saboy ng drink na nasa harap ko. Kaya lang hindi tumama. Kaya mas lalo akong napikon. "Gwapo.. Hinde, gago." Sya at bumalik sa tropa nya. WHAT THE HELL!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD