ATTITUDE 3

2952 Words
Kung nakakatunaw ang pagtitig. Malamang sa malamang lusaw 'tong orasan. Bakit ba ang tagal ng oras kapag binatanyan mo pero kapag napapasarap ka sa isang bagay napakabilis, palong palo ah! Aish! Alas osto pa lang! Ang haba pa ng oras, sumasakit ang bangs ko di ko kinakaya. "Grr, ang tagal naman ng oras. Gusto ko nang makapiling kama ko!" usal ko, I'm f*****g sleepy. Isang oras palang ako dito sa opisina ko pero nanghihina na ako. Adulting ba ito? Hays! Nakailang singhot na ako ng herbal scent para magising lang diwa ko pero walang talab! What's happening self? Ayaw ko naman pumasok sa klase ko. Baka matuluyan pa ako dun. Gusto ko na talagang ipikit itong maririkit kong mata--* "President!" Santisima! Papakit na ako eh, Sinamaan ko ng tingin ang hudas na pumasok sa opisina ko, "David... Ang aga aga wag mong padilimin ang paningin ko," Btw, he's my secretary for one and a half year. Surprisingly tumagal ang gago. Actually s'ya ang pinakamatagal na naging secretary ko dahil bago s'ya dumating halos lahat ng mga nagapply isang oras lang ang pinakamatagal na nagtagal sakin. I wonder why? Di naman ako nangangagat. ... Nananampal lang! And I don't, know kung bakit s'ya nagtatyaga. "Umm," Kumamot naman s'ya ng ulo n'ya. Nagdadalawang isip pa ata kung sasabihin n'ya ang dahilan ng pagpunta n'ya. Ayoko sa lahat yung pinapasuspense pa ako. "Magsasalita ka ng kusa o hihilain ko yang dila mo para magsalita ka, mamili ka!" Kapag mga ganitong inaantok ako. Tumaas ang level ng pagiging maldita ko, di lang matalas ang dila ko mabilis din ang kamay ko. "Kasi president... may nagaaway sa quadrangle." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko, "WHAT?!" "Yes president, kanina pa sil-* "What the actual f**k?! Inistorbo mo ko para d'yan? David For real..?? For f*****g sake, bawat oras na humihinga ka may nagaaway sa school na ito... kaya David utang na loob, lumabas ka na pwede lang." Pigil na pigil ako sa sobrang bad trip yung tipong gusto ko s'ya batuhin ng kahit anong malapit sakin kaya lang mga expensive materials ito. Isipin nyo ang nararamdaman ko ngayon! "Pero po kasi president--* Talagang hihirit pa, Pinanlakihan ko s'ya ng mata kahit na chinita ako, "May duguan ba? Kung meron. Tumawag ka lang ng ambulansya... Kung may namatay. David, ganun talaga ang mundo pero sa sitwasyon ngayon baka mas mauna ka pang magpaambulansya pag nagdilim ang paningin ko," At hindi ako nagbibiro, Alam n'ya yun. Kaya tumalikod ako sa kanya. At sinubukan kong pumikit ulit, Ang sarap matulog-- "President kasi nandyan yung mga investor. Paparating na sila!" Investor lang pala. So what kung parating----*gulp WHAAAT?! "NASAN ANG MGA HUDAS NA 'YAN?!" FEW MOMENTS LATER.. Habang naglalakad kami papuntang quadrangle ay hindi mawala sa isip ko ang investor. Sana wala pa sila kundi maloloka ako ng wala sa oras, Bakit ngayon pa?! Sa dami ng araw bakit ngayon pa sila dararating at sa dami ng araw bakit ngayon pa gumawa ng kabobohan ang mga stupidents dito. I mean, immune na ako pero bakit ngayon pa talaga! Mamamatay akong maganda dito! "Utang na loob... wag sana nila maabutan 'tong circus sa school KO..." bulong ko Kakagat kagat ko ang labi ko dahil sa sobrang banas, stress at gigil sa mga stupidents na walang magawa. Mga bulbulin na tumatanda ng paurong. Pwes! ngayon sila makakatikim ng parusang magpapurong sa buntot at sungay nila. Sinusubukan nila talaga ang pisi ko! Kakarating ko lang sa quadrangle at halos mapanganga ako sa nangyari. Bakit ang gulo- gulo?! Ang mga upuan napunta kung saan- saan, Ang mga basura nagkalat, Ang stupidents... nagwawala sa sobrang ingay. School ko ba ito o zoo?! Napapikit ako sa sobrang gigil ko. Gusto kong iinternalized ang bawat bagay-bagay. Mga tao ba itong pumasok sa school ko o mga ligaw na hayop? Ano nga ulit yung pagsabi ko kanina, circus? Ha! Circus my ass. "President may problema po," What?! Another problema na naman?! Kotang kota na ako! "Wala pong mic, megaphone lang po available" Pinanliitan ko s'ya ng mata "Aarte pa ba ako?! Akin na!" "... about naman po sa investor naresched ang pagpunta nila. May urgent po silang flight from Singapore--" Dinedma ko na lang s'ya at tinignan ko ulit ang mga unyangong nakalabas sa hawla nila. "Mga hudas...." Nakafocus ako sa mga disipulo na mga stupidents sa quadrangle. Ang gulo gulo nila at karamihan dito ay mga freshman pa... mukhang di pa rin sila nadadala nung isang araw sa orientation. Gusto talagang masampolan! Mga kutong lupa! Gigil na gigil kong kinuha ang m na hawak ni David at dumirtso papuntang quadrangle. Pero di ako makadaan kaya tinulak ko ang gagong nasa harap ko. "Aray, gagu ka ba---* Tinaasan ko s'ya ng kilay. Halos matumba naman s'ya nang masilayan ang maladyos kong kagandahan. Sino bang hindi? At sa sobrang gulat n'ya natapik n'ya ang katabi n'ya kaya nakuha ng ilan ang atensyon n'ya at parang mga gagong nagtataka kung bakit s'ya natataranta. Pero nung nakita nila ang dahilan ng pagkataranta n'ya ay doon lang nila nagets ang sitwasyon nila. Ha! Manginig na kayo sa takot, "Patay!" Hinanap ko kung sino ang nagsalita nun pero lahat sila agad nagiwas ng tingin. Buti naman nagets nila kung anong sitwasyon nila kahit di pa ako nagsasalita. Ha! Gusto n'yo ng circus? Pwes, pagbibigyan ko kayong lahat! Gagawin kong circus ang school KO at kayo ang gagawin kong clown, tignan natin kung kanino ang huling halakhak. At tinuloy ko ang paglalakad ko at kasabay nun ang paghawi ng dadaraanan ko. "Solid ka talaga pres," si David, Katahimikan ang namupawi sa quadrangle. Walang tunog. Lahat nagpipigil ng hininga na parang malaking kasalanan ang huminga. Maririnig lang bawat tunog ng prada heels ko, And that makes me superior, hun. Malapit na ako sa harap at nakita ko kung gaano kadesperada ang dalawang stupidents ko... Lalo na 'tong nasa harap ko, "Oh kanino kayo pupusta? Kay Rina o kay Kris, pusta na dali-- Hoy teka! Bakit mo kinu--President Toni.. Hello po, pretty nyo po hehe!" Ngumiti lang ako saka pinunit ang pustahan. Bumalik ako sa dalawang desperadang nagaaway... close fight kaya di nila napansin ang maladyosa kong presensya. Pwes, Hintak ko ang stupident na katabi ko. S'ya yung may matabang utak na nakaisip ng pustahan at gulong gulo s'ya kung bakit ko hinila. "Pre-president?" Nilapit ko sa kanya ang megaphone at naloloka s'ya sa pinaggagawa ko. "Tili," Hindi ko ugaling mageffort. Kung pwede ko naman ipagawa sa iba bakit hindi? Sayang lang sa ganda. "Ha ano po? Tili po?" Ay shunga, Tinaasan ko ng kilay para masindak. Ayokong paulit ulit. Nakakabobo! "Titili ka o kick out?" Walang pagdadalawang isip n'yang kinuha ang megaphone ko at tumili ng malakas! "AACKKKKKKKKKKKKKKKKK.... mmm yeah!" Shuta! Bakit may pagkulot? Required ba yun? Kaloka! Inirapan ko na lang at kinuha ang megaphone. Balak pa atang agawin sakin ang spotlight, sapawera! "Tss, akin na nga. Layas, tampalasan!" ako sabay taboy sa kanya, Nakuha ko naman ang atensyon nilang dalawa at ang kaninang di mapaghiwalay ay biglang tumigil, So a cat fight between a girl and pagirl, Ehem... Saka ako nagsalita habang may megaphone, "I'm really, really, really disappointed..." ako habang nababahag kuno, Inirapan naman nila akong dalawa. Aba! Ang tatapang kala mo kasikipan, "I'm really disappointed....Asan ang napuruhaan? bakit wala atang duguan? Anong kabobohan 'yan?! Ano yan nagsayang lang kami ng oras para lang sa atensyong panandalian? Kacheapan!" naguguluhan kong tanong sa kanila. Mas lalong sumama ang mukha nila. Ha! I like this, it's getting intense. "Paki mo ba?!" si ate pagirl Palasagot din. Bagay nga sila sa school KO. "Sayo wala. Sa sahig ko meron, baka dumihan mo pa!" ako sabay lapit sa kanilang dalawa, Nakarinig naman ako ng mga tawa sa gilid ko pero sinamaan ko lang sila ng tingin. Walang sasaya ngayong araw! "Kayong dalawa.... nainform naman kayong exclusive and for elite people ang school KO, right? So bakit kayo gumagawa ng kacheapan dito sa outdoor. My dear uneducated, desperate and uncultured stupidents. May sports arena tayo, kompleto rin ang sports wear natin...mayayaman tayo, 'di ba kayo nagiisip.... teka may isip ba kayo?" I paused, "Bakit hindi kayo dun nagboxingan? Talaga bang pinaninindigan n'yo kung gaano kayo kaboba?" ako, At mas lumapit pa ako sa kanilang dalawa, "Kung gagawa kayo ng kabobohan sana panindigan n'yo at galing galingan n'yo. Gagawa na nga lang kayo ng ikakahiya n'yo unprepared and predictable pa? Come on, step up! Be creative clout chasers!" ako habang tinatap ang buhok at mukha ng isang stupidents na nasa harap ko, "Don't fcking touch me!" si ategurl sabay hawi ng kamay ko. Ouch! Medyo may sakit ah. "How dare you to touch me! How dare you! Do you even know my fathe--* slap Yawn! Too boring. "For trash, you're too noisy at maarte pa! Alam mo dapat nga magpasalamat ka pa hinawakan kita. Alam mo bang unang beses kong humawak ng paa... And it's not even good." napakit naman sya dahil sa sobrang lakas ng boses ko sa megaphone. Bigla s'yang nakatahimik sa sobrang gulat, "b***h!" Aba! Kapal ng mukha ng lapastangan na ito. Talagang nagpamamatapang pa, walang kinatatakutan. Ha! Edi bigyan ng ikakatakot. "David?!" sigaw ko at umecho sa buong quadrangle. Agad namang umalis sya para kunin ang pinakapakuha ko, "Tss, ano ba gagawin mo? Ano bang paandar yan? Kaloka naman! I freaking need to retouch." si ateng pagurl. Isa pa 'tong madaldal din. "Hindi retouch kailangan mo... dasal ang mas kailangan mo." Aarte pa sana s'ya kaya lang... "Sige! Subukan mong ibuka yang madumi mong bunganga, isusungalngal ko sayo heels ko from Prada. Sige buka!" Napatakip naman s'ya ng bunganga n'ya, Saktong kakadarating lang ni David habang hawak- hawak ang mga pinakuha ko. "Ang tagal- tagal mo!..." hila ko sa kan'ya, Ano ba ang pinakuha ko? Well, Its their certificate of registration. Nandito sa folder na ito ang lahat ng kanilang records or forms. Pero, ano nga ba talaga ang gagawin ko? Hmm, di ko mapigilang matawa! "Rina Tompson, age eighteen....blahblahblahh..in fairness para sa bitchesa ang linis ng records mo and surprisingly wala kang criminal records... pero cheap ka pa rin!" Halos malalag naman ang panga n'ya pero wala akong paki. Super cheap nya pa rin. Next, "Kris Willer.... age, sixteeeeen?!" I looked at him head to toe. Hindi ba nagkamali ang PSA rito? For reaaaaaaal?! Mukha s'yang suki sa priority lane. "Bakit??? Di ka ba makapaniwala na mas fresh and mas skinny ako sayo, gurl! Wag ka nang tumalak!" taas noo nyang pagkasabi, aba kung makapagtaas noo kala mo kagandahan. "Nalilito ako sa sinabi mo, ako ata yung tinukoy mo? Bitchh pleaseeee... ayaw kong pumatol sa matatanda at hindi excepted ang mukhang matanda." sabi ko, Sasabat pa sana s'ya kaya lang. "In fairness sayo kahit mukha kang hindi gagawa ng mabuti. Wala kang kalat.... O baka naman isa rin ito sa pagmamanipula mo tulad ng edad mo." "You're crazy bitchh!" tanging nasabi na lang n'ya. Ngumiti naman ako. "Crazyyyy?! Are you underestimating me?! That's really rude, hun. I'm not just crazy...also I'm little bit psychopath.... but gorgeous," ako saka nilatag ko ang palad ko kay David, "Lighter..." Nang marinig nila ang sinabi ko halos maluwa ang mata nila at ang kaninang puro tawa sa paligid ay biglaang natahimik. Yes! They just get it how am I f*****g serious. "I'm just showing how am I capable of being a crazy bitch... and you know, sometimes doing crazy stuff is my great, great, great pleasure.... What I mean is I really love how I'm feeling very excited and gratified! Also, how my heartbeat is beating kooky during doing insane things....just wonderful!" ako habang nakatingin sa mga files nilang dalawa. Hindo naman nawala ang mga ngiti ko sa labi when I saying that dahil totoo naman, actually excited na ako. Super! "What the hell! What're you doing??? Are youuu out of your mind?!" si Rina habang turilong nakatingin sakin. Ha? Sinamaan ko s'ya ng tingin. Ang haba ng monologue ko hindi ba n'ya nagets kung ano sinasabi ko, "May mata ka, may utak ka.. kung meron 'man. Paganahin mo. Minsan di masama gumamit ng common sense! Wait, meron ka ba nun?!" ako partida nakamegaphone pa nga ako nito, Nakakaloka, ang hina magpick up ni ategurl. "You can't do that!!! Ang abusada mo! Ang sama sama mo! Ganyan ka ba talaga kawalang puso?! Ha! Siguro ang lungkot ng buhay mo?! Wala ka sigurong s*x life!" Tinignan ko lang yung Kris habang naglalabas ng kanyang insecurities sa buhay n'ya. He really hates me, huh! "For being desperate... di ka papahuli. Me? Walang puso? Malungkot ang buhay? Masama ugali?..... at walang s*x life?" nagtatakang tanong ko, Binigyan ko s'ya ng isang ngiting nakakaloko. "Bakit ang ganda- ganda ko?" ako sabay flipping my gorgeous and bouncy bangs, Grabe, sobrang pula na ng mga mukha nila halatang galit na galit na sila. "I swear, di mo kayang gawin yan. Puro ka lang porma at walang binatbat. Guuurl, style mo bulok!" si Kris. Nashookt ako! May hinuhugot pa silang katapangan. "Truueee! I know people like you are just the same, puro salita lang! Ha--* "Ha? Ano nga ulit." ako habang tinatapat sa lighter ang mga folders nila. Tinapat ko pa lang. Dahil maganda ako, bigyan pa natin ng chance! "Bitchhhh!!!!!!" si Rina, Okay. No more chances! "Oops." ako habang sinisilayaban ang files nila. Halos malalag ang mga panga nila sa nasaksihan nila na sinusunog ang mga files nila. Pero kabaliktaran ng akin. Halos mapunit ang labi ko sa kakangiti, Pero, "President! I'm so sorry!" "I can't hear you..." bingi- bingihan effect ko, Bigla namang lumuhod sya at gumapang papalapit sakin, "President Toniiiiii! I'm really, really sorry!!!! I'm wrong! Very wrong, I'm too bitchyyyyy please spare with me!!!!" Binigay ko kay David ang folder ni Kris at dali- dali naman n'yang pinatay ang apoy sa folder. And now, tumingin naman ako kay Rina na nakatayo lang mukhang walang balak magsorry, ang taas ng pride. Wala namang delikadeza, "Punyeta kang babae ka! Magsorry ka na!!" bulyaw ni kris sa kanya. "I know it's only a photocopy... I know---* "Like this?" ako saka kinalat ang mga original files nya sa sahig. Halos, nanlambot s'ya sa nakita n'ya at di na n'ya kailangan pa ng tulong at bigla s'yang napaluhod nang kusa, Aww, that's cute! "Youuu! How dare youu, I'm going to kill you--*slap Halos matumba s'ya sa sobrang lakas ng sampal ko. Sa kanilang dalawa, kotang kota na itong si Rina sa sampal ko at hindi ako magsasawang sampalin sya hangga't di sya nagigising sa pagiging bitcg n'ya. "Tigas ah! In fairness ang sakit sa palad ng mukha mo. Kaya ka ba ganyan kakapal? Dahil ba balat kalabaw ka... Miss Rina, let me remind you.. Pride will cost you everything but leave you with NOTHING." ako sabay tingin sa mga files n'yang nasusunog, Ang kaninang matapang na lobo ay biglang naging maamong tupa. Halos di s'ya makagalaw sa kinaroroonan n'ya sa sobrang di makapaniwala. Masyado kasi mapagmataas minsan kailangan din bumababa na kung wala kang itataas ng noo. "Ikaw kasi bakla ka ng taon...... alam naman nating gusto nating maging maldita tulad ni president..... pero di talaga natin kaya... surrender na beshie." hirit ni Kris, Anong pinagsasabi ng baklitang 'to? Gusto ko sanang tanungin kung ano yung sinasabi n'ya kaya lang... "I'm---I'm very sorry... President!" Tss, Magsosorry rin naman ang dami pang arte sa buhay. Nakakaloka talaga mga tao ngayon. What I mean is. Hinding hindi nila ibaba ang ego at pride nila kung talagang wala na silang alas na ipapakita pa. Hangga't di nasasagad ang kagagahan nila di sila titigil sa pinaglalaban nila. Idagdag mo pa yung mga taong close minded, kung ano lang talaga ang alam nila di nila yun bibitawan kahit mali at sarili lang nila ang niloloko nila. Hindi uso ang character development? Tinalikuran ko lang sila.... pero humarap ako kay David. "Nandito na po yung mga helpers, president." At nakita ko ang mga utilities personnel kong nakahilera. I call them helpers. Not janitor or what, I think they're deserve that. I mean, they're helping my school to be clean and I'm owe them a lot. "Hi! I just want to you meet your new helpers....for now!" Ako sabay tingin sa mga taong nasa likod ko. Naguluhan naman sila sa sinabi ko. "You! And You! Dahil ang kalat n'yong dalawa why not linisin nyo ang sarili nyong kalat..... Do something to improve yourselves wag yung puro kalat lang. Masyadong ginagawa nyong personalidad ang pagiging kalat!" Gulong gulo na sila sa mga pangyayari. Well, massisisi ko ba sila? "In short! Community service," ako at kinuha ang mga walis mula sa helper at binato papunta sa kanila, "But President--- "Aaete pa?... nasabihan na namin mga magulang n'yo about this and they're agreed to this punishment. Kung ako lang masusunod community service isn't enough pero maganda ako and considerate. Kaya wag kayong magmaganda d'yan!" Halos maloka sila sa sinabi ko. Aba! Dapat lang, ilang minuto ng buhay ko ang nasayamg ko sa kanila kaya pagbayaran nila yun. "Kung gusto nyong mabalik ang mga records nyo especially you Miss Rina...I advice you na magpulot- pulot ka ng kalat ngayon pa lang because you'll doing that in one week." Di naman sila nakapalag. Actually, photocopy lang talaga yung sinunog ko. And because they're not know naman kung ano original sa fake so I use that phrase. Gurrrl! I'm the queen of deceiving! Paalis na sana ako pero humarap ako sa mga natitirang stupidents, "Syempre, masyadong malaki 'tong buong school KO para sa dalawa!... So lahat ng anditong mga kutong lupa tutal nagsama-sama kayo for this cheap scene.... Y'all doing community service also...'Yan ang napapala ng mga mga chismoso!" "O, Ganda kayo?" me and flipping my bouncy bangs Inirapan ko na lang sila at umalis sa mga harapan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD