ATTITUDE 2

3132 Words
"Ugh, I really hate Mondays!!" tanturms ko habang nakaupo sa vanity dresser ko. Nakatingin lang ako sa sarili ko sa salamin. Habang nagmumugto ang eyebags ko dahil sa sobrang puyat. Puyat sa party from Robbie's bar, wala lang gusto ko lang ienjoy ang last night ng bakasyon ko. But, Two hours lang tulog ko! Utang na loob, wag n'yo kong kausapin. Nagdidilim ang paningin ko, A knock disturbed me from my tanturms. Tss, Sino ba itong katok nang katok at sino rin s'ya para pagbukasan ko s'ya ng pinto. Duguin ang kamay n'ya sa kakatok pero di ako tatayo, tch. Bigla naman bumukas ang pinto, pero nakadama agad ako ng masamang hangin kaya napatingin ako sa pinto, at kita mo nga naman. Kung nakakapaglakad lang talaga ang salitang pangit, walang duda. S'ya ang makikita. Ang pangit. Napakapangit! "Ikaw talagang bata ka! Halos duguin na yung kamay ko sa kakatok di mo pa buksan- Ha! Hindi na nya natapos ang sasabihin nya. Dahil umentrata agad ako. "BUHAY KA PA PALA WENDY?!" takang tanong ko sa sugo ng kapangitan. By the way, I want you to meet. Wendy....She's half human, pure GORILYA. At bitchesa din sya.. At proud pa! S'ya lang naman ang mayordoma sa mansion at s'ya rin ang nagsisilbimg mata ng aking magaling na ama para sakin mula nang iwan nila ako magisa at talikuran dito. At iyang si Gori dinaig pa ang cctv kung makamasid yan sakin, bawat galaw ko. Dapat alam n'ya pero dahil ako si Toni Baklita...manigas s'ya kakaalam. Pero, Nakabalik na pala s'ya. Sayang, kala ko magtatagal pa s'ya sa ospital. Di ko 'man lang ako nakatunog. Edi sana may pawelcome home party akong paso para maospital s'ya ulit. Ang sad! Iba talaga kapag masamang damo, extended ang buhay. "ANONG ORAS NA AH!" Aba't ang lakas talaga ng loob. Nanliit ang singkit kong mata at tinignan s'ya. Wala bang magawa itong gorilya na ito at kumatok lang para magtanong kung anong oras! "Oras? Okay.. Wait." pasweet kong sabi saka kinuha ang alarm clock ko at binato ko sa kanya. "ORAS MO NA PARA MAMAALAM!" Pashneyang 'to...." Ganyan ako maglambing. Actually sa sobrang paglalambing ko sa kanya nilalaglag ko ang vase from 2nd floor at tumama sa kanya kung minsan naman inaapoyan ko ang hawakan ang mga kaldero para mapaso sya. Meron pa, Pag sobrang bored ko. Sinusunog ko ang mga damit n'ya minsan nilalagyan ko ng asin ang kape nya tas pag sinipag ako.... Papalitan ko ng dishwashing ang shampoo nya. Something like that, Am I super lambing diba?! "Wala ka talagang modo! Muntik na akong tamaan sa mukha! Walang hiya ka talagang bata ka, suwail ka. Napakasama ng ugali mo," "Sayang. I missed, saka pwede ba. Wag mo kong artehan. Kahit anong ibato d'yan sa mukha mo.. Walang magbabago, if ever man na meron, malilito kung saan ba binato dahil puro bako-bako." Eto talagang gorilyang ito ay sinusukat ang pasensya ko. Sorry sya, wala syang masusukat dahil wala akong pasensya. Lalo na't puyat pa ako ngayon. "Hoy bakla gusto mo ireport kita sa daddy mo! Ang sasama sama talaga ng ugali mo. Ako na nga nagkusang loob para gisingin ka. Eto pa igaganti mo sakin. Napakasama talaga ng ugali mo! Humanda ka at makakarating sa daddy mo yang pinagggawa mo sakin." Di ko mapigilang mayukom ng kamao. Halos mabali na yung suklay na hawak ko, Ganyan ang lagi n'yang panakot sakin. Laging magsusumbong s'ya sa daddy ko. As if naman na may paki ako?! Tutal sirang sira na naman ako sa mga magulang ko. Ano pa dapat ang ikatakot ko? At salamat sa tulong n'ya sa pagsira ng image ko sa mga magulang ko! Tinignan ko sya ng pagkasama sama habang naglalakad papunta sa kanya. Kung ang pagtitig nakakamatay, matagal na syang nakaramay. "Excuse me, gising na ako bago ka pa magbida bida saka bakit utang na loob ko pang gawin ang trabaho mo? Ano ka ba dito sa pamamahay kong gorilya ka?! Diba katulong." sigaw ko sa kanya pero di s'ya natinag "Isusumobong talaga kita sa daddy mo! Malamang sa malamang magagalit na naman yun sa kabastusan mo- Di ko na sya pinatapos pa! Dahil pabadog kong tumayo. "Magsusumbong ka lang pala, gusto mo samahan pa kitang gorilya ka.. O baka naman gusto mong paliparin kita papuntang Amerika para mapadali lang yang trabaho mo tutal bida bida ka!" "Wala ka talagang respeto!" matapang na sagot n'ya, Ayan na naman s'ya. Nakakabobo! "Bakit ba gustong gusto mong respetuhin kita? Masyado kang uhaw sa respeto, wag kang ganyan gori hindi bagay sayo saka ayusin mo muna kilay mo saka ka humingi ng respeto." Aarte pa sana sya kaya lang. "O, ganda ka?" At di na sya nakapalag at umalis sa kwarto ko, Kainis talaga ang babaeng yun. Di pa mawala wala sa landas ko! I'm on my final touch when someone beeps me on my phone so I just answered it while I'm finishing my routine. "President.. San ka na ba?" "House.." Nakarinig naman ako ng dismaya sa kanya which is di ko mapigilang matawa. "President, magsstart na yung program. Ikaw na lang hinintay ng mga freshma--* "Dapat lang," ako sabay apply ng lip gloss to make my lips glossy. Perfect! Killer eyebrows, check! Gorgeous cat eyes, check! Skin glass, check! Glossy lips, check! Oh no Toni! Ano n lang ang di maganda sayo, lahat ata sayo perfect tapos mayaman ka pa? Ano na lang di mo kayang gawin? Oh no... Di ko gusto ang pumapasok sa isip ko, Me? Magiging nice?! Saksakin nyo na lang ako! "President... Nakikinig ba kayo?" Oops, nagsasalita pala sya. My bad! "Hinde.... pero I'm on my way. Maghintay kamo sila." End of call. After an hour nakarating na kami sa school. Di naman malayo ang school ko mula sa mansion. "Sir Toni... Andito na po tayo," saka patay ng makina ni kuyang driver, Pero bago ako lumabas. Napatingin muna ako sa napakalaking logo. "PINAGPALA UNIVERSITY OF ASIA" Sa loob ng tatlong taon. Eto lang ang tanging bumubuhay sakin. Ang school na nagsalba ng buhay ko, ang tanging iniwang bagay sakin ng mga magagaling kong magulang pagtapos nila akong iwan dito nang magisa. Nakakatawa nga, bago ito maging sikat. Sobrang gulo nitong school na ito kung di ko pa aayusin di ito magiging tanyag sa iba. When I say iba... Mga mayayamang families, What's my secret? My marketing plan. Which is.... Eliminate the good students... Let the b***h and jerks to stay. Ang gulo diba? Well, dahil isa ako sa mga bullied students dati kaya naipisan kong itira ang mga bullies para turuan sila ng leksyon. Di ako si Lord para magpatawad kaya I took a revenge, Kumbaga... Take their own medicine para naman bumait at magbagong buhay. And guess what! Naging effective ang marketing plan ko... Simula nun ay naging kilala na ang school KO para sa mga pariwarang mga sutil na anak na gustong magbagong buhay. But... In one condition, You must be filthy rich and basic b***h and jerk. Bago ka makapagenroll sa school ko magbaback ground check muna kami. Like kung kaya nyo ba ang tuition fee dito. This is not your typical school. It also can performed very well like the other international schools di naman sa pagyayabang pero.... dapat ipagyabang. And I did all by myself. At yun ang dapat ipagyabang ko, Walang tulong ng mga taong tumalikod sakin. As I could remember. Nung time na umalis ang mga magaling kong magulang. Sinabihan lang ako ng secretary ni daddy na ako na raw mamamahala sa school dahil hindi na raw ako bibigyan ng allowance, so lahat ng kita ng school ay nakapende sa pamamahala ko. Kaya ako ang nararapat na magmana nito. Hindi pa sa ngayon. As of now, ako lang ang namamahala pero di pa talaga buo sakin ang school KO. There is a contract na once na di pa ako ganap na twenty one years old di pa sakin mapupunta ang full pledge ng school KO. And I can't wait, Almost two months to go before my birthday. And I can't wait to see the announcement of my officially president of MY school.... And wala na akong ibang nakikitang magmamana nito. Kundi ako lang! Dahil dugo't pawis ko ang nilaan ko dito, Magkakatanggalan muna ng kilay bago nila makuha ang school KO, "Sir Toni??!" Tawag sakin ng driver ko. Kanina pa pala nakabukas yung pinto at mukhang naiinip na sya. Sorry ah! "Tss... Tabi!" ako saka marahang bumaba at habang nakasuot ang cat eye sunglasses ko from Gucci. I'm walking towards sa hallway ng papuntang gymnasium ng school KO. I stopped. Tama ba itong nakikita ko? May mga estupiydante pa akong nakikita habang magstastart na ang first day ceremony?! Aba, balak ata nila akong palitan sa pwesto ng pagiging late. Ayoko pa naman sa lahat ng nasasapawan. "Ehem." Parinig ko, malay natin makadama. Kaso mukhang malabo makadama. Hindi pala malabo. Kundi hindi talaga makakadama lalo na't kilala ko pa itong nasa harapan ko, Kilalang kilala ko, "Really? As in! Gosh! You're so sweet pala.. I wanna hug you Jackson." Saka niya yinakap ang lalaking varsity. You heard it right! Varsities, imbes na nasa court nasa hallway mo sila matatagpuan. Tss, Kaya hindi nagtatitle e. "Welcome baby." Sagot nung Jackson saka niya hinalikan sa labi ang kaharap n'ya. Yuck! Napaismid na lang ako nang wala sa oras. Alam mo yung wala ka pang almusal tapos kaumuyan agad ang bubungad sayo. "Baka naman gusto n'yong pumuntang motel para ituloy yang live porn n'yo?" pagsingit ko sa mapupusok moment nila, Tumigil naman sila sa live porn na ginagawa nila saka sila humarap sakin. "Paki mo baa? Edi pumunta ka----To-Toni?!" Nauutal n'yang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay habang nakapamewang. "Surprise.... your one and only nightmare.... 2017 na Ferdie, wala pa ring character development?" Ako, nakita ko naman na nagbago ang itsura n'ya. Balik sa dati kung gaano sya kapangit, "Wha-what!?" Ferdinand Sandoval, Ang baklang bukod tanging kumakalabin sakin ngunit ni minsan di umabra sa akin. Masyado rin s'yang mapapel. Trivia, he's my ex-bff. "Sinasayang mo oras ko. May nabalitaan ka na bang nakapunta sa kinaroroonan na hindi ginagamit ang paa?" Nagulahan s'ya sa sinabi ko, "Huh? Paano kami pupunta kung di namin gagamitin paa namin? Ano magfafly kami?! Funnyyy, you can be clown.. Toni!" s'ya sabay tawa. Sinabayan ko naman ng tawa, "You're wrong my darling Ferdie. We're all clowns but... except for me." Nagpause muna ako, "Paano kamo kayo makakapunta sa gymnasium na di ginagamit ang paa?..... *smirk*" hinawakan konaman ang mukha n'ya "Eto, mukha mo ang ilalampaso ko para makarating sa gym.. Kaya pagdilat ko dapat wala na kayo" banas kong sabi sa kanilang dalawa, "Ta-tara na, Ferdie.... Punta na tayong gymnasium." sabi ng kasama saka nya hinila papasok sa loob, Napairap na lang ako sa ere, @GYMNASIUM "Let me introduce to you. The young achiever, talented..... beautiful? And.... Gorgeous.... And uhmmm, skinny legend.... Hehe, President Toni Pinagpala. Let's give a warm of applause," deserve ko yun, ako ang nagsulat ng intro kasi ako ang ipapakilala might as well ako ang magsulat baka kung ano pa ang isulat nila, And right after nyang matapos ay agad bumukas ang pinto ng gymnasium, Alexa play READY FOR IT.... by Taylor Swift. At marahan akong naglakad papunta sa stage. Habang nakataas ang noo, Batid ko naman ang mga matang nakatingin. Mga matang minsang humusga sa pagkatao, but it's not important anymore. I've moved on. Yung mga pambubully nila sakin walang wala yun sa mga pambubully kong ginagawa sa kanila. Ngayon! Katahimikan, Tunog lang ng heels ko ang maririnig sa apat na sulok ng gymnasium. Which is nakakaboost ng aking kagandahan. Di ko mapigilang mapaismid. Ayan, ganyan nga. Dapat masindak kayo sakin lalo na yung mga bagong saltang mahahaba ang sungay na dapat putulin. By the way, This is our first day of school.... Meaning...... an endlessly orientation for new stupidents. Three years ko na itong ginagawa at sa loob ng three years kong nagpapakilala sa stage may hindi magandang nangyayari, trust me. Pati ngayon may di magandang mangyayari. Marahan akong umakyat ng stage at pumunta sa platform kung saan magsasalita ako. Minata ko muna ang design. Impressive, Not unlike last year. Na tinulak ko pababa at natumba sa sasahig sa kadahilanang sa sobrang plain ng design at di nagcocomplement sa ganda ko, nakakainsulto! Buti naman at nadala. Nilgay ko muna ang berkin bag ko sa harap at tinanggal ang shades saka ako nagsalita, "Hi, stupidents?" Nakadinig naman ako ng samu't saring reaksyon, lalo na sa mga freshman students. Hindi naman ako natinag well, kahit kanino di ako matitinag.... "Okay, cut that crap! Ayaw ko ng may sumasapaw sakin. Hindi ako nagising ng umaga para magdrama kayo sakin...." Tinignan ko naman sila. Puro rested b***h face, wala man lang akong nakitang nakangiti, I love this batch! "Anyways, I'm TONI PINAGPALA... But you will call me President. Explain ko pa ba kung bakit? Isn't obvious right?..." Inayos ko muna ang bag ko sa harap, anchaka ng angle eh. "Well, yung iba sanyo kilala na ako pero for those newbie out there. Magpapakilala ako.... through my rules." tumingin ako sa secretary kong si David, the super ever aligaga. Then pinindot n'ya ang remote to flash the image sa screen. Honey, we don't do projector here. That's not our style, "First rule.... Don't be a b***h or a jerk *tumingin ako pabalik sa mga stupidents* tulad ng sabi ko kanina. Ayokong may sumasapaw sakin. Ako lang dapat ang bitchesa dito... *smiles Next... Second rule.... Dropout or kick out punishment for those stupidents doesn't follow the first rule.. My dear students, wala nang intro- intro.. Ayoko nang may basura sa school KO." Halos lahat ng mga newbies ay nakanganga sa mga sinasabi ko unlike sa mga old stupidents na napapairap na lang sa ere. Don't worry, I'm used to it. Alam kong pinapatay na nila ako sa isip nila, "For my third and last rule.... Don't ever start with me, di nyo magugustuhan na magalit ako..... Okay, understood stupident?" Wala namang feedback or violent reaction.... "Good.... Be a normal students in your first day, wag nyong gawing sabungan ang guidance office... Makakatikim kayo sakin." So I pack my things, pababa na sana ako nang.. "Is that what you called a rule?? Seriously?!" *smirk This what I'm waiting for, this time isang babae naman. Last year kasi mga lalaki silang nagsisigaw... Hays, Sabi sanyo. Hindi matatapos ang seremonyang ito na walang nagaganap na hindi maganda, I flashes my sweetest smiles.. Then binalik ko ang bag ko sa platform, "Kind off... But it's not a rule to be honest. It's my Law," Natawa naman sya sa sinabi ko. "A law? Really! You make me laugh till die! That's piece of s**t, calling you that a law? Hah! Even a grade schooler can do that kind of law! Pathetic," S'ya saka naglakad papalapit sa stage. Partida nakapamulsa pa habang naglalakad, *Phew Did she just spit out on my gymnasium?! "I thought this school can do better than my previous, well let me tell you. I'm fcking disappointed... Sa rules pa lang. Malaking bullshit na, paano pa kayo itong school mismo tapos yung mayari pa ay isang nonsense human being... This is plain stupiid!..." Saka s'ya humarap sa mga kaklase n'ya. "Who wants to hang out with me, my treat don't worry about this s**t--- "Hmm, Janine Tycoo.... 18, a daughter of the most controversial businessman Felipe Tycoo... Under investigation because of human trafficking and s****l assault of tons of male employees??..... Hmmm interesting.....Janine went to rehab for sixth times for Juvenile delinquency..... For sixth times? Really! Wow, that's f*****g incredible huh,!" ako sabay tingin sa kanya, Halos di sya makagalaw sa kinakatayuan n'ya. Ang kaninang maangas na Janine ay parang maamong tupa na handang sakmalin ng lobo, Hays, "Grabe ka Janine...Amazing for a your age huh.. In fairness aga mo naging mulat." ako habang nakatingin sa kanya Nanalalaki ang mga mata n'yang nakatingin sakin. "Interesting, very interesting.... Miss Janine... Wait, let's continue maybe may I have found more interesting here.. Hmmm, Aha! The most recent is.... Oh no-- "STOP!" Sigaw ni Janine Tycoo a.k.a the amazing girl. Ngumiti naman ako sa kanya habang s'ya ay natatarantang nakatayo sa ibaba ng stage, "Why?" maangmaangan kong tanong, "YOU FAGGOOOOOT!!!!" rinig na rinig ang kanyang boses sa buong gymnasium. Tumingin naman ako kay David na di makapaniwala sa pangyayari, "David, show the slide number three...." "Ye- yes, madam!!" at agad naman n'yang sinunod. "Di ka ba nakikinig? di ka lang pala may attitude problem may hearing problem ka rin. Sabi ko naman diba Huwag na wag akong sisimulan kasi mapagpatol ako... At hindi mo gugustuhin ang balang itatama ko sayo, masyado kang maangas Miss Janine," ako sabay iling, Binasa ko ulit yung records n'ya. "I'm not judging you pero likas sakin ang maging judgemental...." Ngumuso pa ako para mas lalo s'yang mainis, "Literal na patapon ka raw? Sa true ba?" Pero binigyan nya lang ako ng dirty finger. Hanga ako sa katapangan nito! "Sampung beses ka raw nakick out??? Oh no! Sabi pa rito... some other school don't want to accept you anymore because you were blacklisted......Sa true ba ulit ang chismis?!" I heard everyone gasp when they hear what I say, actually I'll do the same either kaso di nakakaganda ang ngumanga. "HOW DARE YOUU! YOU DON'T KNOW EVERYTHING ABOUT ME--- "But your record says it all... Honey, and surprisingly it's screaming on your attitude.. Okay, don't worry about it Miss Janine.... Your record?" Habang tinitignan ko syang nakakaloko. Gustong gusto ko talaga yung mga taong masyadong matapang tapos bilang mangangatog ang binti. " .... I'll make it more interesting." "WHA- WHAT DO YOU MEAN?!!" Sigaw nya, "Sumpong schools ang sinipa ka? Why not gawin natin labingisang schools....And it will happen today!" "WHAT THR f**k ARE YOU SAYIN--* "Guard, get her ass out! Ayoko ng ugaling basura sa school KO..... Aaminin ko, mga b***h and jerks karamihan sa mga students ko pero di ugaling basura, Yung sayo ang lala. Hindi mo lang inuugali, isinasapuso at isinasatao mo pa. Palayasin nyo yan sa harap ko!" Hello, totoo ang sinabi ko. Kahit mga kulang sa aruga ang students ko di sila gagawa ng karumaldumal na gawain tulad ng babaitang ito. Judgemental na kung judgemental pero di ko s'ya kayang tulungan. Bad attitude lang ginagamot ko hindi pagiisip at utak. She must seek a professional help. "WHAT?!? HELL NOOO!!!!" s'ya habang dinadapot ng mga gwuardya sa gymnasium. Ngumiti naman ako sa mga students ko. "Who's next?" all smiles kong sabi sa kanila pero walang sumagot. Good, maaga akong natapos pwede pa akong matulog at magrelax. Nakakadrain ng utak ang first day. So chaotic! So mukhang walang susunod kaya kinuha ko na rin ang mga gamit ko saka sabing... "Welcome to the hell... my dear students..." "O, ganda ka?" Then I walk out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD