ATTITUDE 1

1570 Words
"Pak, ang ganda..." Sino sinasabihan ko? Malamang sa malamang. AKO! Wala namang ibang maganda rito. Bukod sakin. After kong makita ang sarili ko sa reflection ng salamin sa isang boutique store. Taas noo akong naglalakad dahil nakakahinayang naman kung itatago ko itong kagandahan ko. Sayang baka may taong insecure sa buhay. Edi may dahilan na silang malagay sa tahimik. At isama nila sa hukay yung inggit. Coz, Insecure people don't deserve to breath. Amen! Well jealousy is the root of evil. At nakakatakot yun. Been there, done that... And the one you really thought can't hurt you is the people who can stab in you in the back. Alexa... play This is why we can't have nice thing by Taylor Swift. So wag nyong iinvalidate ang nararamdam ko towards insecure people because they're the worst. Anyways, Ang jinet- jinet naman dito. Nandito ako sa plain na park na kung tawagin ay "Ayala Park" . Medyo ang hot nga tapos dinagdagan ko pa. Ha! sana kayanin ng mga tao dito. I bet hindi nila kaya. Mahingin? Nope. Sadyang maganda lang. Thank God! I brought my Metallic mirrored designer sunglasses from Louis Vitton.. Masyadong masasakit kasi sa paningin. Buti sana kung sinag ng araw ang nakakapaso mas mainit pa sa araw ang tinginan ng mga tao dito, gets ko naman. Gets na gets kong gandang ganda sila sakin. Pero wag ipamukha, may salamin ako, pleaaase! Hay lifeee! Sa true lang. Parang mga ignorante mga tao dito, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Buti na lang pala nagmall ako kahit bago man lang kunin ang katawang lupa nila ang kagandahang kong mala-dyosa. Mahangin?? Uulitin ko. Maganda lang talaga. Medyo unti nga lang yung binili ko. Five boutiques lang yung di nagsale. Chineck ko naman, di naman a-kinse. Nakakaloka lang! Bakit pa kasi nauso yang sale na yan. Kung hindi mabili, itapon na lang or much better idonate. Mageeffort pa! Kahit magmura pa yan kung pangit talaga, walang kukuha. Wag umasa! Naglibot pa ako, Habang naglalakad ako di ko kinaya ang mga matang nakatingin sakin, nung una keri ko pa pero sa part ng park na ito... May grand eye ball ang mga hypebbeast? Bakit nagkukumpulan? Ang sasakit sa mata ng mga outfit nila. At sinong matinong taong magneneon color ng damit sa tanghaling tapat? Tss, Pero buti sana kung nagkukumpulan. Wala akong problema pero yung magbulungan habang naglalakad ako. Not today! Darling, "Problem?!" mataray kong sabi saka nanan sila nagsiiwasan ng tingin. Mga bastos! Nagtatanong tinalikuran ako. Ganun ba ako kapretty para people mascary sa aking beauty?! Hay! Dedma at pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at nang mapagod ako. Nagdecide akong umupo sa isang waiting bench dito. Mukha naman akong tanga kung maglalakad lang ako, correction... Magandang tanga! *Tumingin sa paligid. *Nadisappoint *Nagselpon For reaaaaal?! Ako lang ba talaga ang maganda sa lugar na ito? "Here's your order po ma'am... Enjoy." Agaw atensyon sakin ng crew from Starbucks. I just ignored him. Waste of time. But I almost forgot na nagorder pala ako. Sobrang agaw atensyon kasi ng mga tao rito. Sa sobrang agaw atensyon. Nakakawalang gana. So, Inalis ko muna yung sunglasses ko at yung coat ko. Required ba yun? Oo. Lalo na sa mga mata ng inggiterang nasa paligid ko. Hindi naman ako manhid na usap usapan ako. Sanay na ako maging center of attraction actually. Medyo nakakaoffend lang kasi ginawa nila akong isa sa mga seven wonders of the world panay pictures. Alam kong maganda ako pero mukha ba akong living attractions?! Buti na lang photogenic ako, maganda kahit saang anggulo. Anyways... Syempre may iilan dyan na nakanguso ang maiitim na labi at nakakunot ang maraming wrinkles na noo habang haggard na pinapatay nila ako sa isipin nila. Kaya nga yun ang purpose bat ko tinggal ang coat ko at sunglasses ko. Wala lang, gusto ko lang makita nila kung gaano sila pinagkaitan ng kakarampot sa kagandahan. I don't know pero gustong gusto kong nasasawapan yung mga inggiterang palaka sa paligid tulad na lang ng katabi ko... "Di naman maganda yan teh, maputi lang...." See? Napaismid naman ako habang umiinom ng inorder kong ice coffee sa Starbucks, Napatingin ako sa balat kong alagang Belo. Gurl, di nga nahirapan si Vicky Belo sakin kasi natural na ang kagandahan ko. Natawa ako nang slight. You know what people these day are getting tougher, And minsan need din natin silang sampolan. Para naman kabahan sila, ginagawang ugali ang basura. Nakakabahala! "Tignan mo.. Saka yung mga gamit nya mukhang made in china.. Para sya lang, peke..saka tignan mo ilong nya. Mukhang peke hihi." Saka sila nagtawanan. Napatingin ako sa sunglasses ko from LV worth $45,890 and my Hermès Himalayan crocodile Birkin bag, priced at $432,000.... and to my Gucci lace trim mini dress worth $2,345. Di lang mga pangit, ignorante pa. And excuse me? Ilong ko peke. Ha! Kapit magsampalin ba kami ng Hermes bags hindi ito madidislocate. Lapastangan! "Mukhang di naman papalag yan. Yung mga ganyan mga takot yan silaaa haha puro retoke lang ang alam. Natatakot baka masira yung mga pinaretoke nya, Natuyo na utak sa botox!" At nagtawanan sila ulit. Di pa pala tapos. May pahabol pa. "Truu yan mare, ewan ko ba bat ba yan nagpunta dito eh may mas sosyal naman na mall.." "Syempre pabida tas kulang sa aruga kaya naghahanap ng atensyon dito kala mo naman kagandahan..." Ang tatalas ng dila mga mare. Di ko kinakaya. Ay wait mukhang tapos na sila. Ako naman.... Kinuha ko naman yung ice coffee ko saka ako marahang tumayo, "Pinaguusapan nyo ba ko? Sana kung pinaguusapan nyo ako, wag kayong magbulungan para marinig ko lahat...." pasweet kong pagkasabi. Nakita kong tumaas yung kilay ng isa. In fairness ah, buhay pa ba yung nagkilay sa kanya pero kung sya ang gumawa... nakakatakot. "So what kung ikaw nga..." sabi ng isa. Pinagmasdan ko naman sya. Patawarin ako pero mukha syang nanay na may sampung anak. Lahat puro panganay! And because of that. Lahat ng attention ay napunta samin. Which is great! I really really love attention because it deserves me, "Bakit tatapunan mo ba kami ng kape?" sabi ni ate kilay at taas noo pa s'ya. Aba, makapagtaas noo kala mo kagandahan. Gusto ko confidence nitong si ate, masyadong kinulang sa kape. "Kinoconfirm ko lang kung ako nga yung kinaiinggitan nyong dalawa. In fairness din naman sanyo mas may time pa kayong manlait kesa sa manalamin. Pick a struggle naman!?" Habang minamata ko silang dalawa. Halos di sila makapaniwala sa sinabi ko. Teka lang naman, nagwawarm up pa lang ako eh. Di pa ako sagad. And inangat ko naman yung ice coffee ko, "At eto?, itatapon ko sanyo. Ano to telenovela? Guurrrrl! b***h please..."ako habang natatawa. Sobrang funny nila. Sa sobrang funny nila gusto ko silang ilagay sa circus at makipagfamily reunion sa mga kapatid nilang hayup doon. "Sa itsura nyong dalawa, mas uunahin nyo pang paganahin yang mga dila nyo kesa sa maligo, tas gusto nyo buhusan ko kayo? Ano kayo damo?!" "Grabeee ka ahh!! Ansama ng ugali mooo. Sino ka ba sa akala mo kung makapanghusga ka, bakit Dyos ka ba?!" tumayo yung mukhang nanay Ouch, nahurt ako dun. "Ako, masama ugali?...Ang nakakatawa lang. Sakin ugali lang ang masama, sayo..." Tinigna ko s'ya ulo mukhang paa "L-A-H-A-T!" Magsasalita pa sana s'ya kaya lang. Pinalad ko sya. I mean, tinapat ko ang palad ko sa mukha nya. Ayoko syang sampalin. Mahal magpaderma ng palad. "Wag mo namang solohing maging pangit, magtira ka naman para sa kaibigan mo... Look! Naoverdose sa confidence kinulang naman sa ganda." Nakarinig naman ako ng tawanan. Kaya mas lalo silang naging pangit I mean, nagalit. "Anong sabi mooo! Grabe ka na matapobre ka pala eh, deserve mo na lahat ng sinabi namin" sigaw nya, Aww, cute! "As if naman masasaktan ako sa mga pekeng panlalait nyo...actually mas mas masakit pa kayong makita. Ang sakit n'yo sa mata, pakibulsa naman ng mga mukha." Nakarinig ulit ako ng tawanan. "ANONG SABI MOOO!?" Di lang pangit physically at emotionally. Bingi pa! Gusto pajulit-julit. "Oh!" abot ko sa kanya. Nagtitigan naman silang dalawa. Na parang ang isang magandang tulad ko ay magpapakumbaba para sa kanila, Well I'm doing a charity, darling. "Nangangawit na ako! Kukunin nyo ba o itatapon ko sanyo tulad ng gusto nyo," bulyaw ko sa kanila. At kinuha naman nila, "There, sanyo na yang kape ko. From Starbucks yan and FYI mahal yan, di lang yan mahal nakakapagbawas din yan ng kapal ng mukha at pwede na ring pampagising sa mga tulad nyong malakas mangmata pero kinapos naman sa ganda....." Minata ko silang dalawa, yung tipong nakakadiri silang makita. Gusto kong maramdaman nila na di sila worth it, "Minsan looks can be deceiving. Kung sino pa yung pangit sila pa yung anlakas manlait. Saan n'yo ba hinugot 'yang lakas ng loob n'yong dalawa? Sa ilalim ng lupa? Let me remind you something... Hating me won't make you petite, never! Tell me... is being stupid a profession or both of you are just gifted." "Gago-- And for my final wave, "O, ganda ka?!" ako sabay walk out. Masyadong masakit sa paningin ang mga mukha nila. Nagwalk out ako. Masyado na silang masakit sa mata. Habang palakad ako. Naririnig ko ang mga bulungan. Lumingon ako. Pero binigyan ko lang sila ng ngiti at sinout ko ang sunglasses ko from LV. Sino ako? Well.. I'm TONI PINAGPALA. Half lalaki, Half babae. Pure Baklita. ANG BAKLANG BUKOD NA PINAGPALA SA BALAT NG LUPA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD