LAST DAY

2285 Words
Pangatlong araw na nila dito sa Palawan and today, they will be exploring the different tourist places. Naunang nagising si Alex at sa pagdilat ng mata nya, si Mylene ang nakita nyang nakaharap sa kanya, nakapatong ang kamay  sa kanyang dibdib at  mahimbing pa ring natutulog. Di nya maiiwasang titigan  ang napakasimple at maamong mukha ng asawa. Nakapikit ang mata na may mahabang eyelash, ang kanyang nakagigil na pisngi na madaling namumula pag nahihiya, ang kayang flawless at poreless na mukha na kitang kita ang mole nito sa pisngi at bibig at ang malalambot at pinkish nyang lips.... They say, a woman's real physical beauty can only be seen and revealed sa paggising nito sa umaga. Ang natural na ganda ay ang gandang di nakatago sa likod ng make up o ano mang palamuti at kolorete sa mukha. And that's so true with Mylene. Lalo na't kita nya ang after s*x glow sa mukha nito kahit na tulog and Alex was glad that he was the reason for that glow. He couldn't help but think of what they did last night. Grabe ang intensity ng kanilang love making, and he felt that their bodies were made to let each other enjoy. Di nya kelan man naramdaman yan sa iba't ibang babae na nakatalik nya. May ibang dulot na saya at sarap ang pag-iisa nila ni Mylene. Inisip nya na baka dahil may ibang inclination na kapag asawa mo na, at kasal kayo. Kesa sa mga babaeng nakiklala mo lang at naka one night stand. Ewan, basta iba,  at di nya yun mapaliwanag. He felt like gusto nyang mataglay ng buo si Mylene... As in buong buo.... Na parang di na lang sya nakuntento sa set up nila ngayon. He wanted her to be his... totally... yung walang pretentions. Isa itong pariramdam na very unfamiliar sa kanya. Dinampian nya ng halik ito sa labi bago bumangon at tinakpan nya ang hubad nitong katawan  ng kumot. Mylene stirred and tried to open her eyes to wake up. "Oh sorry, I woke up late. Anong oras na?" she asked. "It's ok. It's still early. It's only 6 am. Nauna lang akong nagising sayo. Go back to sleep. I know you're tired." nakangiting sagot nya sa asawa. "Ah..No, just give me a few minutes at tatayo na ako. " Mylene said. "Nah, that's ok. I'm taking a shower. I'll wake you up na lang after I'm done... Unless you want to take shower me with me." sabay kindat at ngiti nyang sabi kay Mylene. "Oh, I'd rather not. I ache everywhere... Parang di na nga ako makakatayo dito. Ewan ko lang sayo bakit ikaw parang okey lang." she complained. Then she squinted her eyes at him. "Kung sabagay, sa mga experiences mo, it's no wonder that your body is already used to it. You won't be labeled as a playboy for nothing," she murmured habang nakapikit ang mga mata nya pero narinig pa rin ni Alex. "Uy, teka lang po Madam. That's not true. Those are just rumors. I am not a playboy. May natural charm lang talaga ako. You just don't see that because you choose not to see it. Good boy ako, kala mo no." he said, defensively. "Whatever Alex!" was her only reply at tinakpan nya ang kanyang ulo ng unan. ***** Pagkalipas ng ilang araw sa isla, di nila namalayan that its the last day of their honeymoon. Uuwi na sila ng Maynila after lunch. Sa ilang araw nilang makasama, unti unting may nabuong pagkakaibigan ang dalawa. It was more than just the intimacy they had shared that made them comfortable with each other. May kakaibang bond ng marriage na ang andun at kasama na ang acceptance sa kanilang sitwasyon at respeto sa isat isa bilang mag asawa. Those were the things they both realized habang magkasama.  Nawala na rin ng bahagya ang discomfort ni Mylene kay Alex, at unti unti nang may pagkakaintindihan silang dalawa. Habang nasa byahe, Alex asked her kung saan sila dederetso. "So, where to after this? Is it your place or my place?" he asked casually.  Ano daw? Parang nagtatanong lang sya sa mga babae nya kung saang gustong makipag s*x! Alex realized what he said when he saw his wife flinched at tinaasan sya ng kilay so biglang bawi nya sa kanya. ".... I mean, where do you want us to stay.. I mean, live pagdating natin ng Manila? We havent discussed that yet." Pareho silang dalawa na may penthouse sa BGC. In fact, halos magkalapit lang ang kanilang units. Di nga lang nila alam na magkalapit lang pala sila. Pero di na si Mylene umuuwi sa kanya, simula nang maghiwalay sila ni Juancho. Iisang building lang kasi ang unit nito sa kanya. So she had temporarily abandoned her unit for some time now. "Oh well, I would prefer mine than yours, of course. Ayoko kong maging isa sa mga babae mong iniuuwi mo sa yong bahay." Mylene rolled her eyes again. "For you information Mrs. Montreal, di ko ugaling mag uwi ng babae sa bahay ko kung marami namang hotels sa Manila. And for your additional information too, wala rin akong babaeng pinapapasok sa bahay ko maliban sa mommy at kapatid ko. And si Nanay Osang." napangusong sambit ni Alex sa asawa. Nagtatagisan sila ng tingin sa mata, pero naunang sumuko si Mylene kasi bigla syang namula nang tinawag syang Mrs. Montreal kayat una syang umiwas at inirapan nya ito. Dahil dun napangiti si Alex. "Nakailang irap ka na sa akin ha. Roll your eyes on me again at hahalikan kita dyan!" bulong ni Alex sa kanya na mas lalong nagpapula sa pisngi nya. "What????" tanong nya kahit dinig nya ang sinabi ni Alex. Wala lang syang ibang masabi na pwedeng ibato pabalik kayat napapa "what" nalang sya.  "Nevermind. Sleep ka muna. I'll wake you up pag nakalapag na tayo." She then closed her eyes at nakatulog. Madaling patulugin si Mylene lalo na pag nagba byahe sya. Na rerelax kasi sya sa mga ganito. Di na nya namalayan na nakasandal na sya sa balikat ng asawa at nakahawak sa kamay nito. Alex liked it. He felt like naging vulnerable na ang asawa nya at naka depende na sa kanya.  Na sa ganitong paraan, naramdaman na dapat nyang pangalagaan ang asawa niya at dapat nyang protektahan. He enjoyed that idea of protecting her and taking care of her. It gave him that certain feeling of responsibility and protectiveness. Bago man ang pakiramdam na ito sa kanya pero wini-welcome nya kasi nagugustuhan na nya. Pagkalapag ng private plane nila, ginising nya si Mylene. He rubbed his fingers softly to her cheeks. "We are here love." ani Alex. Tinatapik nya nang bahagya ang kamay ni Mylene na nakahawak sa kanyang braso. Nagising si Mylene at naalimpungatan. "Oh I'm sorry... Napahimbing yata ako." sabi ni Mylene nang idilat ang mata nya at nakita nyang nakasandal sya sa asawa. "Ok lang. Sarap nga ng tulog mo eh." he said as he lightly touched her face. Umayos ng upo si Mylene, pero pinikit pa rin ang kanyang mata to conceal in her eyes the real emotions she had at hinintay nila ang pagbaba. "My driver will pick us up. We're going home, to my place. Ok lang ba sayo?" sabi ni Alex. "Ok." Mylene simply replied. It's almost 5 pm na nang nakasakay na sila sa SUV ni Alex na sumundo sa kanila at lumabas na sila ng airport. He called Nana Nena and nanay Osang para ipaghanda ang pangangailangan ni Mylene sa kanyang penthouse. Nanghihina pa rin si Mylene na para bang pagod na pagod kayat di nya maiwasan na napapaidlip pa sya paminsan minsan habang binabaybay nila ang kahabaan ng EDSA. Alex pulled her closer to him para makasandal sya which Mylene obliged. Nasa kalagitnaan sila ng traffic nang magsalita sya. "Hmmm... Can we grab some food first before we go home? I'm starving." Mylene said in her soft, sweet voice. "That's a good idea. Ako din, nagrereklamo na ang tyan ko. Gusto mong kumain na lang muna tayo or magte-take out?" "Kahit ano basta may food please." sagot nya. "Ok lang ba sayo sa District kumain?Or you want something specific to eat? I need to check on something there too sana." Ang District ay isang gastropub na pag-aari nila ni Alex at ng tropa nya. Madalas silang lumalabas kayat napag isipan nilang magtayo ng negosyo para naman may kabuluhan ang ginagastos nila pag lumalabas sila. It's located sa prime spot ng BGC kayat naging popular itong tambayan ng mga celebrities, socialites at kilalang tao. Pero di alam yun ni Mylene. Di naman sya napapadpad dito. "Hmmm, I've never been there but anywhere is fine with me. Uhm, am I suitably dressed for that place? " she wondered and asked. "Baka meron dress code dun. I have never been on that place." Nakasuot lang sya ng usual white tee and ripped denim shorts and sneakers. Her hair was also in messy bun. Except for the Rolex watch she was wearing, gold Pandora charm bracelets on her other wrist, a diamond stud on her ears and of course, the engagement and wedding rings on her fingers, mukha syang studyante na katatapos lang kumuha ng exam at mag-unwind. Medjo haggard pa ng konti ang kanyang mukha sa byahe. "You look great. In fact, you look more beautiful with what you're wearing." Alex softly told her kaya't mamula na naman sya.  You and your words! Galawang playboy nga! Pano naging more beautiful eh mukha na akong basang sisiw dito sa pagod. She stared at him and rolled her eyes kayat napatawa nalang si Alex sa kanya. When they reached District, they were welcomed and greeted by a staff. "Good evening Sir Alex." bati ng crew. Maya't  maya pa ay sinalubong sila ng isa pang crew. "Good evening po Sir Alex, Mam." Hinawakan nya ang pulsuhan ng asawa and guided her sa isang exclusive VIP booth sa bandang dulo ng pub. "Pakitawag si Roy please." utos nya sa isang crew. After a while, may lalaki na mukhang bakla ang lumapit sa kanya. "Good evening Sir Alex!" bati ng lalaki sa kanya. "Roy! This is my wife Mylene. Love, this is Roy, ang manager sa branch na to." pakilala nya at inabot ni Roy ang kamay nito. "Nice meeting you Madam. You look so pretty! Oh my God, ang ganda nyo po."sabi nya kay Mylene and she just smiled at him. "Tell chef Jeff to give us the house specialties and a bottle of Chardonnay." lumingon sya sa asawa at tinanong ito. "Do you want something particular love?" Eto na naman sa tawag nyang love sa akin. Kakausapin ko to mamaya. Nawiwili na sya. Hmmmp! "Anything will do, thank you, but can I have a glass of ice-cold water, please? My throat's dry." sagot naman ni Mylene. "Ok so Roy, you heard that. Make it faster too. And, we will talk later after we eat." "Yes sir, excuse me, Mam..." at tumalikod na ito sa kanila. Ilang saglit pa dumating na nga ang orders nila na si Roy mismo ang nag serve kasama ng dalawa pang crew. "So how's the food?" he asked. "Oh, it's commendable! Masarap! Do you happen to know the owner of this place?" "Well, I own a quarter part of this business while Anton, Ryan and Jack owns the other 3 quarters. as you know, malihig kaming lumabas noon, so we decided to have this place para naman may kabuluhan naman ang paglalabas namin. It was originally named District 4 kasi nga apat kami but we decided to include Chef Jeff as an industrial partner, thus we changed it to just "District". He explained. "Wow, that's impressive! Madami pa pala akong di alam sayo." malambing na sabi ni Mylene. "Yes, and same with you but we have all the time in the world to get to know each other...and maybe even EXPLORE each other." mahinang sabi ni Alex sa kanya habang hinihimas ang kamay nya na nakapatong sa mesa. Napalunok nalang si Mylene at nagpatuloy na lang sa pagkain.  Alex really knew when to say the right words at the right time! Kaya ang daming babae na naghuhumaling sa kanya. May isang grupo ng mga babae ang pumasok sa pub. Actually, limang babae at may kasamang isang bakla. Umupo ito sa isang banda na medjo may kalayuan sa kanila. Pagtapos nilang kumain, tumayo si Alex. "I'll just check on something. Saglit lang ako then we'll go home. Ok lang ba? Mabilis lang to." "It's ok. Take your time. I'll just sit there sa bar. I'm so full at medjo mababa ang couch dito, sakit sa tyan." sabi nya kay Alex at tinanguan sya nito. She took her glass para pumunta sa bar at umupo sa high chair, while si Alex naman ay nakatayong kausap si Roy nang di kalayuan sa kanya. She roamed her attention around the area, appreciating the classy design of the pub when she heard this: "Alexander??? Oh my God, it's you nga!" sigaw ng babaeng naka sexy black dress at high heels habang papalapit ito sa kinaroroonan nina Alex at Roy. Napalingon si Alex sa babae at nagulat. "Jessica!" Bigla syang niyakap ng babae at hinalikan sa labi. "Oh babe I so miss you! Tagal nating di nagkita ah! Of all places, dito lang pala." Nanlaki ang mata ni Mylene sa nakita nya at sya na mismo ang umiwas ng tingin. Nakita ni Alex yun and he felt so uncomfortable. Hindi nya alam ang gagawin. Nakaramdam sya ng hiya sa asawa at pagka irita kay Jessica. Parang gusto nyang magpalamon sa lupa. Tangina! Bat ba kasi andito yan? At ngayon pa! Don't forget to vote and share too. #NoChoiceWP
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD