AWKWARD

1747 Words
Sa dinami daming lugar at pagkakataun na maka meet nya ang mga babaeng naka fling nya, dito at sa harap pa ng asawa nya! Alex slightly put some distance between him and Jessica. He actually wanted to push her away nang niyakap sya at hinalikan nito pero he didn't want to be rude sa babae. Isa pa, he was caught off-guard sa ginawa ni Jessica. "Naka ilang balik na ako dito sa District hoping to see you pero they said maladang ka na raw dito. I tried calling you too but did you change your number? This is my lucky day! Please join us. Ipakikilala kita sa mga friends ko." paglalanding sabi ng babae sa kanya. "Ah, I'm sorry Jessica but I am with my wife now." He walked to where Mylene was seated and hinatak nya si Mylene na nakaupo sa bar, hinawakan ang isang kamay at nilagay ang isa pang kamay sa bewang nito. "Meet my lovely wife, Mylene Rivero Montreal. Love, she is an old acquaintance Jessica Torrefranca. We went to Ford University together." Nilagyan nya ng emphasis ang Rivero kasi parang alam at nababasa nya ang mga tingin ni Jessica sa asawa nya habang pinakikilala nya ito. He saw that Jessica was checking on her looks. Alex never really liked Jessica, not romantically. Sure, she is good looking at galing din sa kilalang pamilya. They went on casual dates noong college days, then naging f**k buddies din sila for a while but he sensed na parang may ini-expect na commitment ang isang ito. She asked him to meet her parents at dun na sya medjo dumistansya. Allergic sya sa mga babae na nagiging clingy after may mangyari sa kanila, at si Jessica ay nagdedemand na ng atensyon so kelangan na nyang layuan. Mylene extended her hand for a handshake. "Hello, Jessica. Nice meeting you." Tiningnan sya ni Jessica mula ulo hanggang paa, scrutinizing her plain looks before she took her hands for a handshake. "Hi". Yun lang ang sinabi ni Jessica at binaling nya muli ang attention kay Alex, showing no interest kay Mylene. "So, tama ang chismis that you're now married! What made you change your mind? You said ayaw mo sa commitment." sarkastikong tanong ng babae kay Alex habang sinulyapan si Mylene.  Aba aba aba. Bastos to ah. Mylene suddenly rounded both her arms to Alex's waist, hugging him at sumabat sa usapan. "Well, we are indeed married, Jessica." Mylene said while showing her ring. "I made him change his mind, right love?" she moved closer to Alex while saying that. Bahagyang nabigla si Alex sa sinabi ni Mylene, lalo na't tinawag syang love nito. May kakaibang tuno ang boses niya na parang sine seduce sya. Kinilig sya dahil dun! Parang gusto na nyang iuwi na ngayon din ang asawa at mag kukulong nalang sila ng kwarto ng buong araw! Di din nya akalain na maging palaban ang asawa nya sa mga sitwasyong ganito pero ganun pa man, he felt proud! Indeed, his wife wasn't as vulnerable as she looks. He didn't like his women to be this strong, but with Mylene, it was a different thing. "Of course love," he said at hinapit nya ang balikat nito to kiss her forehead. "Actually, we just got back from our honeymoon, and we just passed here for a quick dinner before heading home." sabi ni Alex na nakangiti kay Jessica . "Oh, so I guess I should congratulate you both then. " pilit na ngiti ni Jessica sa kanila. "I will still see you around Alexander," she said with conviction. Jessica tried to compose herself before turning around. She felt embarrassed. Kanina lang, pinagmamayabang pa nya sa mga kaibigan nya kung gaano sila ka close ni Alex at may namamagitan sa kanila dalawa. Her friends even dared her na e-approach nya at halikan while they took videos. Pero ngayun, parang mapapahiya sya sa mga kaibigan. "Oh ano na???" tanong ng isa sa mga kasama nya. "He is now married! Imagine that?" galit at nagmamaktol na sagot  nya sa kanila. "With that girl na kasama nya? Talaga? Sino yan?" tanong ng isa pa. "Maybe a nobody with the name Mylene Rivero?" inis na sagot ni Jessica sa kaibigan. "Di nga! Is that  "The" Mylene Rivero??" sambit naman ng bakla nilang kaibigan. "Yes! At bakit ganyan ang reaction mo bakla? Do you know her???" tanong ni Jessica. "Sis. She is not just anybody. She is "the" Mylene Rivero!!! Nag iisang anak ng  pinaka mayamang  Rivero sa clan nila! My gawd, saang lupalop kayo galing???" sabi naman ng bakla. "She was featured several times sa society mags. Her collections of pieces of jewelry and luxury items were astounding!" "Really???? I've heard about her at kung gano sila kayaman pero I haven't seen her yet. Medjo mailap yan. " sagot naman ng isa pang kasama nila. "Oh, I see. maybe now I know kung bakit sya ang pinakasalan ni Alexander ko. Dahil sa yaman! She's not his type. Di pumapatol si Alex sa mga fair skinned." sabi ni Jessica. "Hmmm... I smelled something fishy here. I'll find out how why and I'll get him back. Wanna bet?" Jessica confidently told them. "Uy,, bet yan sis!" sabay sabay silang nagtatawanan. "You'll see. Alam ko ang kahinaan ng isang Alexander Montreal at alam ko kung gaano sya karupok sa mga tulad ko! You'll see...." Sa kabilang banda, matapos ang maikling encounter nila Alex at Mylene kay Jessica, patuloy na nag usap si Alex at Roy about sa status ng District. Mylene couldn't help but felt irritated. She knew it wasn't totally Alex's fault...  No, he is at fault too! Kasi marami syang babae!!!! At di nya pwedeng gawin yang pambabastos sa akin nang harap harapan. Mamaya, magtutuos tayo! Leche ka! Di nya alam kung bakit sya naiinis. Alam nya that eventually, because of his reputation, she would meet his random girls. Bahala sya kung gusto nyang makipaglandian at makipag s*x sa lahat ng babae sa Manila, but not while I'm with him, literally. Mylene is good at concealing what she feels. Na master na nya ang maging manhid at cold sa mga pagtatagong ganyan. Huwag mo lang tingnan ang mata nya at di mo sya mababasa. Her eyes would always betray her at ang mga taong malapit sa kanya ay alam yun. She was still lost in her thoughts when Alex appeared on his side. "Sorry to keep you waiting. Shall we go now, or you want another glass before we go?" he asked her. She looked at him for a while, giving him again that poker face when she said, "No, I'm ready to go." Alex then took her hand and led her out of the District. They rode in silence on their way home. Walang umiimik sa kanila, dala na rin siguro ng pagkabusog at pagod sa mahabang araw nila today. Si Mylene ay nakatitig lang sa bintana habang binabaybay nila ang daan, lost in her blank thoughts. Si Alex naman ay nakapikit lang ang mga mata, na tila naglalakbay din ang isip sa kawalan. Nang marating na nila ang building, Alex guided her inside the lobby and to the elevator while holding Mylene's hands. Pinindot ni Alex ang P4 na magdadala sa kanila sa penthouse nya. Di nya alam pero bigla syang na excite. Wala pang babaeng nakapasok sa unit nya, maliban sa family nya. Unang beses ito na nagdala sya ng babae sa bahay nya. No, di lang sya basta bastang babae. Asawa nya si Mylene, he reminded his self. Nang marating nila ang pintuan ng unit, pinindot ni Alex ang password. "Bigay ko ang password sayo bukas, o di kaya'y palitan natin. Alam ng tropa ko ang password ko dito eh. Baka mangbubulabog sila dito' t di pa nila alam na dito tayo uuwi." Mylene was impressed ng nakapasok sila. The interior design screams masculinity and of course, class. There was also something that caught her attention... Napaka bango ng bahay nya and she liked that smell. Maya maya pa at may nag doorbell. Binuksan ni Alex at pumasok si Manong Dante, ang kanyang driver, dala ang kanilang mga luggage. "Boss, papasundo ka ba bukas?" tanong ni Manong Dante kay Alex. "No, I'm fine." nilingon ni Alex si Mylene. "Do you have any plans tomorrow love?" he asked her. "Hmmmm...Wala naman. I just wanted to rest muna. Oh wait, I want to get my car nalang sa bahay bukas, is that ok?" "No need na. You can use mine muna. We'll just get it sa makalawa. Pupunta din naman tayo sa inyo di bah? May dinner tayo sa inyo." sagot ni Alex. "Sige na Manong, magpahinga ka na. Dalhin mo na lang ang sasakyan. At tatawagan nalang kita anytime bukas kung kelangan. Pakisabi kina mom and dad na andito na kami." "Sige po boss, salamat po." Tumitingin tingin si Mylene sa paligid at pinaramdaman ang bahay ng asawa. "I have 3 bedrooms here. Ang masters at dalawang guest rooms. Yung isa, I converted it into recreation room at bar para dun na tumambay ang mga tropa ko. I told Nanay Osang din to fill up the pantries at ang ref sa kitchen bago tayo makauwi. Yung asawa ni Manong Dante ang house keeper ko dito. Pumupunta sya thrice a week. Kung may gusto kang baguhin dito, go ahead. You're free to do anything you want here." "I'm fine. And Ummm by the way, I wanna talk to you first. Saglit lang. If that's ok. " sabi ni Mylene. "Of course. Ano ba yun?" "About kanina. Look, Alex, I just wanna make it clear. I don't give a damn kung ano ang gusto mong gawin sa life mo now that we are back to our real world, the same way that I don't want you to meddle in mine too, but I don't tolerate those situation sa harap ko. So I expect you to cooperate." sersoyong sabi ni Mylene sa kanya. "Nagseselos ka ba?" he asked "No! I'm not. But ayoko kong binabastos nang harap harapan. Pagsabihan mo ang mga babae mo na wala akong pakealam sa kung ano ang gagawin nyo, pero wag sa harap ko at huwag na huwag pag kasama mo ako. Mag asawa tayo pag magkasama tayo, we agreed to that and I expect you to do and act the same." sabi nya sabay talikod at pumasok sa kwarto nila. "And one last thing, ayoko kong mahawa sa sakit. I hope I made that clear." she said with conviction.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD