SEDUCTION

1889 Words
Days have passed without their knowing it. Dalawang araw pagbalik nila  ng Manila from their honeymoon ay bumalik din sila sa dating nilang buhay. Balik trabaho si Alex sa company nila at dahil sa merger na nangyari, mas naging busy pa sya dito. Ganun din si Mylene. Hinawakan nya ulit ang jewelry business nila ng mom nya at ang advertising department ng company nila na isang taon nya ding pinaubaya muna sa assistant nya. Tambak ang mga trabaho. Halos gabi nalang sila magkita, kung minsan hindi pa dahil sa mga field checks ni Alex at out of town business transactions naman ni Mylene. Minsan, tulog na si Mylene pagdating ni Alex at di na nya ito inaabala kasi alam din nyang pagod ito sa trabaho at sya din naman. Sa ganitong pagkakataun, he would just reach for his wife and hug her to sleep na tinutuunan naman ni Mylene. Alex is getting used to this. Maganda sa pakiramdam nya na may kasama sya sa pagtulog na tila bang ang maganda at maamong mukha ng asawa ang nakikita nya bago pumikit at una rin nyang nakikita pagdilat ng mata nya. Nakakatanggal ng pagod at stress, and he likes it. Si Mylene naman, unti unti nang nag iiba ang pagkilala nya kay Alex. Nakita nya ito kung gano sya pinahahalagahan at nirerespeto. Kung may mga monkey business man ito na di nya alam, what's  important to her ay pinanindigan ang kanyang condition sa kanilang relasyon at na appreciate nya yun. *** She was finishing some of her papers when her phone rang. It's almost five in the afternoon. "Hello misis ko. Pauwi ka na ba?" tanong ni Alex sa kanya. "Yes, in a few minutes. Bakit?" "I was just thinking na since Friday naman ngayun, can I ask my wife for a date?" Napangiti si Mylene sa narinig nya sa kabilang linya. Eto yata ang unang beses na niyaya sya ni Alex ng date after their marriage. Not that she was expecting it but this week had been very hectic and toxic for both of them and she felt so stressed. Parang kelangan nga nya ng konting diversion ngayung weekend. " Actually, Doc Ogie texted me kanina at nag aaya ng dinner but I didn't commit yet. Can we go out tomorrow nalang?" "Oh that's ok. Invite your friends along  and yayayain ko rin ang mga friends ko. What about sa District ulit? Meron kaming meeting dun with the staff later for our new branch." "We wanted to eat Japanese food sana. What if after naming mag dinner, susunod nalang kami dun sa inyo?"sabi ni Mylene sa kanya. "That's a nice idea! So uuwi ka ba muna? Gusto mo susunduin kita sa bahay para di mo na kelangang mag drive? Sabay nalang tayong umuwi later." "Yes, I have to go home and change first kasi naka corporate attire ako, and no, I will just ask Ogie to pick me up nalang. Mapapalayo ka pa. I'll be fine." sagot nya sa asawa. Napabuntong hininga si Alex. May advantage at disadvantage ang isang independent woman talaga. Parang obvious na obvious na di nila kelangan ang tulong ng lalaki. "Ok, if you say so. Kita nalang tayo sa District, say 10 pm? Ipapa reserve ko ang VIP lounge. My  80s night mamya so malamang maraming tao. Dederetso na ko dun after dito. Nandun na si Anton eh." "Ok see you. Ingat ka. Don't text while driving." bilin ni Mylene kay Alex. "Luh, ang sweet naman ng misis ko. Kinikilig ako. Gusto ko yan. Sana gawin mong habit." "Sira! Reminders lang yan. Hindi ako nagpapa sweet sayo!"  natatawang sagot nya naman kay Alex. "Sige na, see you later. Bye!" Bigla nyang binaba ang telepono kasi namumula na naman sya. Umuwi si Mylene ng kanilang bahay para mag bihis. She has an hour to prepare before sya susunduin ni Ogie. Si Ana and Rose naman ay dederetso na dun sa favorite nilang Japanese Restaurant sa Makati. After nilang mag dinner ay dumeretso na sila sa District. Alex met them downstairs when he received a call from Mylene that they were already there. "Hi love. Bat yan ang suot mo?" He kissed Mylene on her forehead kayat nagkatinginan ang mga magkaibigan. "My jacket ako dun sa kotse, papakuha ko." he whispered. "Bakit, ano na naman ang problema sa suot ko?" ani Mylene "Tss, it's so sexy and medjo revealing. I don't like it." napangusong sabi ni Alex sa kanya. "Come on Alex. We're supposed to be in a bar, right? Baka mamaya ano na naman ang iisipin ng mga female friends mo na nandito. Ayokong magpatalbog sa mga babae mo." nakangiting sagot ni Mylene sabay kindat sa kanya. Alex was dumbfounded by what she said. Parang ang playful ngayun ng asawa nya. Binulungan nya ito ng "Patay ka sakin mamya. Damn, you look so hot! Parang gusto kitang iuwi nalang." Napanganga si Mylene at mamula sa sinabi ng asawa. Wala syang maisagot kayat inirapan nya nalang ito. Natuon ang pansin ni Alex sa mga kasama nito. "Hello doc, Ann, Rose.. Welcome, sa District. Let's go in." sabi ni Alex sabay hawak sa bewang ni Mylene. Di naman maiwasan na mapansin yun ng mga kaibigan nya na parang kinikilig pa sa gestures ni Alex. He guided them to the reserved VIP lounge. Marami nang tao sa loob, halos puno na kayat mabuti nalang at nakapag reserve sila ng upuan. "Order anything you want," Alex told them. He then faced Mylene, "I'll just finish my business first then I'll join you later, is it ok with you?" "Okay lang kami dito Xander. Go, kami bahala sa asawa mo. Hehehe." sagot ni Ann sa kanya. They ordered a bottle of tequila and finger foods. Nasa bandang bar lang sina Alex at mga kaibigan nya na nag uusap habang umiinom. Tanaw nilang pareho ang isa't isa sa kina-uupuan nila pero si Alex ay madalas tumitingin sa kinauupuan nila ni  Mylene. May mga iilang babae na lumalapit sa table nila Alex at mga kaibigan. Old acquiantances, old flings, old fubus niya at mga kaibigan nya at nati-tense na sya kasi alam nyang nakikita sya ng asawa. He tried so hard to avoid them. "Hey bro, relax. Para kang bulateng di mapakali sa upuan mo. Hahahha." biro ni Anton sa kanya. "Himala! Umiiwas ka sa mga babae ngayon bro! Dahil ba yan sa babaeng yun?" pangusong turo ni Ryan sa kinaroroonan nila Mylene. "Gago, di lang yun babae lang. Asawa ko yun!" inis na sagot nya sa kaibigan. "Hahaha...Oh, kala ko ba walang mababago sa yo? Bat parang tumitiklop ka na ngayon?" biro ni Jack naman sa kanya. "Walang nagbago bro. Pero may agreement kaming dalawa na di ako lalandi pag andyan sya. Pwede kong wala, so dahil andito sya, off limits muna. Respeto tawag dun." sagot nya. "Putek, respeto daw! Ikaw ba yan??Hahahah...Ooopsss iba na yan bro. Parang nahuhulog na ah!" natatawang sabi ni Anton sa kanya. "Eh kung ikaw kaya ang ihulog ko dyan??" Samantala sa table nila Mylene, halos maubos na nila ang isang bote ng tequila. Ang bilis nilang magtagay, para silang mga uhaw. Can't blame them. Minsan lang silang nagpa party, especially that they were all busy at stressed sa work. Nag-order pa si Ogie ng inumin. This time, tig dadalawang glasses naman sila ng cosmo. Nakita yun ni Alex nang e deliver ng waiter sa table nila at nagulat sya. Ubos na ang tequila nila??? Alas onse palang ah. Ang lalakas nilang uminom. Pasulyap sulyap na tingin ni Alex sa kanila. Ilang minuto lang ang nakalipas, nakita nyang nakatayo na silang apat at sumasayaw. Medjo may tama na nga. Sino ba naman ang di malalasing eh silang apat lang nakaubos ng isang litro ng tequila sa loob ng isang oras lang at ngayo'y naka cosmopolitan na  naman! Sya nga eh naka dalawang bote ng beer palang. Tumagal pa ng isa pang oras ang usapan nila ng mga kaibigan. Patapos na sila ng pinag uusapan nang tinapik sya ni Jack. "Look bro!" Tinuro nya ang dalawang lalaki sa kabilang table nila Mylene na nakatingin sa kanyang asawa at mga kaibigan nito habang silang apat ay enjoy na enjoy sa pagsasayaw. Mylene can dance well. Napaka classy and seductive nyang tingnan habang seksing ginigiling nya ang kanyang katawan. Ang hot pero ang sosyal pa rin ng dating! Alam ni Alex na iba ang nasa isip ng dalawang lalaking yun habang nakatingin sa asawa nya at ayaw na nyang dumating pa sa puntong lalapitan nila ito. Biglang nag igting ang panga nya at bigla syang tumayo kaya't hinawakan sya ni Jack. "Bro...." sabi nito na parang wina warningan sya. "Pupuntahan ko lang ang asawa ko." kinuha nya ang kamay ni Jack na nakahawak sa kanyang pulsuhanat lumakad papunta sa table ng asawa. Nang makalapit na sya kay Mylene, bigla sya nitong hinatak ng asawa, nilagay ang dalawang kamay sa kanyang batok na nakayakap habang sinasayawan. Mylene was looking at  him straight in his eyes na parang tinutunaw sya ng mga mata nito. Hinawakan nya ang bewang ng asawa at bahagyang sinasabayan ang pagkilos ng katawan nito. Shit! She is so damn hot!!! Patuloy na nakatitig si Mylene sa kanyang mata, hanggang bumaba ito sa kanyang mga labi at nakita nyang kinagat nito ang lower lips kayat di na nya napigilan na halikan ito. He was now aroused. He felt that. Lalo na't ramdam nya ang pagsaid ng katawan ng asawa sa kanyang kabuuan habang nagsasayaw. Parang sinindihan ang buo nyang katawan. On the other hand, alam ni Mylene na medjo tipsy na sya at may konting tama na  but she never felt so free in her life. Pero she knew what she was doing. Nasa huwisyo pa sya. Di pa sya wasak na lasing! Gusto lang nyang magpakawala sa sarili at magpakasaya. She knew how to control her alcohol intake. Usually, pag alam nya na medjo tipsy na, tumitigil na sya. The last time she felt this feeling ay nung nagpakawala sya sa isang bar din sa Netherlands!! Ang tagal na nun!! When she saw Alex walking towards her, nang init ang buo nyang katawan. Syeeet ang gwapo nya pala! Ang hot! Landiin ko kaya to? She didn't care na nasa public place sila. Wala namang masama, asawa naman nya si Alex. Kung may makakita man sa kanila, walang masama dun at kung landiin man nya ito, hindi mali yun. Just tonight... Yes, only tonight. Nang hinapit nya ang asawa at sinayaw, naramdaman nya ang matigas na bahagi ni Alex. She teased him more.... at nang halikan sya nito ay humalik din sya pabalik. Sinasabayan ang malikot na dila nito sa mga labi nya. Di alintana ang ingay at dami ng tao na nasa paligid nila. Di na nya alintana na may mga matang nakatingin sa kanila. Her moves made Alex wanted her more. "Ok, that's enough wife. We're going home." he firmly said. "Pero maaga pa." she pouted. "Better to start early and finish what you started. Let's go, now!" at hinatak nya ang asawa. "Hey, asan kayo pupunta?" tanong ni Ogie when he noticed Alex dragging Mylene out. "We're going home. It's my wife's pay back time. Order lang kayo dyan. Put the tabs on me." sabi nya kay Ogie habang si Mylene ay nakabungisngis sa tabi nya. "Thanks Papi! Enjoy the night!" sigaw ni Ogie sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD