Tanghali na nang nagising si Mylene. She felt so tired. Sabado ngayon at walang work, buti nalang.
She stayed in bed for a few more moments and just contemplated things. She recalled what happened last night.
She hated to admit it but it was one hell of a night she had with her friends... And with Alex. She felt so wild last night at nahiya man sya, na enjoy pa rin nya. Nakangiti sya habang inaalala ang nagawa nya kagabi at kaninang umaga. She didn't know how to face her husband now!
Pano nga ba nya nagawa yun? How did she learn to do it?
Naku po!!!
Buti nalang wala na dito si Alex sa tabi nya, dahil di nga alam pano harapin to pagkatapos ng mga ginawa nya kagabi.
She got up from the bed at dumeretso sa banyo para maligo. When she took off her clothes, bakas sa kanyang balat ang mga love bites na iniwan ng asawa sa kanya.
It's ok Mylene. Asawa mo yun. Walang masama sa ginawa mo sa kanya kasi asawa mo yun!
Kahit papano, it can be justified and it made her feel better.
Pero may iba pa syang naramdaman aside from being embarrassed. Ayaw man nyang aminin, pero nakaramdam sya ng kilig sa asawa kagabi.
Was it love???
No way, di ko dapat iniisip yan. I fell for his charms but I won't fall for him. I will never fall in love with a guy like him. They are just trouble and I will not allow anybody to hurt me again.
At si Alex ay tipo ng lalaki na sasaktan sya. Alam nya. At di sya dapat mahuhulog dito.
She needed to breathe, and think, so she hurriedly finished taking a bath and got dressed.
Wala na si Alex sa bahay nila. Nagtext ito sa kanya na may kukunin sa bahay ng Old Pab nya so pinaalam nya na rin dito na aalis muna sya.
She wanted to drive... and driving for her means indulging her adrenaline rush in the race track.
Isa ito sa mga hobbies nya na iilang tao lang ang nakakaalam. She was so good at it but she doesn't race for competition. She just like that adrenaline rush of controlled speed and the sheer thrill of speed makes her relieve her stress.
Naging regular na sya noon sa MTB XC Track sa Taguig dahil ito na ang naging playground nya sa tuwing stressed sya. Naging bonding din nila ito ng kuya nyang si Michael noong younger days nila at di pa sila busy. She missed doing this with his kuya. One of these days, she is going to ask him to play here again.
She also owns a white Porsche C2-933 na iilan lang ang nakakaalam.
Iniiwan nya lang ito sa MTB sa sariling rented garage at meron lang nag mi-maintain o nag aalaga dito. Sa tuwing gusto nyang mag drive sa track, ito ang ginagamit nya. The last time she did that, was before she left the country to find herself, and that was more than a year ago.
Buti na lang at naaalagaan ng mabuti si Porsia.
She suddenly felt that excitement. Miss na miss na nya ang ganung klaseng excitement.
It so happened that Alex's friend Ryan also races and practices here.
Napansin ni Ryan na wala ang Porsche sa parking slot nito today nang dumating sya.
Ilang kotse lang ang pagitan ng kanyang kotse sa Porsche na yun. Matagal na nyang napuna ang sasakyan at gandang ganda sya dito lalo pa at well maintained ito.
"Boss, bat wala si baby Porsche dito? Kinuha na ba?" tanong ni Ryan kay Rodel, na syang tagapag alaga ni baby porsche.
"Ay di po sir. Ginamit ni mam." sagot nito.
"Oh? So, babae ang may ari?" di makapaniwalang tanong ni Ryan. Matagal na silang nagtataka kung sino ang may ari nito at kahit sino sa mga racers walang alam o nakakilala kung sino. Sa tagal na nyang naka tambay sa track , this is the first time na may gumamit nito.
"Yes sir, si Mam Mylene po." sagot ni Rodel.
"Mam Mylene? Racer din ba?"
"Si Mam Mylene Rivero. Andun sya sa race track ngayon." nabigla si Ryan sa narinig.
Dali dali syang umakyat sa grand stand kung saan makikita ang buong field at nakita nga nya si baby porsche na mabilis tumatakbo na para bang nasa competition ito.
He didnt wast his time so he immediately contacted Alex on facetime.
"Whassup bro? Face time talaga?" sabi ni Alex nang sinagot ang telepono.
"Bro! Do you remember that white porsche na pinagpi pyestahan natin? Tumatakbo na bro! Yun oh!" itinuon ni Ryan ang camera sa race track.
"Whoah, seryoso? What a baby!!!! Ang bilis!!! At last nakita mo nang naka takbo!" namamanghang sabi ni Alex sa kaibigan habang naka tingin sa screen.
"At di ba we have been wondering for so long kung kanino ito at bakit iniwan lang dito? Pucha pre, babae ang may ari!!! Magandang babae pre!" natatawang wika ni Ryan.
"Oh, talaga? Patingin!"
"Nasa track pa nga oh. Punta ka dito!" paanyaya ni Ryan sa kanya.
"Di pwede ngayon. Susunduin ko pa si Mylene mamaya, may pupuntahan kami." sagot nya.
Natawa si Ryan. "Eh nasan ba ang asawa mo? Iniwan ka na?? Hahahaha" nakakalokong tanong ni Ryan.
"Hindi no! Kate-text lang nga sa akin few mintues ago na mag da-drive daw muna sya." sagot naman ni Alex.
"Gago! Halika dito! Nag da-drive nga ang asawa mo! Yun oh!" tinuon muli ni Ryan ang camera sa race track. "s**t bro, asawa mo ang may ari kay baby Porsche! Hahaha!"
"Gago, di nga???!!! Shiit!!! Anong ginagawa nya dyan???"
"Hhmm namamasyal sa field! Hahaha. Gago, eh di nag da-drive nga!" sagot ni Ryan at tinawanan sya nito.
Wala pang 10 minutes ay narating na ni Alex ang MTB. Sinalubong sya ni Ryan at umakyat sila sa grand stand.
He was impressed nang makita nya ang asawa nyang nagpapatakbo ng isa sa pinaka mabilis na sasakyan. She manuevered the car very well na parang professional racer ito. Yung nga lang, nakaramdam din sya ng takot at kaba. Buti nalang dalawang sasakyan lang ang nasa field na tumatakbo sa magkaibang lanes.
Naka ilang lapse na si Mylene sa track and she felt that it was enough to release her stress. Ang gaan ng pakiramdam nya ngayon. Iba talaga ang naibibigay ng speed sa kanyang pakiramdam.
Nang ibinalik na nya si Porsia (car name ng Porsche nya) sa garage nito, kinausap niya sa Rodel para sa mga maintenance na pinapagawa nya.
Nabigla sya nang may humawak ng payakap sa likod nya at humalik sa kanyang leeg.
"What the......!" lumigin sya at nakita nya si Alex kasama ang kaibigang si Ryan. Tumibok ang puso nya ng slight. "Anong ginagawa mo rito? Are you following me?" nagtatakang tanong nya.
pano nya nalaman na nandito ako??? Stalker lang???
" I should be asking you that. What are you doing here? Sabi mo magda-drive ka lang." nakasimangot na sagot ni Alex na kinatawa naman ng kaibigan dahil parang nagpapa cute ito sa asawa.
"Eh di ba? Nag drive nga bro! Stupid question!" Ryan said and he looked at Mylene.
" Hi My! Sayo pala si baby."
"Huh? Sinong baby? Anong baby?" ani Mylene.
" I mean, baby Porsche tawag namin dyan. Di ba bro? Di man lang namin alam na nagka car race ka rin pala." wika pa ni Ryan.
"Ah, that's Porsia. And no. I don't race. I just drive. Pang relaease ng stress lang." she answered.
"Don't do that again ha. Alam mo ba ang danger ng pagpapatakbo ng sports car? And you don't even wear a helmet or any protective gear! " seryosong sabi ni Alex sa kanya.
"Psssh!!! Alex, I've been doing this since I was 15! Buti nga ngayon di kami nag karera ni kuya Mike. Hahaha... Relax, I know what I'm doing." nakangiting sagot ng asawa nya.
"I didn't know you like cars this much, knowing how much I love cars too. You amaze me."
Ryan left them para tingnan ang sasakyan ni Mylene.
"Oh well, you don't know me that well yet. Marami ka pang di alam sa akin Alex."
"Alam ko and I want to find out more about you. So what about a date tonight, misis ko?"
Niyaya na syang mag date kahapon but iba ang nangyari so itutuloy nila yun tonight.
"Ok, I'll pass by the grocery after here then I'll go home and prepare." sagot nya sa asawa.
Di rin naman sila pwedeng magsabay pauwi kasi kapwa sila may dalang sasakyan ngayon.
"San mo gustong kumain, so I can make a reservation."
"I'm thinking of ramen tonight, is that ok?"
"Great! I crave for some Japanese food too kagabi pa nung sinabi mong kakain kayo sa Japanese resto. I know a good place that serves delicious ramen."
"Ah, excuse lang lang. Madam, pwede bang ma sampolan tong baby mo? Kahit isang lap lang."
"Oh sure! kahit ilang laps pa. Just dont hurt her ha."
****
They left their house early that evening for their date. It may sound corny but Mylene felt excited about the idea of dating again. She missed that pace in her social life and she wanted to enjoy it again.
Nang nasa abroad sya, she never dated. She focused only on finding herself and building again the confidence she lost... And true enough, she learned to accept her fate and embraced what life has to offer. Little by little, she worked out on her insecurities. Di pa man yun lubusang nanumbalik pero she became stronger and surer of herself when she came back...
Well, she hopes she is...
(Most often than not, people think na ang mayayaman ay mga klase ng taong halos wala nang insecurities sa buhay.
Kung makikita natin, kahit na yung di kagwapuhan o kagandahan ang mukha at pisikal na anyo, parang di nila alintana kasi nag uumapaw sa katauhan nila ang marangyang buhay.
Na para bang wala na silang pinuproblema at at inaanda
Na para bang lahat sa kanila ay masaya.... At kontento....
Pero hindi pala, kasi may iilan kung di man kadalasan sa kanila ay may mga nakatago ring insecurities, di man sa pisikal na anyo kundi mismo sa kabuuan ng pagkatao nila.
Mga bagay na maiisip natin na di lahat ay kayang takpan ng salapi.
Pero hindi pala lahat. May mga bagay na di kaya ng pera.
Gaya ng self-worth....)
Nakarating sila sa restaurant na pinag reserve ni Alex and they were guided to their table.
They had ramen, a variety of sushi and iba pang Japanese foods na inorder.
They were in the middle of their meal nang biglang natigilan si Mylene. Nag iba ang kanyang expression sa nakita and Alex saw how her face flushed and drained of its blood.
She saw her ex-boyfriend Juancho and Shannon went inside the restaurant!
Napansin ni Alex ang pag iiba mood ng asawa. He turned around para tingnan kung bakit at nakita nya si Shannon at ang kasamang lalaki na umupo sa table na di kalayuan sa kanila.
Oh f*ck!!! Bat sya nandito!!! Wait, kilala ba sya ni Mylene? Alam ba nya na naging fubu ko si Shannon?
Anak ng.... Bakit ba kahit san kami pumunta may mga epal talaga!