“Nia!” masiglang turan ni Madeline at tumayo upang salubungin ang kaibigan niya. “Kailan ka pa dumating?”
“Kadarating ko lang galing airport, dumiretso na ako dito kasi may gusto akong sabihin. Mabuti naman at nandito ang lahat,” nakangiting sabi ni Nia sa kanya at niyakap siya. “God, I’ve missed you, Madel.”
Gumanti siya ng yakap dito. “I’ve missed you too. Dapat nagsabi ka na parating ka para sana nakapaghanda ako.”
Sininghalan siya nito ng tawa at sabay silang naglakad papunta sa mga kaibigan nila.
Pagkatapos nilang grumdweyt sa kolehiyo ay talagang nagulat sila nang biglang dumating si Nia sa Cool Bratz. Marami ang natakot at ang iba ay halos itulak ito paalis ngunit nanaig pa rin sa kanya ang pagiging magkaibigan nila kaya pinakinggan niya. Alam niya nang mga oras na iyon na ibang-iba na ang kaharap nilang Nia at napatunayan niya iyon nang bigla na lang itong lumuhod sa harap nila at bumunghalit ng iyak saka humingi ng tawad sa ginawa nito sa kanila.
Nang una ay ayaw maniwala nina Dina at Jacque ngunit dahil na rin sa pamimilit niya at pang-aassure na nagbago na nga talaga si Nia ay binigyan nila ito ng chance, nalungkot ito at nagalit nang mapag-alaman ang ginawa sa kanya ni Jeru ngunit nang panahon na iyon ay hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin dito kaya hindi na lang siya kumibo.
Hanggang ngayon naman ay hindi niya pa rin alam kung ano talaga ang totoong nangyari sa pagitan nila ni Jeru. Hanggang ngayon ay wala siyang balita dito at pinakiusapan niya rin ang mga kaibigan niya na hayaan na lang nila si Jeru, it was his decision and her choice not to chase him and asked for an explination.
“What did you just say earlier? Magpapakasal ka na?” tanong ni Dina matapos makipagbeso kay Nia.
“May nagkamaling pakasalan ka?” nakangising pang-aasar naman ni Jacque.
Umirap si Nia. “Duh! Of course!” sagot nito kay Jacque saka maarteng ipinakita ang kamay nitong may engagement ring. “This is real, just like yours, Jacque. Ang pinagkaiba lang, balak na naming magpakasal next month,” nakangising wika pa nito.
Sabay-sabay naman ang panlalaki ng mga mata nila at tiningnan ang singsing na nasa daliri ni Nia.
“Talagang papakasalan ka ng mokong na iyon?” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Jackson.
“Yup!” nakangiting sabi ng isa pang tinig. Pagtingin nila ay nakita nila si Nichollo na nakangiting papalapit sa kanila. “Wala eh, nadale na,” natatawa nitong turan at lumapit kay Nia.
“At least, hindi mo tinakbuhan,” nakangiting sabi niya. “I’m happy for the both of you.”
“This calls for a celebration!” ani Jackson. “At dahil diyan, I’ll give you thirty percent discount sa oorder-in niyo today!”
“Akala ko naman manlilibre ka na,” naiiling na wika ni Nichollo.
“Dude, business is business,” nakangising sabi naman ni Jackson saka tumawa ng malakas.
“Huwag niyong intindihin iyan, I’ll treat you today,” sabi naman ni Jacque. We’ll celebrate tonight.”
“Mm, I’ll call Troy and Theo, alam kong free ang buong linggo ni Troy ngayon,” sabi naman ni Dave at kinuha na ang cellphone nito. Nagpaalam ito saglit sa kanila habang ang ibang lalaki naman sa grupo nila ay naghanap ng puwesto at pinagdikit-dikit ang apat na mesa para sa kanila.
Nang maiwan sila ay binigyan niya rin ng isang slice si Nia ng bagong gawa niyang cake.
“I heard your conversation a while ago. Aasa ako sa mga sinabi niyo kanina, ah,” nakangiting wika ni Nia.
Natawa naman siya. “Walang problema sa akin, It’ll be my pleasure to bake your wedding cake, just tell me what your theme is,” aniya.
“Kaya ka ba niya inayang mangibang bansa dahil sa proposal niya?” tanong naman ng nakapangalumbabang si Jacque. “I never imagined that bastard to be romantic.”
Pagak namang natawa si Nia. “I also have no idea. Ang sabi niya lang sa akin ay isasama niya lang ako sa isang VIP Meeting,” sagot naman ni Nia saka tumingin sa kanya, may nabasa siyang kakaibang kislap sa mga mata nito kaya hindi niya napigilang pagtaasan ito ng kilay.
“What is it? Spill it, Nia,” sabi niya.
Natigilan naman ito at nang makahuma ay muling natawa at umiling. “You always knows to read me, Madel.”
Hindi siya umimik at nginitian lang ito.
“Galing kami ng Hawaii,” ani Nia.
Natigilan siya at awtomatiko siyang napahawak sa dibdib niya dahil sa biglang pagkirot niyon nang marinig ang sinabi ni Nia.
“Hey, bigla kang namutla, Madel . . .” mabilis namang nakalapit sa kanya si Mesha at inalalayan siyang makaupo.
“Are you okay?” tanong naman ni Dina na kababakasan ng matinding pag-aalala ang mukha.
Nang mapansin naman ng mga kaibigan niyang lalaki na parang may mali sa kanila ay lumapit ang mga ito.
“I’m okay,” sabi niya at ngumiti.
“Are you sure?” ani Nia na tila nagsisi sa sinabi nito. “I’m sorry, my bad.”
Umiling siya. “You don’t have to say sorry, it’s alright.”
“Did you tell her?” tanong naman ni Nichollo.
Yumuko lang si Nia bilang sagot.
“What’s happening here?” salubong ang kilay na tanong ni Esteban.
Huminga ng malalim si Nichollo, ramdam ni Madeline na nag-iba ang mood sa paligid nila dahil sa nangyari sa kanya. Gusto niyang maluha dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman niya sa oras na nababanggit ang mga bagay o lugar na nagta-trigger sa sakit ng puso niya. Not that she’s suffering from a deadly sickness but still ater what happened between her and Jeru, she suffered from a stress cardiomyopathy or also known as a broken heart syndrome. Treatable naman ang sakit niya and it happened twice to her—ang una ay ang nangyaring aksidente ng Mommy niya at ng kapatid niya at ang huli ay ang nalaman niyang panloloko sa kanya ni Jeru. Dinibdib niya iyon at kung hindi lang niya kasama si Troy ng mga oras na iyon ay baka inatake siya sa puso sa sobrang sakit na nararamdaman niya.
It takes her a year to recover, though sometimes inaatake pa rin siya pero hindi na iyon ganoon kalala. Pinilit niyang maging okay at iwaksi sa isip ang ginawa sa kanya ni Jeru para sa mga taong nakapaligid sa kanya na nag-aalala lagi sa kanya lalo na ang mga magulang niya’t kapatid. Minsan din siyang kinausap ni Granny pero isang beses lang iyon nang malaman nito ang pinagdadaanan niya.
“We’ve met Jeru in Hawaii,” mahinang usal ni Nichollo.
Napasinghap siya at mariing kinagat ang labi niya, pinilit niyang kalmahin ang sarili niya kahit na ang totoo ay parang gustong lumabas ng puso niya sa sobrang lakas ng kabog niyon.
“Damn it,” mahinang usal ni Dina.
“Fck,” ani Jacque.
“And?” tanong niya na pinilit maging kaswal ang kilos.
“W-We . . . h-he said he’ll be one of the sponsor of our wedding,” kagat ang labing sabi ng nakayukong si Nia.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila, mabuti na lamang at hindi pa ganoon katao ng mga sandaling iyon kasi kung nagkataon ay para silang mga tanga doon na nakatayo lang at nagpapalitan ng mga tingin.
Narinig niya ang sabay-sabay na pagak na pagtawa ng mga kaibigan niya habang siya naman ay napasinghal lang at huminga ng malalim.
“That’s it?” sarkastikong tanong ni Jacque na nakahalukipkip.
Umiling si Nichollo at tumingin sa kanya na tila humihingi ng sorry sa kanya. Tinanguan niya lang ito at tipid na ngumiti.
“K-Kaya kami nandito ay para imbitahan kayong lahat . . . and take you with us in Hawaii. He offered his place to be our wedding place.”
Nagulat siya ng marinig ang pagtawa ni Jacque. “That son of a btch, did he know that you’ll invite us?”
Nagkatinginan sina Nichollo at Nia saka muling yumuko ang huli. “I . . . I invited the people in our batch, even the Dean and our Professors. G-Gusto ko lang gamitin ang opportuniy na ito para humingi ng sorry sa kanila at makita nilang masaya na ako kasama si Nichollo.”
“Ha!” singhal ni Jackson saka umiling.
Naantig naman ang puso ni Madeline, alam niyang importante iyon kay Nia at bilang kaibigan niya ay hindi naman siya papayag na masira iyon dahil lang sa kanya.
“It’s alright. We’ll go,”nakangiting sabi niya.
“What?”
“What the hell?”
“Are you fcking serious?”
Sabay-sabay na turan ng mga kaibigan niya habang salubong ang kilay na nakatingin sa kanya.
Natawa siya at nagkibit ng balikat. “Come on guys, aminin niyo man o hindi. J-Jeru still part of our past lives, h-hindi natin siya gano’n-gano’n na lang maita-tsapuwera. Alam kong alam niyo din na hindi habang buhay ay maiiwasan nating magkita-kita.”
“R-Really? You’re okay with it?” tanong ni Nia, kitang-kita niya sa kislap ng mga mata nito ang saya sa sinabi niya.
Nakangiti siyang tumango. “IT’s been five long years, siguro naman kaya ko nang humarap sa kanya, casually.”
Narinig niya ang pagsinghal ni Esteban. “At ikaw pa talaga ang haharap sa kanya?”
Helpless siyang tumingin kay Esteban. “Tev—”
“Fine, we’re going. Pero sa oras na makita kitang umiiyak, you’re not going anywhere until the wedding day.”
“Thank you!” naiiyak na sabi ni Nia na hindi na naman napigilang mapaiyak. “Alam kong mahirap ang hinihiling ko pero Madeline is going to be my Maid of Honor. She’s one of the reason why I continued my life after my dark days . . .”
“Oo na, huwag ka nang magdrama. Jeez, pasalamat ka talaga at hindi ka namin matiis,” sabi naman ni Dina na inirapan si Nia.
“So, kailan ang alis natin?” tanong naman ni Jackson na hindi pa rin maipinta ang mukha. “I have to prepare para mabigwasan ko ng malakas ang bugok na iyon.”
“We’ve contacted Troy and rented one of his private planes, three days from now we’re leaving. I planned to get Dina’s flower shop service and the cool bratz for the catering. Also, I want to personally request, M-Madeline to organize my wedding.”
“What the fck? Are you serious, Nia?” singhal ni Jacque at kulang na lang ay humandusay si Nia sa sobrang talim ng tingin ni Jacque dito.
“B-Back when we were in College, I saw one of the wedding place designs that she drew. . . so, please, Madeline? Promise, babawi ako sa’yo!” nagsusumamong sabi ni Nia
Tumingin sa kanya ang mga kaibigan niya na tila nagkakaisa ang iniisip at parang sinasabihan siyang tanggihan ang hinihiling ni Nia. Naiiling siyang napangiti, alam niyang concern lang ang mga ito sa kanya pero mahirap tanggihan ang request ng isang kaibigan na ang tanging hiling lang ay maging memorable ang isa sa pinakamahalagang araw sa buhay nito.
“Of course, I’ll do it. That’s what friends are for, right?”