Tumunog ang timer ng oven, hudyat iyon na luto na ang bago niyang pinag-aralang cake recipe. It’s called mille-feuille, it is made from layers of thin puff pastry that is alternated with a cream filling and topped with a ganach. Hindi naman mahirap para sa kanya ang gawin ito at maging ang ilang flavours na natutunan niya ring gawin, ang tanging mahirap lang ay hanapin ang ilang spices na kakailanganin niya para gawin ang cake na ito.
Naglagay si Madeline ng makapal na hand glove at binuksan ang malaking oven saka maingat na tinanggal ang tatlong tray ng iba’t ibang flavour ng mille feuille.
“Myra, paki-slice na ng mga ito at pakilagay sa malaking plate para mailagay na sa labas,” utos niya sa isa sa mga kitchen staff.
“Okay po, Ma’am,” magalng na turan naman ni Myra.
“Thank you,” nakangiti niyang sabi at nang mailapag na ang mga tray ay pinasalang na niya ang ilang tray ng ginawa niyang cake saka inilibot ang paningin niya sa kabuuang silid. Lahat ay abala at may kanya-kanyang ginagawa sa parteng iyon ng kusina.
Siya ang namamahala sa Pastry Kitchen dahil na rin sa request niya, mas gusto niyang on hand pa rin siya pagdating sa mga ibe-bake na mga cake.
“Labas na ako,” paalam niya sa mga naroon.
Paglabas niya ay nagulat pa siya nang makita ang mga kaibigan niyang nakahilera sa counter at nakatingin sa kanya.
“Where is it? Luto na ba?” tanong ni Jackson na tila naglalaway at nakatingin sa likod niya na tila may inaabangang lumabas doon.
Napailing siya saka nakangiting lumapit sa mga ito. “Kanina pa ba kayo? Bakit hindi niyo man lang ako sinabihan?” tanong niya na tumingin sa mga kaibigan niya.
“Kadarating lang din namin,” sagot ni Dina na nakapangalumbabang nakatingin sa kanya. “Troy, texted us and told us that you’re baking a new recipe, siyempre hindi namin palalampasin iyon.”
“Mm, simula nang bumalik ka ng Pilipinas ay hindi mo pa kami inayang tikman ang mga natutunan mong recipe,” sabi naman ni Jacque.
“Where is it? Bakit ang tagal lumabas ng staff?” nakasimangot na sabi ni Jackson, halatang naiinip na sa kahihintay.
“Tch. Maghintay ka nga. Hindi ka pa ba nagsasawa sa nakapalibot na cake dito sa Café?” salubong ang kilay na angil ng kapatid nito.
“Shut up. Ako pa rin ang Boss dito kaya ako dapat ang unang makatikim ng gawang cake ni Madel,” angil pabalik ni Jackson sa kapatid nito.
Pagak siyang natawa at hindi umimik. Sino ba’ng mag-aakala na pagkalipas ng ilang taon ay ganito pa rin umasta ang mga kaibigan niya? Parang walang nabago sa mga ito at kung gaano kasabik ang mga ito sa mga nauna niyang ginagawang cake ay ganoon pa rin ang mga ito ngayon. At isang bagay lang siguro ang nabago simula noon.
Tila may kumirot na naman sa puso niya nang maalala ang mapait na nakaraan ngunit mabilis niya iyong itinakwil sa isipan niya. Hindi makabubuti sa kanya kung aalalahanin na naman niya iyon. Ilang taon na ba simula nang mangayri iyon? Limang taon? Ah, ang bilis lumipas ng panahon, five way long years but still, it hurts.
“Ma’am ito na po, saan ko po ito ilalagay?” tanong ni Myrna na dala ang dalawang plate habang nakasunod ang isa pang kitchen staff.
“Here,” sabi niya at itinuro ang mahabang mesa, saka kumuha ng tatlong platito at nilagyan ng tig-isang praso bawat flavour ng ginawa niyang cake at dinala sa harap ng mga kaibigan niya.
“Hep!” awat ni Jackson nang mauunang tumusok si Dave. “Fck off, dude, I’m the B—hey!”
Walang pakundangang tumusok si Jacque at siyang unang tumikim, binalewala ang masamang tingin ng kapatid nito. “Mm, it’s good. Tama lang ang tamis at hindi nakakasawa sa bibig.”
“What’s this name?” tanong naman ni Dina habang kumukuha na din.
“It’s called mille-feuille, isa ito sa mga natikman ko nang magpunta akong Paris. Hindi ko na makalimutan iyong lasa niya kaya agad kong isi-nearch sa website how to make it. Napag-alaman ko din na may tatlong flavour siya aside from the classic one kaya sumubok na din ako,” paliwanag niya sa mga ito.
“So, magiging signature na rin ito ng Cool Bratz?” tanong ni Dave na nakakatatlong subo na ng cake. Tinikman na nito ang halos lahat ng ginawa niya.
“Of course!” sagot agad ni Jackson at tumawa ng malakas. “Hindi talaga ako nagsisi na kunin kang partner sa Café, Madel. You’re still as awesome as you are!” sabi pa ni Jackson at nag-thumbs up sa kanya.
Nginitian niya lang ito, mayamaya pa ay dumating naman sina Mesha at Esteban na agad lumapit sa kanila at tinikman ang mga cake na ginawa niya.
“So, how’s your job?” tanong ni Jackson kay Mesha na kaagad nitong pinagsilbihan.
“Okay lang naman, bukas matatapos ko na ang dalawang school building na pinapintahan sa akin ni Dean. After that, pahinga na muna ako, parang gusto ko munang magbakasyon,” sabi ni Mesha na nagpasalamat nang bigyan siya ng malamig na tubig ni Esteban.
“That’s a good idea, tutal nakabalik naman na si Madeline, how about we visit the Casa? It’s been a while since we go there, right?” nakangiti namang sabi ni Esteban na tumingin sa kanya.
After five years had past, may kanya-kanya na silang pinagkakaabalahan—Esteban manages their Casa. Mesha tooks mural services pero kadalasan ang kumukuha sa service niya ay ang Dean ng school na pinagmulan nila. Nagbibigay din siya ng ilang free lessons doon para sa mga interesado sa mural arts. Dina owns a variety of flower shops arount the country, may mga kumukuha din sa flower shop niya para sa mga espesyal na okasyon kagaya ng weddings, anniversaries, birthdays and even funeral flower decoration. Dave and Theo has owned chains of Hotels. Troy pursue his dreams of becoming a Pilot while Jackson ask her to be onw of the owner of the Cool Bratz, together with Jackie.
Lahat sila ay may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan pero hindi pa rin nila nakakalimutang magkaroon ng oras para sa isa’t isa. Kapag wala din namang ginagawa ang mga ito ay nagpupunta sa Café para tumulong sa kanila—they also served the customers, kagaya ng ginagawa ng mga ito noon nang nasa loob pa sila ng AIS.
AIS helps them to grow and achieve what they have right now. Malaki ang naging papel ng paaralan para sa kanila kaya kahit mahirap para sa kanya ay taon-taon siyang bumabalik doon para umaatend ng Alumni Homecoming.
“Hey, nakatulala ka na naman. Saan ka na naman nakarating?” nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Dina.
“Huh? Ah, I’m just thinking about something,” sabi niya at naiiling na tumingin sa mga kaibigan niya.
“Ano?” sabay na tanong nina Mesha at Dina.
Huminga siya ng malalim at umupo sa mahabang stool na binigay sa kanya ni Esteban at nakapangalumbabang tumingin sa mga ito. “It’s been five years but I haven’t heard any of you of planning to get married.”
Tila nabulunan naman sina Dave at Jackson nang marinig ang sinabi niya habang ang mga babae naman ay pinamulahan ng mukha. Hindi niya tuloy napigilang tumawa sa nakitang reaksyon ng mga ito.
“Come on guys, may mali ba sa sinabi ko?” natatawa pa niyang turan. “Kayo,” turo niya kay Jackie at Dave. “You’ve been engaged for so long, wala pa kayong balak magpakasal? Kayo ang may pinakamatagal ng relasyon dito, right? Huwag niyong sabihing palalampasin niyo na naman ang taon na ito?” nakataas ang kilay na tanong niya sa dalawa.
“Oo nga naman, Dave. Kailan mo pakakasalan ang kapatid ko?” pagsesegunda naman ni Jackson saka napangisi. “Wala pa kaming balak magpakasal ni Mesha, pero pinagpaplanuhan na namin.”
“H-Hoy, tumigil ka nga!” saway ni Mesha sa nobyo nito. “Saka ka na mag-ayang magpakasal kapag natuto ka nang mag-bake ng cake!” nakairap na angil nito kay Jackson.
Nagkamot ng ulo si Jackson. “Pambihira, tatlong taon na akong nag-aaral mag-bake, di ko pa rin makuha ng tama ang gusto mong lasa,” nakasimangot na reklamo nito.
Nagkatawanan naman sila sa sinabi ni Jackson, hindi iyon lihim sa kanila. Talagang iyon ang ginawang challenge ni Mesha kay Jackson simula nang sagutin ng una ang huli, sabi pa ni Mesha, nagawa nga ni Dave na mag-bake, bakit hindi nito kaya?
“Kapag may ikinasal sa inyo, libre ko na ang higanteng wedding cake,” nakangiting sabi niya.
“I’ll do the flower arrangements!” nakangiting sabi naman ni Dina.
“I’ll have the wedding receptions,” sabi naman ni Dave.
“I can book a month in Casa Ysa in San Francisco,” sabi naman ni Esteban.
“Iyon naman pala, planado na ang lahat!” nakangising sabi ni Jackson at tumingin kay Mesha.
“What the hell? Don’t you dare propose to me, Jackson! Talagang tatanggihan kita hangga’t hindi mo nagagawang mag-bake ng cake!” pagbabanta ni Mesha.
Muli silang nagtawanan.
“Eh, sino nga ang ikakasal?” tanong ni Jackson.
“How about me?” Sabay-sabay silang napatingin sa pinaggalingan ng boses at umaliwalas ang mukha niya nang makita kung sino iyon. “Hello guys, have you missed me?”
“Nia!” masiglang turan niya at tumayo upang salubungin ang kaibigan niya.