Blake’s pov BITBIT ang isang kahon ay pumunta si Blake sa St. Lukes hospital upang kunin ang mga naiwan niyang gamit sa kanyang clinic. Doon siya nagtratrabaho noong hindi pa siya nag-file ng certificate of candidacy. Hindi pa naman siya nag-resign sa kanyang tungkulin bilang Oncology. Kailangan niya lang mag-focus sa darating na halalan at kung paano niya mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama. Alam niyang hindi niya magagampanan ang pagiging doctor niya kung tatakbo siya halalan. Abala siya sa paglalagay ng mga gamit niya sa kahon nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang clinic. Bumungad sa kanya si Nian. Pinagmasdan niya ang babae. “Sa wakas nakita rin kita,” agad na wika sa kanya ni Nian. Ang ngiti sa kanya ni Nian ay may himig na pang-aakit. Nginitian niya lamang

