Feonna’s pov ABALA si Feonna para sa kanyang gaganapin na kaarawan. Forty-one years old na siya. First time niya lamang maghanda ng ganito kagarbo. Nasanay siyang mag celebrate abroad. Naikot na nga yata niya ang buong mundo. Gusto niya naman na maiba ngayon. Gusto niyang pag-usapan ng mga kilalang tao sa Pilipinas ang party na kanyang idadaos. Gaganapin ang kanyang kaarawan sa Palacio De Maynila. The main hall ballroom is quite large. The place can easily hold over one thousand attendees. Mga prominenteng tao ang dadalo sa kanyang kaarawan. Ang ilan ay mga kilalang Senators at syempre hindi pwedeng hindi dumalo ang kanyang kalaban na si Blake. Gusto niyang makita nito ang kanyang kapangyarihan. At kung gaano kalawak ang kanyang koneksiyon. Sinigurado niyang dadalo ito sa kanyang kaar

