Rafael’s pov NAPANGIWI na lamang si Rafael nang marinig niya ang bibig ni Feonna sa kabilang linya. Inaasahan niya na iyon pero naiinis pa rin siya rito. Hindi niya kayang marinig ang mga pagmumura nito na akala mo ay tauhan lamang siya nito. Kung wala rin naman siya ay wala rin ito. Tama lang ang kanyang ginawa. Ang ilayo si Sue kay Feonna. Tinawagan niya kanina si Sue at nalaman niyang nag-rent ito ng condominium. Hindi na siya nagtanong pa kung nasaan ito baka magkamali lamang siya. Gagawin niya pa rin ang lahat upang hindi makuha ni Angelo si Sue. Upang mawala ang inis niya ay nagtungo siya sa pinakamalapit na night club na nadaanan niya..GB Night Club ang pangalan no’n. Umorder siya kaagad ng beer at agad iyong tinungga. Hindi lamang siya umiinom upang maw

