Genelyn’s pov HINDI mapigilang hindi magtaka ni Genelyn sa babaeng bagong pasok sa kanyang club. Hindi pa bukas ang kanyang club nang mga oras na iyon. Alas singko kasi siya ng hapon nagbubukas pero nakaugalian niya nang magbukas ng alas dos upang ayusin ang club. Naglilinis siya ng cabinets nang dumating ang kanyang hindi inaasahan na panauhin. Hindi siya maaaring magkamali. Malayo pa lang ito sa kanya ay nakilala niya na ito. Asawa ito ng Mayor ng Manila na tatakbo rin sa darating na eleksyon. Nakalimutan niya lang ang pangalan nito. Mas naagaw kasi ng katunggali nito ang kanyang atensyon. Si Blake Javier na ubod ng gwapo. Hindi lamang basta gwapo ang katunggali nito kundi isa ring doctor. Mabuti na lamang at kay Blake Javier siya humanga, hindi sa babaeng kaharap niya ngay

