Acaly’s pov Nataranta si Acaly nang marinig niya ang boses nang kanyang pamangkin. Kaagad siyang napabangon sa takot na baka hindi na-lock ni Blake ang pinto. Napansin niya ring nataranta si Blake pero hindi man lang ito nag-abala na magbihis. “Mommy Acaly!” tawag ulit ni Queen. Mommy ang tawag nito sa kanya at ganoon din kay Jerica. “Yes baby?” sagot niyang hindi pa rin binuksan ang pintuan. “Hu’wag mong papasukin,” bulong sa kanya ni Blake kaya napangiti siya. Natatawa siya sa itsura nang lalaki. Mukhang wala itong balak na mabitin. Niyakap pa siya nito. “Sandali lang,” wika niya kay Blake. Tumayo siya at lumapit sa pintuan. “Can I borrow your ipad?” sigaw ni Queen sa labas ng pinto. “Okay,” sagot niya na nakangiti. “Thank you,” sagot ni Queen at

