Sue’s pov Alam niyang nasasaktan si Winston dahil sa nangyayari sa kanilang dalawa. Kung nasasaktan ito ay nasasaktan din naman siya. Pretending to be happy when you’re in pain is just an example of how strong you are as a person. Naging matatag siya sa mga hamon na dumating sa kanyang buhay kahit pa muntik na siyang mapahamak nang dahil kay Angelo. Kulang na nga lang ay mabaliw siya nang dahil kay Winston pero ito pa rin siya. Pilit na nagpapakatatag. Bumangon ng kama si Winston at tahimik na umiiyak. Huminga siya ng malalim. Hindi kaya ng kanyang puso na nakikita itong nasasaktan. Nadudurog din ang kanyang puso. Kung minsan ay hindi niya napipigilang hindi magtanong. “Bakit kaybilis magpatawad ng isang tao sa taong mahal niya? Bakit kaybilis malimot ang sakit na

