Winston’s pov KAHIT ANONG pigil ni Winston na kontrolin ang kanyang pag-iyak ay hindi niya magawa. Nabigla siya sa kanyang nalaman pero wala siyang pinagsisihan. Ang babaeng palaging laman ng kanyang panaginip ay walang iba kundi si Sue. Malinaw na sa kanya ang lahat. Hindi nga nagsisinungaling si Vlad sa kanya. Ikinasal nga siya. At si Sue ang babaeng inalayan niya ng kanyang puso at pangalan. Hinawakan niya ang kamay ni Sue. Pinisil niya iyon at dinala sa kanya ng labi. Dinama niya ang kamay ng babae. Ang lakas ng t***k nang kanyang puso habang nasa labi niya ang makinis at malambot nitong kamay. “Kahit hindi kita maaalala gusto ko pa rin humingi ng tawad sa’yo kung nasaktan kita. Kung naging wala akong kwentang asawa. Kung ginawa kong miserable ang buhay mo,” wika niya k

