Rafael’s pov DESPERADO na si Rafael na muling makita si Sue pero bigo siya. Hindi lumalabas ng bahay si Angelo kaya hindi niya ito masundan. Si Feonna naman ay nasa bahay niya at naghihintay sa kanyang update tungkol kay Sue. Pinanghihinaan na siya ng loob. Hindi niya alam kung saan niya hahanapin si Sue. Ilang ulit niya nang tinatawagan ang cellphone nito pero hindi niya na iyon makontak. Labis na siyang nag-aalala para sa babae. Tatlong araw na itong nawawala. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Feonna. Si Blake ang huling kasama ni Sue nang mawala ito. Alam niya kung saan nakatira si Blake. Lingid kay Blake na alam niyang sinusundan siya nito noong nasa Bulacan pa siya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad niyang pinuntahan si Blake. Nakailang

