Winston’ pov HINDI MAGAWANG iwan ni Winston si Sue sa bahay nang magkapatid na sina Acaly at Jerica. Pakiramdam niya ay kailangan siya ni Sue. Mabuti na lang at hindi siya tinawagan ni Feonna. Nakahiga ito sa kama samantalang siya ay naglagay lamang ng comforter sa sahig. Gusto niyang ‘wag mailang sa kanya ang babae. Buong araw niya itong hindi nakausap ng maayos at hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Hinayaan na lamang niya itong magpahinga. Si Jerica at Acaly ang tumulong kay Sue upang makaligo at makapagbihis. Mabuti na lamang at nailigtas niya si Sue kay Angelo dahil kung nagkataon ay tatlong araw na si Sue sa mga kamay ni Angelo. Kanina pa tulog si Sue pero siya ay nakatitig lamang sa kisame. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Bakit hindi niya maramdaman ang

