Sue’s pov NAPAYAKAP si Sue kay Blake nang makita niya ito. Nagtataka pa ito nang makita siyang umiiyak. Hinagod ni Blake ang kanyang likuran. Hindi niya mapigilang hindi maiyak sa nakita. Nananadya talaga si Feonna. Alam niyang sinadya nitong ipakita sa kanya ang tagpong iyon sa banyo. Kahit kailan ay wala itong delikadesa. Hindi man lang natakot na baka may makakita sa mga ito. Kulang pa ang ginawa niyang pananampal kay Winston. Hindi lang din dura ang gusto niyang gawin kay Feonna. Kung pwede lang na i-flush niya ito sa toilet bowl ay gagawin niya. “Sayang ang make-up mo,” wika sa kanya ni Blake. Alam niyang gusto lang siyang patawanin ni Blake. Huminga siya ng malalim at kumalas sa pagkakayap kay Blake. Hindi na siya tumanggi nang punasan ni Blake ang luhang naglandas sa kanyang muk

