Sue’s pov HINDI na mabilang ni Sue kung ilang beer na ang naubos ni Winston. Nagiging makulit na ito. Samantalang siya ay red wine naman ang iniinom. Hindi naman siya lasing pero ramdam niya ang init ng alak sa kanyang katawan. Mabuti na lang ay nasa labas sila ng bahay matutulog ngayong gabi. Nasa labas pa rin sila ng tent at umiinom. “I love you!” wika ni Winston sa kanya. Nakailang ulit na ito ng I love you sa kanya. Ang mata nito ay naniningkit na sa kalasingan. “Lasing ka’na,” wika niyang natatawa. “Hindi pa ako lasing,” tumatawa na wika ni Winston sa kanya. Kahit isang case na beer pa yan ay kaya kong ubusin,” pagyayabang pa nito. Lumapit sa kanya si Winston at huminga malalim. “Amoy alak na ba ako?” tanong sa kanya ng lalaki. Mapupungay na ang mga nito dahil sa ka

