Feonna’s pov KULANG na lang ay sakalin ni Feonna ang natutulog na si Angelo. Sino ito para saktan si Winston? Para pangunahan ang kanyang plano? At plano pa talaga nitong patayin si Winston. Para ano? Para makuha nito si Sue. Hindi niya iyon mapapayagan. Buti na lang talaga at naunahan ito ni Winston at ang pagkakamali ni Winston ay hindi pa nito pinuruhan si Angelo. Kung hindi pa dumugo ang kanyang kamay sa pagkakatusok niya ng kanyang kuko ay hindi pa siya titigil sa pagdiin no’n. Bahay pa pala ang kanyang ahas na kapatid niya. Hindi lang lahing ahas ang mayroon ito kundi may lahi na ring pusa. Hindi mamatay-matay. Hindi niya mapigilang manggigil. Kahit hindi sabihin sa kanya ni Winston nararamdaman niyang mahal pa rin nito si Sue. Hindi nito kayang mawala ang babae sa b

