Sue’s pov HINDI mapigilang hindi manlaki ang mga mata ni Sue sa nakitang magandang tanawin. Tama nga siya, paradise ang lugar na iyon. Nakatitig lamang siya sa talon. Patuloy ang pagbagsak ng tubig sa ibaba. Hindi iyon ganoon kalawak hindi tulad sa ibang talon na kanyang nakikita. Sa tantiya niya naman ay hindi iyon ganoon kalalim dahil sa sobrang linaw ng tubig ay nakikita niya na ang ang ilalim. Nakaakit pagmasdan. Tila hinihikayat siyang tumalon kaagad sa tubig. Isa pa sa nakakaakit pagmasdan ay ang mga puno na nakapaligid sa talon. Kahit maligo ka ng tanghaling tapat aya hindi masusunog ang iyong balat dahil makulimlim sa lugar. “Anong masasabi mo?” pukaw sa kanya ni Winston. Natulala na siya sa ganda ng lugar. “Perfect,” nakangiti niyang wika. Manghang-mangh

